Circle

602 48 0
                                    


3rd Person's POV

Mula sa mahabang hagdanan ay natanaw ni Lay at Suho sila Yuri at Kai na papasok ng entrahada. Binati nila ang mga ito nang mapadaan din si Chen.

"Oh, saan kayo galing?",tanong nito habang pinagmamasdan ang mag-kasintahan na magka-hawak ng kamay.

"Sa bahay nila, wala ngang pasabi man lang eh! Tss."

"Sus. Natuwa ka rin naman dahil akala mo masungit ate ko! Hahaha."

Nagulat si Chen sa sinabi ng dalawa. "Ano?! Ang ate ni Kai masungit??? Hahahahaha! Eh mas malupit pa nga kay Sooyoung ang kakulitan nun eh."

Napanguso si Yuri na sumang-ayon. Alam nyang agad syang nag-judge at hindi nagtiwala kay Kai. Nagsisisi sya dagil ang akala nya ay hindi nito pinag-iisipan ang gagawin ngunit hindi nya alam na matagal na itong napag-desisyunan ng binata.

"Kai,Chen. Pakitawag ang buong Exo at papuntahin sa Library dahil may pag-uusapan tayo.",sabi ni Suho at sumunod na ang dalawa habang si Yuri ay pumunta na sa kanyang silid upang magpahinga.

Habang paakyat sa hagdanan ay nag-uusap ang dalawang binata. "Kailangan talaga natin ang opinyon nila Kris at Luhan tungkol dito,hyung."

"Huwag ka masyadong mag-alala.Ang kailangan mong gawin ay piliin ang mas tama at mabuting desisyon."

"Alam ko,hyung. Pero hindi ko maiwasang mag-alala dahil baka hindi ko magawa ang nakaatang sa'kin."

Kinomporta ni Lay si Suho at nakarating na sila sa Library. Nang makarating na doon ang lahat ay si Suho ang unang nagsalita.

"Pag-uusapan nating ngayon ang mga taktikang gagamitin sa labanan. Hindi pwedeng hindi tayo handa."

Isa-isang nagbigay ng opinyon ang bawat myembro. Nagkaroon ngnkaunting pagta-talo talo,bangayan,kontrahan. Hindi ito maiiwasan kapag nagbibigay sila ngnmga ideya ngunit agad namang nagkakaayos tuwing binibigyang linaw na ni Luhan at Suho.

Ilang oras ang lumipas saka lang nila napagdesisyunan ang lahat.

Si D.O. ang nagsabi ng mga huli at pinal na desisyon na kanyang mga naitala.

"Ang kasama ng mga fairies na magba-bantay sa Tree of Life ay si Kris hyung at Gon na magba-bantay sa ere,ako at si Tao ang pang-suporta na tutulong sa fairies pati ma rin sa battle grounds."

"Chen kasama ang scorpion, at si Sehun ang magi-stay sa labanan.Susuporta sa labanan sa ere ng Tree of Life at kastilyo ay sila Baekhyun at Chanyeol. Si Xiumin hyung ay ang bahala sa pag-protekta sa kastilyo at si Suho hyung ang magba-bantay sa dagat."

"Si Luhan hyung ang tagapag-bigay ng mga mensahe na dapat gawin nating lahat at susuporta sa labanan sa tatlong lugar. Si Kai at Lay hyung ang palaging magkasama upang makipaglaban kahit saan at makapagbigay ng tulong sa mga nasaktan."

Tahimik ang lahat. Iniikot ni Suho at paningin at naghihintay na may umapela. Nang wala na ay sinabihan na sila na tapos na ang pagpa-plano.

"Sandali.",biglang sabi ni Luhan kaya naman napatingin ang lahat sa kanya. "May dapat pa tayong gawin."

---

Suho's POV

Pagka-akyat namin sa pinaka-tuktok ng kastilyo ay sinalubong agad kami ng mga babae.  Bigla tuloy umingay. Pfft.

May lamesa silang iniakyat at may iba't ibang pagkain dito at inumin.

"Tinulungan kami ng pixies kanina. Hahaha! Bumili kaming inumin na gawa sa ubas.",excited pa na pahayag ni Sooyoung.

[1] Adventures of Exo and the Nine FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon