Divus

786 59 1
                                    


3rd Person's POV

Napadpad si Hyoyeon sa malaking kwadra sa likod ng kastilyo habang naglilibot. Binuksan nya ang napakalaking entrahada at ang liwanag lang na nagmumula sa labas ang nagsisilbing ilaw dito.

Mula sa kanyang likuran ay may mga kamay na humawak sa kanyang braso dahilan upang sya ay mapasigaw sa gulat.

"Hahaha! Sorry, Hyoyeon. Napakaseryoso mo kasi eh!",sabi ni Lay habang hindi matigil sa kakatawa.

"Grabe,Lay! Tumalon puso ko. Pfft." Napansin ni Hyoyeon ang dala ni Lay na kulay puting bilog na mukhang bulak.

"Ano yan?"

Saktong pagkatanong ni Hyoyeon ay nilabasan ang hawak ni Lay ng dalawang bilugan na mata at maliit na bibig.

"W-Wait. Ano b-ba yang dala mo Lay?!" Napaatras si Hyoyeon.

"What? Haha. Huwag kang matakot, isa lang naman tong circofluff.Ang cute kaya nila.",sabi nito habang hinihimas ang alaga.

"Ahh. Hehe. Mukha nga."

"Orn ang pangalan nya. Nakita ko sya sa gubat na nagiisa nang mauna kami ni Tao dito." Inilapit ni Lay ang circofluff na si Orn kay Hyoyeon.

Ngumiti si Hyoyeon at hinawakan ito. Sobrang lambot ng balahibo nito at biglang nag-iba ang kulay ng mata nang hawakan ng dalaga.

"Don't worry. Ganyan talaga sya. Nag-iiba kasi ang kulay ng mata nila base sa nararamdaman ng isang tao na humahawak sa kanila."

Namangha si Hyoyeon nang bitawan ito ni Lay at lumutang ang circofluff.

Napahinto silang pareho nang parang bahagyang yumanig ang lupa. May naramdaman silang presensya na nagmumula sa loob ng madilim na kwadra. Binalot ang buong paligid nang sobrang lakas na tunog at malakas na hangin.

Napatakip si Hyoyeon at Lay sa mga tenga habang ang circofluff ay nagtago sa likod ni Lay dahil sa takot. Napaatras ang dalawa nang maaninag nila ang nasa loob ng kwadra.

"Gon.",mahinang sambit ni Lay.Hinawakan nya ang braso ni Hyoyeon at sila ay tumakbo palayo nang tuluyan nang magpakita ang malaking nilalang. Si Hyoyeon ay hindi makapagsalita dahil sa takot.

"Kris hyung!",tawag ni Lay nang makasalubong si Kris kasama si Tao at Chanyeol.

"Nagising na sya."

"Takte! Paano na yan,hyung? Alam mo naman na palaging mainit ang ulo ng alaga mong yun!"

"Ako na ang bahala. Siguradong may naramdaman syang panganib.",sabi ni Kris at bumaling sa dalawang kasama.

"Chanyeol,kunin mo ang Phoenix at ikaw naman Tao ay sumama sakin. Lay,dalhin mo si Hyoyeon sa loob ng kastilyo."

Tumango lamang sila saka naghiwa-hiwalay upang gawin ang pinag-uutos ni Kris.

---

Habang parehas na tumatakbo ay nilingon ni Kris si Tao at tumango naman ito.

Lumipad si Kris habang si Tao naman ay huminto sa pagtakbo at pinabagal ang oras sa loob ng kwadra. Pumasok doon si Kris.

Naghintay lang si Tao ng ilang sandali at natanaw na nya ang kasama kaya naman ibinalik na nya sa normal ang oras.

Halos masira ang entrahada ng kwadra nang bumukas ito ng pagka-lakas lakas. Mula sa loob nito ay lumabas ang isang napakalaking dragon habang si Kris naman ay nakasakay sa likod nito.

Napangiti si Tao dahil mas lumaki at mas mukhang naging malakas ito.

Si Kris ay hindi mapigilang ang ngiti. Ilang taon nyang hindi nakasama ang pinakamatalik nyang kaibigan. Si Gon.

Ito ay ang regalo sa kanya ng mga magulang noong ika-sampung taon na kaarawan nya. Bagong pisa lamang ng itlog nito noon at nakuha ito ng kanyang magulang isang planeta na nasira na. Ito na lang ang natitira sa kanilang lahi kaya naman minabuti ng mga ito na alagaan na lamang.

Kulay bakal ito at may makikintab na kaliskis. Sobrang tulis ng mga pangil at ngipin,gayun din ang mga kuko sa naglalakihan nitong mga paa. Ang mga mata nito ay kalmado na hindi katulad nang kanina na nanlilisik dahil sa galit. Malalaki at matitigas din ang mga pakpak nito at may mahaba at malaki ring buntot.

Ngunit ang kaibahan nito sa ibang mga dragon ay ang ibinubuga nito. Hindi normal na apoy kundi umiilaw na liwanag na sa sobrang init ay nakakatunaw at nakakapatay nang kahit anong nilalang.

Delikado,pero ang dragon na ito ay ang isa sa mga alas ngayon ng Exo planet.

Ang mga magulang lang ni Kris ang nakakaalam ng lahi nito. Ang lahi na ginamit ng mga pinakamalalakas na tao sa nasirang planeta sa bantang paglusob noon sa Suju.

Ito ay galing sa Divus,ang lahi ng pinakamalakas na dragon na namuhay noon sa loob ng Lost Galaxy.

[1] Adventures of Exo and the Nine FairiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon