Hinder

672 60 12
                                    

3rd Person's POV

Nang bumukas ang mga bulaklak ay naglabas ito ng makikintab na paru-paro.

Isa isang nagsiliparan ang mga fairies. Ngunit napahinto sila sa nakita.

Nakaramdam si Tiffany ng panla-lambot kaya naman hinawakan sya ni Sunny nang mapansin nito.

"Taecyeon, pakawalan nyo sila." Si Taeyeon ang naglakas loob na magsalita.

Ngumisi ang lalaking matangkad at may malaking katawan.

"Tingin mo gagawin talaga namin yun?"

Napatingin si Taeyeon sa katabi ni Taecyeon na may hawak kay Seulgi na nanginginig at tahimik na umiiyak sa takot.

Napasinghap at napakagat sa labi ang dalaga nang hinila nang lalaking may hawak sa kanya ang kanyang buhok at itagilid nang bahagya ang kanyang ulo.

Kinilabutan sya at hindi maiwasang mapahagulgol nang maramdaman nya na amuyin ng lalaki ang kanyang leeg.

"Nichkhun.",saway ni Taecyeon sa lalaki na ngumiti lang na parang walang nangyari.

"Sabihin mo na kung ano ang gusto nyo!",sigaw ni Taeyeon dahil sa galit.

"Simple lang naman."

Naglakad ang lalaki at unti unti itong lumutang na tumapat kay Taeyeon.

"Everlasting Rings."

Nagpanting ang tainga ng dalaga ng marinig iyon at sa isang iglap lang ay may hawak na ang dalaga na two-headed axe.

"Hell,no."

"Ang oath.",bulong ni Seohyun dahilan para mapatingin sa kanya si Yoona na katabi nya.

"Hahaha. Ang init mo naman."

Tinalikuran ni Taecyeon ang dalaga at hinarap ang mga kasama na bihag ang mga pixie. Nilingon nya ng bahagya si Taeyeon.

"Madali naman akong kausap."

Nanlaki ang mga mata ng mga dalaga nang makita nila na mas napahigpit ang pagkakahawak ng mga lalaki sa mga pixies.

"U-Unnie!",sigaw ni Yeri na tuloy tuloy ang pagtulo ng luha.

"Taecyeon!",galit na sigaw ni Taeyeon at sumugod sa lalaki. Hindi man lang lumingon ito.

Naramdaman ni Taeyeon na may dumaan sa gilid nya na sobrang bilis at narinig na lang ng lahat ang malakas na tunog ng pagtama ng dalawang matalas na bagay.

"S-Sica."

Lahat ng mga dalaga ay naguguluhan kung bakit hinarang ni Jessica si Taeyeon ng hawak nyang dalawang espada sa magkabilaan na kamay.

"Sabi ko na nga ba at may kakaiba."

"Ooh. You guessed it right."

Kahit nakangiti ay hindi ito umaabot sa mga mata ng dalaga. Nakita ni Taeyeon ang pagbabago ng kulay ng mata nya.

"Isa ka sa amin. Bakit?!",tanong ni Taeyeon ngunit wala ni isa sa kanilang dalawa ang nagbaba ng sandata.

"Because we want to conquer all the worlds. Akala ko ba ay matalino ka?"

Mas lalong sumama ang tingin ni Taeyeon sa ngayon ay dati na nyang kaibigan. Binawi nya ang hawak at muling itinutok ito sa dalaga gamit ang buo nyang lakas. Tumalsik ang isa sa hawak na espada ni Jessica.

"Helping them won't make you any good. Invading this planet will just cost every innocent lives. We will all die eventually."

Hindi namalayan ni Taeyeon ang mabilis na paggalaw ni Jessica at nasipa sya nito.

"Yun nga ang gusto namin eh. Destroy all the lost planets one by one and the barrier will be broken."

Napaubo si Taeyeon dahil sa lakas ng sipa sa kanya.

"At kapag wala na ang barrier, we are all free to go to the only planet that we can overpower and rule over it. Then we will be the strongest race in all universe."

Ngumisi si Jessica ngunit napalitan ito ng malamig na titig na ibinigay nya kay Taeyeon nang maramdaman nya ang hapdi sa kanyang kaliwang pisngi.

"At sisiguraduhin namin na hindi yan matutuloy."

"Sigurado ka? Ngayon na alam ko lahat ng plano at sikreto nyo?" Walang emosyon ang mga mata nito.

Susugod na sana ulit si Taeyeon nang lahat ng kalaban nila ay bigla na lang nawala.

Unti unting tumulo ang mga luha nya na kanina nhya pa pinipigilan. Dahan dahan syang ibinaba ng kanyang mga pakpak sa lupa at napaupo na lang habang umiiyak.

"Paano nya nagawang traydorin tayo??? Bakit?!",sigaw nya habang umiiyak. Halos mapayuko na si Taeyeon sa lupa kung hindi lang dahil kay Hyoyeon at Sooyoung na umaalalay sa kanya.

Ang ibang dalaga ay nakapalibot habang tumutulo ang mga luha.

"Sila Irene, kailangan natin iligtas.",determinado at seryosong sabi ni Yuri habang pinupunasan ang mga luhang nakawala.

---

"Hindi tayo pwedeng magpa-dalos dalos.",sabi ni Suho nang malaman ang gustong mangyari ng mga dalaga.

"Ha! Magpadalos dalos? Yan ang tingin mo sa kagustuhan namin na magligtas ng mga kaibigan?!" Hindi napigilan ni Sunny ang mapasigaw sa galit.

Gulong gulo at hindi na nila alam ang gagawin.

"Kailangan makausap ang mga Majesties."

[1] Adventures of Exo and the Nine FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon