Red Moon

569 43 2
                                    

3rd Person's POV

"Walanjo! Hindi ba sila nauubos?!",inis na tanong ni Chen nang makitang may mga rebeldeng palapit sa kanya.

"Subukan mo silang tanungin,hyung. Pfft. Baka may matinong sagot.",sabi ni Sehun sa kanya na kasasaksak lang ng isang patalim sa lalamunan ng kalaban nya.

Biglang kumidlat ng sunod sunod kaya naman napatingin si Sehun  sa binata. Kita nya ang seryoso at galit sa mukha nito. Ibinubuhos na nga talaga ni Chen ang lahat ng makakaya sa oras na ito.

Ngayon lang nya nakita na ganito ang kaibigan. Dahil palabiro ito at madalas na nakangiti o nakatawa. Hindi nagse-seryoso.

Sinundan nya ang tingin ng binata sa malayo at nakita nyang kung paano tustahin ng kidlat ang mga rebeldeng papasugod sa kanila.

Doon lang nya nakita ang namumuong portal sa unahan ng bayan.

"Hyung!!! Marami pa sila!"

Dahil sa sigaw na yun ni Sehun ay napatingin si Tao at D.O. sa tinitignan nya.

"Pakshet.",bulong ni Tao sa sarili. Hinihingal na ang binata dahil sa sobrang dami ng nakalaban. Sa kanilang apat ay sumunod sya kay Kyungsoo sa pinaka-maraming napatumba.

Pinulot nya ang wushu stick na nabitawan at sya na mismo ang sumugod sa mga rebelde. Ibinuhos nya lahat ng galit sa mga nakakasalubong. Sa pamamagitan ng tatlong galaw lamang ay lima na agad ang kanyang napapatumba.

Kahit palibutan sya ng sampung katao ay kaya nya lahat ito kahit hindi ginagamitan ng kanyang kapangyarihan.

Naramdaman ulit nya ang pagbabagsakan o pag-angat ng lupa sa kanyang paligid gawa ni D.O.

Kinokontrol nya ang lupa at gumagawa na makakapal na bloke nito saka ibinabagsak sa mga kalaban kaya naman marami syang napapatumba.

"Bwisit!!! Ang papangit nyo. Tsk.",sigaw ni Sehun sa mga kalaban na nakangisi habang sya'y pinalilibutan.

"Hoy,itinakda ka ba? Mukha ka kasing buto buto na lang eh.",sabi ng isang malaking lalaki na maraming bilog na hikaw sa kanyang ilong,labi at dalawang tainga.

Napangisi si Sehun dahil dun. Nagpanting lalo ang tainga nya dahil sa narinig.

"Ulol! Makikita nyo kung bakit isa ako sa mga itinakda." Ngumiti sya ng nakakatakot ahabang ang mga mata ay parang papatay.

Biglang lumakas ang hangin at si Sehun ay parang wala nang pakialam sa kahihinatnan ng gagawin. Ang tanging nasa isipan nya ay ang maubos lahat ng pume-peste sa kanya.

Tatlong malalaking ipo-ipo ang ang nabuo sa likuran ng binata. Gulantang na gulantang ang lahat.

Napatigil ang paglalaban ng lahat ng nasa lugar na yun.

Samahan pa ng mga kidlat ni Chen ang tatlong malalaki at malalakas na ipo-ipo ni Sehun ay para itong signus na mawawasak na ang planeta.

Sa sobrang lakas ng ipo-ipo ay ni hindi man lang natitinag at naaalis sa kani-kanilang pwesto ang mga binatang itinakda.

Lahat ng mga rebelde sa lugar pati na ang mga pasugod pa lang ay ngayon na nakahandusay na at wala nang natitirang buhay.

Nang mawala ang mga ipo-ipo ay napaluhod si Sehun dahil sa panghi-hina.

Napatakbo papunta sa kanya ang tatlong binata.

"Sese? Ayos ka lang ba?",tanong ni Tao habang inilalagay ang kanang braso ni Sehun sa kanyang balikat upang tulungan ito.

"A-ayo--"

Naputol ang sasabihin nito nang bigla itong mahimatay.

"Maknae!!!"

[1] Adventures of Exo and the Nine FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon