Verity

560 39 6
                                    


Seohyun's POV

Napakagat ako sa aking ibabang labi nang makita ko syang palabas ng entrahada ng kastilyo. Napatalikod ako nang lumingon sya sa aking gawi.

Aish.

"Seo!"

Pilit kong nginitian si Sunny unnie na tumatakbo palapit sa'kin. Ngayon na ang huling araw ng paghahanda.

"Halika na. Hinihintay na kasi nila tayo doon eh." Tumango ako at inilabas ang aking mga pakpak.

Lilipad na sana ako nang hinawakan nya ang kanang kamay ko na para bang pinipigilan ako.

"Bakit kasi hindi mo na lang sya kausapin? May oras pa naman para sabihin mo sa kanya ang tungkol sa nararamdaman mo."

I can see sincerity in her eyes.

Tama naman sya eh.

Kaso ayoko nang makasakit ng damdamin.Ganun din naman.Parehas lang kaming masasaktan.

"Hindi na unnie. Ayokong magpaasa,masakit kasi.",I said as I gave her a sad smile.

Then memories from last night began to come up to my mind again.

Flashback

Ayokong marinig ang sasabihin nya.

Matagal ko nang alam. Sa mga kinikilos nya. Sa lahat ng mga sinabi nya.

Hindi nakikita ng iba dahil ginagawa lang naman nya ang mga yun pag kaming dalawa lang ang magkasama.

"Uh..."

Miski boses nya ngayon ay ayokong marinig! Wala pa pero masakit na.

"Ngayon lang ako magla-lakas loob na umamin. Mukha man akong matapang sa paningin nyo pero ang totoo eh duwag ako." Napansin ko ang sandaling pag-ngisi nya.

Kasunod ay ang pag-baling ng mga mata nya sa'kin. Dahilan para mapaiwas ako ng tingin.

"Sobrang duwag ko kapag tungkol na sa nararamdaman ang pinag-uusapan. Sinasabi ko 'to ngayon dahil gusto kong malaman ng lahat na ikaw lang,noon pa, ang gusto ko."

"Kahit hindi mo man suklian ang nararamdaman ko para sa'yo ay ayos lang. Seo?"

Lahat ng mga mata ay nakatingin sa gawi ko. Pinipigilan ko ang aking emosyon.

Hindi ngayon.

Dahan-dahan kong sinalubong ang tingin nya. His eyes are shining. Ibang-iba sa tingin ng lahat.

"Noon pa, mahal na kita."

I bit my lips. Surpressing my self on crying.

Kahit na gusto kong sabihin na parehas lang kami ng nararamdaman sa isa't isa eh hindi pwede. Nakapag-desisyon na ako.

Pfft.

Ang duwag ko kasi eh.

Ang totoo ay ako talaga ang tunay na ibig sabihin na pagka-duwag. Naduduwag akong mas masaktan sya pag dumating ang araw na yun.

Natatakot ako sa mararamdaman nya. Ayos lang sa'kin na ako na ang umako ng lahat wag lang sya.

Pinilit kong ngumiti. Kahit ang totoo ay gustong gusto ko na tumakbo papunta sa pwesto nya at yakapin sya ng mahigpit pra maiparamdam ang sa kanya na mahal ko sya.

Pero dahil nga duwag ako, pinili ko na lang ang magsinungaling.

"Salamat Sehun."

Tumayo ako at lumapit sa kanya saka inabot ang kanyang mga kamay.

Sandali kong nakita ang saya sa kanyang mga mata. Inalis ko sa isipan ang pagka-konsensya.

Binitawan ko ang kanyang mga kamay at tumalikod sa kanilang lahat.

Ayokong makita ang magiging reaksyon nila. Lalo na sya.

Habang nagla-lakad palayo ay isa isa na ring nag-unahan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Okay lang yan,Seo. Love is selfless,diba?

***
3rd Person's POV

Nakarating na si Seohyun sa gitna ng kagubatan at bumaba sa mismong tapat ng tree of life. Malamyang malamya sya at parang walang enerhiya.

Sinalubong sya nila Yuri at Jessica.

"Anong nangyari? Ayos ka lang ba?"

Walang emosyon ang mukha nya. Hindi nya alam kung anong sasabihin. Ni wala nga syang enerhiya para magsalita.

Umiling na lang sya bilang tugon. Naramdaman ng dalawa na hindi maayos ang lagay nya kahit hindi nila alam ang nangyayari.

Nilapitan sya ni Yuri at niyakap. Si Jessica naman ay tinititigan sya na para bang pinipilit basahin ang kanyang ekspresyon.

"Magiging maayos din ang lahat,maknae. Kahit anong mangyari,isipin mo na lahat ng gagawin natin ay para sa'ting mga minamahal. Hindi ba yun naman ang dahilan kung bakit tayo nandito ngayon?"

Naramdaman nya na naman ulit ang pamilyar na pakiramdam ng nababasa nyang mga pisngi at ang sakit sa kanyang kalooban.

"Noong una,hindi natin alam kung bakit tayo nandito ngunit habang tumatagal ay binibigyan na tayo ng dahilan sa ating mga nakatakdang gawin at sagot sa lahat ng ating mga tanong."

"Pero,unnie. Alam kong tama ang ginawa ko pero bakit sinasabi ng konsensyo ko ay ang kabaliktaran?! Hindi ba dapat ang konsensya ang sinusunod dahil ito ang mabuti? Bakit parang mas tama ang sinasabi ng isipan ko?"

Tuluyan nang bumigay ang kanyang mga tuhod dahil sa hindi maipaliwanag na sakit.

Ramdam ng dalawa pang dalaga kung ano ang ibig nyang sabihin. Alam nila ang sakit na kanyang pinagdadaanan.

Lumuhod si Jessica sa harapan nya kaya naman tumingala sya upang tignan ang dalaga.

"Huwag kang mag-alala. May magandang plano ang lumikha para sa atin."

Bago pa dumating ang ibang fairies kasama si Kris ay inayos na ni Seohyun ang kanyang sarili. Ayaw nyang makita ng iba sa ganoong kalagayan dahil ayaw nyang maging isa sa mga isipin ng mga ito. Alam nya kung anong sitwasyon nilang lahat at ayaw nyang maging pabigat.

Nang sa wakas ay ma-kumpleto sila ay hindi nila inaasahan ang pagdating ng buong exo bago pumwesto sa kani-kanilang lugar sa palibot ng kastilyo,tree of life at bayan.

Bumilog sila at tahimik na nagpa-pakiramdaman.

Tumikhim muna si Suho bago mag-salita. "Eto na ang araw na ating pinagha-handaan. Gamay na natin ang lahat ng kailangan. Alam kong gagawin ng bawat isa ang lahat para sa labanan na mangyayari ngunit kahit papaano ay mag-ingat ang lahat. Nawa'y mag-tagumpay tayo ng nagtu-tulongan at nasa tabi ng isa't isa." Tinapos nya ang mensahe sa isang ngiti na para bang nagbibigay ng lakas ng loob sa lahat.

Iniligay nya ang kanang kamay sa gitna at sinundan sya ng lahat.

"Laban!!!"  Sabay-sabay nilang sabi bago niyakap ang isa't isa sa huling pagkakataon bago ang isa na namang digmaan na tatatak sa istorya ng Lost Galaxy.

[1] Adventures of Exo and the Nine FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon