Seven

729 41 2
                                    

Chanyeol's POV

We're currently eating our foods. Sobrang tahimik naming dalawa.

"Sehun.." Tumingin naman siya sakin. "How's our relationship way back then?" Gusto ko talagang malaman kung anong isasagot niya.

Nandito kami sa dorm. Kaming dalawa lang, umalis kasi ang iba. May kanya kanyang lakad.

Huminga siya ng malalim. "You treated me as your own little brother, all of you, not because I'm the maknae but I guess, I really need to be cared of way back then. And, ahm, Just a typical Hyung-Maknae-Relationship, getting pissed with each other, tawanan, kulitan, what others did we also did." Sabi niya. Bakit kailangan niya pang magsinungaling?

"Meron ba... Meron ba akong naging karelasyon bago ako maaksidente?" Tiningnan ko siya sa mata pero nagiwas lang siya.

"D-Di ba ikakasal kayo ni G-Gayoung bago ka maaksidente."

"You didn't answer my question." Matigas kong sabi. Yeah, logically speaking my point siya at pwedeng may kinalaman yun sa tanong ko but literally, hindi niya sinagot ang tanong ko kaya invalid yun. Tama naman ako di ba? Paano niya nagagawang magsinungaling sakin ng harapan? Do I really know you, Oh Sehun?

*ding-dong ding-dong

"Ako na ang magbubukas." Pagpiprisinta niya. Hinayaan ko na lang siya.

Dahil sa naaalala ko na lahat, hindi na ako magmumukhang tanga.

"Goodmorning, Yeol!" Umalingawngaw ang boses ni Dara sa buong bahay. Tiningnan ko siya at nakita ko sa likod niya si Sehun na nakasimangot.

Mahal pa kaya ako ni Sehun?

Biglang may nagpop na idea sa isip ko. Tumayo ako at lumapit kay Dara na may sobrang lawak na ngiti.

"Goodmorning!" Sabi ko sa kanya at niyakap siya. Pero yung mga mata ko ay na kay Sehun.

Magseselos ka kaya?

Nadismaya ako ng maglakad lang si Sehun papuntang lamesa at narinig ko ang paglapat ng kutsura niya sa plato.

Humiwalay na ako kay Dara at inaya siyang kumain.

"No thanks. Dumaan lang ako dito para ibigay 'to sayo." Inabot niya sakin ang isang paper bag. Napakunot ang noo ko.

"Spaghetti yan. Luto ni Mama." Nakangiting sabi. Nagpasalamat lang ako sa kanya at umalis na rin kaagad siya.

-

Nasa kwarto ko lang ako ng makarinig ako ng sigaw mula sa labas.

Mula nung naaksidente ako mas pinili ko na laging nasa kwarto lang ako. Basta pakiramdam ko ang peaceful peaceful dito sa kwarto ko.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto at dumiretso sa sala. Pero sana pala hindi ko na lang ginawa.

Nakita ko si Sehun at Baek na nakaupo sa couch. yung lagayang ng kamay sa dulo ng couch ay dun nakasandal si Bae ay yung dalawa niyang binti ay nakadantay sa lap ni Sehun. And take note, nakashorts lang si Baek.

Kung titingnan mo sila para silang magsyota. Hindi naman nila ako napansin kaya bumalik na ako sa kwarto ko. Naiinis lang ako.

Hindi ako nagseselos! Bakit naman ako magseselos?! Hindi ko naman siya boyfriend! Saka bakit, sino ba siya sa buhay ko? EX ko lang naman siya saka hyung niya lang ako! Tss.

Binagsak ko ang katawan ko sa kama ko. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Junmyeon hyung. I need to talk to him.

After ilang rings ay sinagot na niya.

"Chanyeol? Napatawag ka?" Bungad niya sakin.

"Nasaan ka hyung?"

"Nandito lang ako sa bahay namin. Bakit may problema ba?"

"Wala naman. Busy ka ba?"

"Hindi. Wala nga akong ginagawa dito eh. Umalis pala sina Mommy. Uuwi din ako dyan maya maya."

"Pwede ba akong pumunta dyan?"

-

Nakabihis na ako at ready to go na ako. Lumabas ako ng kwarto ko. Nang nasa sala na ako ay ganun pa rin ang posisyon nina Baek at Sehun habang nanonood. Pero yung kamay ni Sehun ay nakapatong na sa binti ni Baek.

"Aalis ako." Pagtawag atensyon ko sa kanila.

Napatayo na si Sehun. "Saan ka pupunta hyung? Akala ko ba hindi ka aalis?" Medyo malungkot niyang sabi. Gustong barahin siya pero baka mahalata niya na nakakaalala na ako.

Ngumiti ako sa kanya. "May gagawin lang ako. Babalik din naman ako. Sige." Sabi ko na lang at umalis na.

Nagdoorbell lang ako ng makarating ako sa tapat ng bahay este mansyon nina Suho hyung.

"Sir, pasok po kayo." sabi sakin nung guard kaya pumasok na ako. Ginuide niya ako hanggang sa main door kaya nagpasalamat na lang ako.

Pumasok na ako sa loob kasi yun din ang sabi ni Manong guard kanina.

"Chanyeol." Napalingon ako sa may hagdan ng marinig ko ang pagtawag niya. "Tara, dito tayo sa sala." Sumunod ako sa kanya at biglang may dumating na maid na may dalang merienda.

"Hyung..." pambabasag katahimikan ko.

Napatingin naman siya sakin na parang nagtatanong.

"Bakit kailangan niyong magsinungaling sakin? I mean, bakit kailangan niyong maglihim sakin sa loib ng limang taon? May balak pa ba kayong sabihin sakin ang totoo?" Nakita ko ang gulat sa mukha niya.

"N-Nakakaalala k-ka na?" Tumango ako.

"Lahat lahat. Naaalala ko na lahat. Lahat ng saya, sakit, lungkot. Lahat."

"I'm sorry, Chanyeol." sabi niya habang nakatungo.

"Bakit ka naglihim sakin hyung?" Puno ng hinanakit na sabi ko.

"Hindi ko yun ginusto. Hindi namin yun ginusto"

"Pero bakit ginawa mo?!" Hindi ko maiwasang tumaas ang boses ko. Hindi siya nagsalita pero alam kong may mali.

"Hyung! Sabihin mo sakin ang totoo. Please naman oh. Tama na yung pinagmukha niyo kong tanga sa loob ng limang taon!" Frustrated na sabi.

"S-Si Yura Noona.."

---To be Continued---

VOTE. COMMENT. Thanks. <3

Anong ginawa ni Yura?!

✔️ |BOOK II| Park Chanyeol's THROE [EXO ChanHun/SeBaek/ChanSoo]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon