Earth

1.6K 103 3
                                    

Earth

D.O's POV

"Umma,si Kai oh!Huhuhu."

"Aba!Ako pa ngayon?!Umma halika na nga,diba may pupuntahan ka pa?"

"Hindi pwede. Ako ang sasama kay umma!Bleeeeh!"

At ayun pinagaawayan at pinag aagawan na naman nila akong dalawa.Pakshet naman oh.

Habang nag aaway sila ay hinila ko si Suho hyung at Tao para samahan ako sa tinatawag nilang bookstore para bumili nung cookbook na sinasabi ni Yoona.

"Oh,iiwan mo yung dalawang yun D.O.?",tanong ni Suho hyung habang papalabas kami ng pintuan.

"Oo,nakakapagod na sila eh."

Nakasalubong namin si Yoona at sinabihan ko na rin syang sumama samin.

"Wow,hyung ibili mo ko nun oh!",sabi ni Tao kay Suho hyung habang itinuturo yung wolf na stuff toy sa nadaanan naming tindahan.

"Mamaya na lang Tao.",sabi ni hyung at nanahimik naman si Tao dahil alam nyang bibilhan naman sya ni hyung.

Pagkadating namin sa bookstore ay naghiwa hiwalay kami para maghanap ng cookbook.

Habang naghahanap ako sa isang gilid ay biglang umilaw yung emblem ko.

Dahil wala masyadong tao sa paligid ay nakita ko agad ang isang babaeng nagaayos ng libro sa kabilang shelf.

Pinuntahan ko sya at,"Miss,fairy ka ba?",tanong ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo nya sabay sabing,"Lasing ka ba sir?"

Wengya.Nasabihan pa ako ng lasing.

Baka naman nagloloko lang tong emblem ko?

Napalingon ako sa babaeng nasa likuran ko ng bigla syang humagikgik.

Baka sya yung fairy!

Ang tanga mo Dyo.

"Ahh.Ikaw pala yung fairy.Tsk.Anong pangalan mo?",tanong ko sa kanya.

"Seohyun.Ikaw?"

"D.O",maikli kong sagot.

"Hyung!",rinig kong tawag ni Tao.

"Oh?"

"Wow.Sya ba yung fairy dito? Ako nga pala si Tao."

Dumating na din sila Suho hyung at Yoona.

"Halika na Seo!Siguradong matutuwa na silang makilala ka"-Tao

"Ah.eh.Sandali lang ha"

Pagkabalik ni Seohyun ay may dala syang pitong libro.

"Wow.Bibilhin mo lahat yan?",tanong sa kanya ni Yoona at tumango naman sya.

Binayaran na namin yung librong binili namin.Yung kay Seohyun naman ay binayaran na din ni Suho hyung.Nung una ay tumatanggi pa sya dahil nahihiya sya pero dahil sa sobrang kulit ni Tao ay napapayag nya rin ito.

---

Yoona's POV

"Wow,so color orange ang wings mo?",tanong ni Baekhyun kay Seohyun.

"Oo.",maikling sagot ni Seo.

"Waaaa!Paturo na akong palabasin yung akin.Huhuhu!"

Hahaha!Ayan na naman si Yul unnie.Kanina pa kasi sya nagpapaturo samin ni Seohyun pero ayaw kaming paalisin nung mga boys.

"Oh,wag ka na iyak.Bukas ka na magpaturo sa kanila.Hahahaha!",pang-aasar ni Chanyeol sa kanya.

"Che!Makatulog na nga.Palagi nyo na lang ako inaapi!",sabi ni Yul at nagdadabog na pumasok na sa kwarto nya.

"Hala!Lagot kayo hyung.Pinikon nyo na naman si Yuri!"- Tao

"Oo nga. Ang sama nyo." -Xiumin

"Oy,tama na yan!Baka kayo naman ang magkapikunan eh!Hahaha!"- Luhan

"Unnie,uhmm.Ganyan ba talaga sila kagulo?",nahihiya nyang tanong sakin.Ang cute nya talaga!

"Hahaha.Yeah,masasanay ka din sa kanila don't worry"

"Okay.Hehehe.Pwede ba nating puntahan si Yuri unnie?"

Tumango ako habang nakangiti at umakyat na kami sa kwarto ni Yuri.

"Oh,bakit kayo nandito?"

"May kailangan kasi kayong malaman tungkol sating mga fairies",sabi ni Seohyun habang nila-lock yung pintuan.

Err, ano naman kaya yun?

"Ano yun Seo?",tanong ko.

"Sa tingin ko ay marami pa kayong dapat matutunan mga unnie.Lalo na ikaw Yuri unnie,hindi lang ang pagpapalabas mo sa wings mo ang dapat mong matutunan",sabi ni Seo na ipinagtaka namin ni Yul.

Ano bang sinasabi nya?

"Didiretsuhin ko na kayo.Ayon sa pagre-research ko at pagbabasa ng libro simula nang matuklasan kong isa akong fairy ay may mga abilities tayo na kailangan nating mapalabas,sanayin at mapalakas",seryoso nyang sabi.

"Wow.Ang talino mo talaga Seo!Idol na kita.",sabi ni Yul.

Tama.

Ang talino talaga nya.

Pero, anu-ano naman kayang abilities ang sinasabi nya?

[1] Adventures of Exo and the Nine FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon