Thirty Eight

524 27 3
                                    

Chanyeol's POV

Minulat ko ang mga mata ko at bumungad na naman sakin ang isang maliwang at puting kwarto.

It's been days since I woke up. And I can say that, I'm not happy about it.

I can still remember and feel the pain that he gave me.

Gumalaw ako ng konti at naramdaman kong may nakahawak sa kamay ko. Tiningnan ko yun at napabuntong hininga na lang ako.

He's always here and I hate it.

Naalimpungatan siya dahil ata sa paggalaw ko. Tumingin siya sakin at agad naman siyang tumayo.

"Hyung.. May kailangan ka ba?" Tanong ni Sehun sakin.

"I want to be alone." Sabi ko at tumingin sa bintana.

"H-Hyung..."

"Please." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya atska siya lumabas ng kwarto ko.

Mula ng magising ako, dun ko naramdaman lahat ng sakit. Lahat ng lungkot na pinagdaanan ko.

Minahal ko si Sehun pero sinaktan ko siya. Nagkaamnesia ako, yun ang kapalit.

Nagbalik siya. Nagbalik ang lahat pero sinaktan niya ako.

Minahal ko si Kyungsoo at sabi niya ganun din siya pero sinaktan din niya ako. And look where I am.

Bakit gustong gusto nila akong saktan? Do I deserve all of this pain?

Isa isang nagbagsakan ang mga luha ko.

Masama bang maging masaya? Kasalanan na ba ang magmahal?

"CY.. anak..." Napatingin ako kay Mama na kakapasok lang ng kwarto ko. Agad siyang lumapit sakin ng makita niya akong umiiyak.

Niyakap niya ako ng mahigpit kaya lalo akong naiyak.

"Mama.. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako.." Sabi ko habang humihikbi.

"Shhhh.. Stop crying." Pagpapatahan sakin ni Mama habang nirurub niya ang likod ko.

"Ayoko na dito, Ma. Umalis na tayo. Ilayo mo na ako sa kanila."

-
"Yeol.. Okay ka lang ba? Hindi ka ba nahihilo or something." May pagaalalang tanong ni Yura-noona sakin.

Umiling ako, "Okay lang ako. Magsasabi ako kung masama na ang pakiramdam ko." Sabi ko at tumingin sa bintana ng sasakyan.

Papunta na kaming airport ngayon. Aalis na kami. Aalis na ako. Pupunta na kaming America.

I want this. No. I need this.

Tahimik na kami sa buong biyahe hanggang makarating kami sa airport. We still have an hour bago ang flight namin. But we decided to go here early baka kasi matraffic kami.

Nakaupo lang ako sa may waiting area. Magkasama sina Mama at Yura-noona somewhere I don't know. Nilagay ko ang earplugs ko dahil naiinis ako sa babaeng nagbubulungan malapit samin.

"Sht. Ang gwapo niya talaga. May gf kaya siya?"

"Meron siyang gf at ako yun."

"Ilisyunada. Ako ang wife niya. So, kabit ka lang."

Hanggang sa nagpatugtog na lang ako. May tumabi sakin kaya napatingin ako at nakita ko si Yura-noona na nakangiti sakin.

Pinatay ko ang music ko pero nasa tenga ko pa rin ang earplugs ko.

"May tiwala ako sayo." Sabi ko na nagpawala ng mga ngiti niya. Nakatingin siya sakin na nakakunot ang noo na para bang naguguluhan siya.

"Why so sudden?"

"Gf niya kaya yan? Sht. Ang ganda naman~~"

"Pero mas maganda pa rin ako."

"Excuse you! Ikaw maganda?! Gumising ka dyan. Ang dyosa kaya niya oh, ang swerte naman ni girl. Ang hot at ang gwapo ng fafa niya."

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko at binalewala ang mga babaeng yun.

"Nagtitiwala ako sayo na wala kang sinabihan about dito. Na hindi mo sila sinabihan."

Para namang nakahinga siya ng maluwag, "Akala ko naman kung ano na! Pinakaba mo ko alam mo ba yun! Syempre, wala akong sinabihan kahit na gustong gusto kong sabihin kay Sehun 'to hindi ko pa rin ginawa. Alam ko namang maiintindihan niya kapag nalaman niya, mas mahal pa rin naman kita at gusto kong bumalik yung dating Chanyeol, kung ito yung paraan para bumalik siya, susuportahan kita." Mahaba niyang sabi.

Alam ko, nakwento nila sakin ang nagyari nung panahong hindi pa ako nagigising.

Mababalik ko lahat ng ginawa ni Sehun. Maybe not this time but I know, it'll come.

*Calling all the passenger of blah blah blah....

Tss. Akala naman namin flight na namin yun. Kung sabagay matagal tagal pa ang amin.

Ilang minuto pa kaming naghintay ni Yura-noona at ni Mama. Katabi ko na ngayon si Mama. Hanggang sa inannounce na ang flight namin.

Naglakad na kami. Lumingon ako sa inupuan ko at nakita ko ang isang kahon na iniwan ko.

Ang kahon kung saan nakalagay lahat ng alaala ng nakaraan ko. Lahat ng saya, lungkot, sakit, poot at galit.

Nakita ko pang may lumapit dun na guard. Nakahinga ako ng maluwag, umaayon lahat sa plano ko. Alam kong makakarating sa kanila yun. Sigurado ako.

Pumasok na ako sa eroplano at umupo sa upuang naka'assign samin.

Inabutan ako ni Mama ng gamot, tubig at plastic para daw in case of emergency.

Sumanadal ako at hinintay na lumipad ang eroplano.

Marami pa silang sinabi bago magtake off ang eroplano.

Habang pataas ng pataas ay sinilip ko ang bansa na iiwan ko at hindi ko alam kung babalikan ko pa.

Maraming salamat sa kanilang lahat. Sa mga kaibigan ko.

Haharapin ko na ang bagong buhay. Ang buhay na hindi ko sila kasama.

Hanggang sa muling pagkikita.

-FIN. Joke. Hahahaha.

---To be Continued---

HINDI pa epilogue ha! Huwag umasang epilogue na ang kasunod pero malapit na. ^^

✔️ |BOOK II| Park Chanyeol's THROE [EXO ChanHun/SeBaek/ChanSoo]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon