Glimpse

733 49 3
                                    


3rd Person's POV

Hindi kumbinsido ang mga fairies lalong lalo na si Sunny sa plano ni Suho na hintayin ang sasabihin ng mga Majesties.

"Argh! Hindi pwede to."

Naglalakad sya nang pabalik balik habang minamasahe ang sentido at ang ibang dalaga ay nakaupo at nag-iisip.

"I say we should rescue them ourselves."

Napatingin silang lahat kay Tiffany.

"No. They will surely expect that. Lalo na at mga babae lang tayo."

Tinaasan nya ng isang kilay ang mga kasama.

"Who said that we'll do it with just us girls? Pfft. Why not have the boys with us?"

Ngumisi ito at tumayo.

---

"Seryoso ba kayo sa sinasabi nyo?" Hindi makapaniwala si Tao sa sinabi ni Tiffany.

Hinila ni Tiffany at Hyoyeon sila Tao,Luhan at Baekhyun. Ngayon ay nasa loob silang lahat ng kwarto ni Sooyoung.

"Mukha ba kaming nagbibiro?" Inismiran ni Tiffany ang binata dahil sa inis nang magtanong na naman ito sa pangatlong beses.

"Oo daw,Panyang. May nakasulat daw kasi na 'Joke' sa noo mo. Hahaha."

Nakuha pang magbiro ni Baekhyun at tumawa din si Luhan pati na ang ibang dalaga. Kinurot ni Taeyeon si Baekhyun sa tagiliran dahilan upang matigil ito sa pagtawa.

"Eto naman,joke lang eh!"

Inakbayan sya ng binata at tinaasan nya lang ito ng isang kilay. Ngumiti naman na parang walang nangyari si Baekhyun.

"Sige,payag na kami. Susubukan kong kumuha ng mga impormasyon tungkol sa kalaban."

Napangiti ang mga dalaga dahil sa narinig.

"Wait? Pumayag ba ako?",tanong ni Tao.

"Juice colored! Just stay if you don't want to go."

Hindi na lang pinansin ni Taeyeon ang asik ni Tiffany sa binata at nagsalita.

"Luhan, bilisan nyo ang pagkuha ng impormasyon. Kailangan pa natin magplano." Tumango si Luhan at hinila na ang dalawa palabas.

Makalipas ang apat na oras ay nilapitan ni Baekhyun si Taeyeon at sinabihan na kailangan na nila mag-usap muli.

Nagtipon silang lahat sa pinakatuktok na gitnang bahagi ng kastilyo kung saan unang nagtraining ang mga fairies.

"Ganito ang gagawin natin at makinig kayo ng mabuti."

Itinuon ng lahat ang atensyon kay Luhan matapos nitong magsalita.

"Sisimulan natin ngayon. Para hindi makahalata ang iba na wala tayo,tatlo lang sa mga fairies ang sasama at kaming dalawa ni Tao. Si Baekhyun at ang iba pa ay mananatili dito upang magsabi ng kung anong dahilan kung bakit wala kami."

"Alam ko na kung saan sila ikinulong ng mga kalaban. Ang pinaka-pinuno nila ay may maliit na kastilyo sa Chized."

Napahinto si Luhan nang magsalita si Yoona.

"Wait. Yung sinabi mo na lugar sa Suju na walang liwanag?"

"Oo, yun nga. Sila ang mga rebelde at hindi pa kilala kung sino ang namumuno sa kanila. Sa ilalim ng madilim na kastilyo ay nandoon ang mga dungeon."

"At makakarating lang tayo doon kung malalagpasan natin ang tatlong bantay na halimaw."

Umikot ang kanyang seryosong mga mata sa mga kasama.Pinasadahan isa isa ng tingin habang may inaalala.

"Una ay ang higante. Sobrang lakas nito at wala pang nakakatalo."

"Pangalawa, ang salamangkero na may maamong mukha pero sobrang brutal sa pagpatay at pakikipaglaban. At ang panghuli ay ang apat na Sovher. Mga babaeng gumagamit ng mga ilusyon upang mapatay ang sino mang kumalaban sa kanila."

"What? As in kelangan talaga malagpasan sila? Walang shortcut?" Umiling lang si Luhan sa tanong ni Sooyoung.

"Sinong sasama sa'tin?",tanong ni Sunny.

"Tss. Ang dapat na tanong ay kung paano si Jessica."

Natahimik ang lahat dahil sa sinabi na yun ni Hyoyeon. Hindi mapigilan ni Tiffany na mapaluha. Sya ang pinakamalapit kay Jessica.

"A-Ako na ang bahala." Si Luhan na ang nagsalita upang maiwasan nang mapag-usapan ang tungkol dun.

Napag-pasyahan nila na sila Seohyun, Yoona at Sunny na ang sasama at ang iba ay mananatili na lang.

Habang pababa ng malaking hagdanan ay nakasalubong ni Yuri si Kai.

"Yul,may sasabihin si Suho hyung sa'ting lahat."

Sabay silang bumaba at nakita ang iba na nandoon na. Nang makumpleto ay agad na nagsalita si Suho.

"Alam na ng mga majesties ang nangyari. Ang utos ng mga pinuno ay huwag mun gumawa ng kahit anong bagay na padalos dalos." Napabuntong hininga ang binata.

"Nakikiusap ako. Kahit na handa tayo ay kailangan natin iwasan ang kahit ano mang pwedeng ikagalit nila na pwedeng humantong sa biglaang paglusob. Hindi natin dapat silang maliitin. Kilala ang grupo ng mga rebeldeng Croix bilang ilan sa mga nilalang sa buong Lost Galaxy na may pinakabihirang kakayahan.Hindi natin alam kung gaano na sila kalakas ngayon."

Pagkatapos ng pag-uusap na yun ay naghiwa-hiwalay na ang lahat. Nagbihis na ang tatlong dalaga sa kanilang mga pinaka-kumportableng damit.

Nagkita ang lima malapit sa gubat na nasa tapat ng kwadra ng dragon. Nagmamadali sila upang hindi mahuli o makita ng sino man habang ang iba nilang mga dalaga ay nililibang o kinakausap ang ibang myembro ng Exo upang hindi mapansin ang pagkawala ng iba.

Malalim na ang gabi. Sinimulan na ni Luhan ang paggawa ng portal papunta sa Suju planet at agad silang umalis. Pagkaalis nila at pagkawala ng portal ay lumakas ang ihip ng hangin.

Isang pares ng mga mata ang nakatingin pa rin kung saan nawala ang lima.

"Those punks.Tss."

Bigla itong tumalon mula sa bubong ng kwadra at pumasok sa loob nito saka nagising ang dragon.

☆☆☆

12/24/15
9:02 pm

Note: Merry Christmas! Haha. I know this update is too short. This is just a sneak peak for the next chapter that will be the start of the war. Lol. Spoiler alert,beybeh. Comment down your thoughts. This is my early christmas gift for you,guys. Love you.

~Jenn S.

[1] Adventures of Exo and the Nine FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon