Sehun's POV
Nagising ako na masakit ang katawan ko at ang butas ko. Ugh. Naalala ko na naman yung nangyari kagabi. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Ambakla man, pero kinikilig talaga ako.
Hinding hindi kita iiwan, Channie ko. Basta huwag mo lang akong bigyan ulit ng dahilan para iwan ka.
Lumingon ako sa tabi ko at ngayon ko lang napansin na wala si Chanyeol sa kama. Tumayo ako at hinanap ko ang damit ko kagabi pero hindi ko makita. Saan niya nilagay yun?
Nakita ko ang maleta niya kaya binuksan ko yun. Naghanap ako ng boxer at isang sando, agad ko yung kinuha at dumiretso sa banyo. Naghilamos ako at nagbihis bago lumabas ng kwarto.
Napatingin ako sa living room pero wala siya dun kaya dumiretso ako sa kusina at naamoy ko ang mabangong niluluto niya.
Nakita ko siyang nakaharap sa kalan kaya nakatalikod siya sakin. Naka'tshirt siya at boxer. Dahan dahan akong lumapit sa kanya pero bigla siyang napalingon sa pwesto ko kaya napatigil ako at ngumiti sa kanya.
"Goodmorning, Chanyeol." Bati ko sa kanya at ngumiti din siya. Lumapit siya sakin at binigyan ako ng peck sa lips.
"Goodmorning, Baby ko." Sabi niya at lumapit na ulit dun sa kalan. Ako? Eto, medyo tulala, eh sa kinikilig ako eh. Baby ko. Namiss ko yun ng sobra sobra at this time, alam kong para sakin na talaga yun.
Biglang sumagi sa isip ko si Dara Noona. Nagkabalikan kaya sila? di ko maiwasang malungkot at masaktan kung sakaling meron nga. At kung marealize ni hyung na hindi na niya ko mahal, ako na naman yung talo.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod. Naramdaman kong medyo nagulat pa siya. Unti unti niyang inalis ang kamay kong nakayakap sa kanya. Nasaktan ako sa ginawa niya.
Pinatay na niya yung kalan at humarap sakin. Tinanggal muna niya yung apron niya bago magsalita.
"Hindi pa ako naliligo. Saka mo na ako yakapin kapag nakaligo na ako. Okay? Pero nagtoothbrush na naman ako kaya..." Sabi niya at hinalikan ako ng mabilis. Naaalala pa rin pala niya yun, yung ayokong magpayakap sa kanya kapag hindi pa siya naliligo o kaya kapag pawisan siya. Awtomatikong tumaas ang dalawang gilid ng labi ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
Lumapit ako sa kanya at pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya. Ngumiti ako bago ko siya halikan sa labi na agad naman niyang tinugon. Tuwing hahalikan niya ako para akong lumilipad. Humiwalay na ako sa kanya kasi baka kung saan pa makarating 'to.
"Ako na ang maghahain. Maligo ka na muna." Prisinta ko at agad naman siyang tumango at dumiretso sa kwarto.
Ilang minuto pa ang lumipas natapos na ako sa paghahain. Hinihintay ko na lang si hyung na lumabas ng kwarto. Umupo muna ako sa dining at chineck ang lamesa kung may kulang pa. Nang masiguro kong kompleto na ay hinintay ko na lang siya.
Hindi naman ako naghintay ng matagal kasi lumabas na siya agad. Hindi ko na ata kailangan kumain kasi busog na ako sa nakikita ko. Napalunok ako ng sunod sunod kasi si Chanyeol, naka fitted-boxer shorts lang siya habang may towel sa ulo niya na pinantutuyo sa buhok niya.
Nakalapit na siya sakin pero sa katawan niya pa rin ako nakatingin. Gusto kong hawakan. Para namang may sariling isip ang kamay ko at narinig ko na lang ang munting ungol ni hyung.
BINABASA MO ANG
✔️ |BOOK II| Park Chanyeol's THROE [EXO ChanHun/SeBaek/ChanSoo]
FanfictionOh Sehun's Pain BOOK II ∽♥찬훈♥∽ WARNING. BOYxBOY. BL. GAY. YAOI. BROMANCE. -CHANYEOL x SEHUN- [150607] Seeing him cry hurts me a lot. Seeing him smile hurts me a lot. Seeing him staring at me with those eyes hurts me a lot. Seeing pain in his eyes hu...