Forty

552 34 9
                                    

KYUNGSOO's POV

Nandito ako ngayon sa park, nagpapalipas ng oras. Hindi ko alam kung pupunta ba ako sa coffee shop na nakalagay dito sa papel galing kay Chanyeol. Natatakot ako.

Nabigla talaga ako ng malaman kong umalis na siya. Kasalanan ko.

Mula nung nireject nung nurse yung tawag ko na alamin ang sitwasyon dati ni Chanyeol sa hospital ay hindi na ulit ako tumawag dun. Ni hindi ko rin nagawa na pumuntang hospital. Wala akong lakas ng loob.

Huminga ako ng malalim at tumayo. Nagsimula na akong maglakad papuntang coffee shop. Tama, wala namang mangyayari kung matatakot ako. Nakaalis na siya. Huli na ang lahat.

Pagkarating ko sa tapat ng coffee shop ay hindi muna ako pumasok. Tiningnan ko ito at napangiti ako.

Dito ko siya unang nakilala, kasama si Jongin.

"Dito rin yung sayo?" Napalingon ako sa likod ko ng may magsalita. Nakita ko si Jongin na nakatingin sa coffee shop.

"Oo." Sabi ko na lang at nag'iwas ng tingin.

Pumasok kami sa loob ng coffee shop at hinanap ni Jongin si Jia, yun kasi yung nakalagay sa papel.

"Okay, Sir. Maupo muna po kayo. May nakareserve po talagang seat para sa inyo." Rinig kong sabi nung Jia. Naglakad siya kaya sinundan naman namin siya.

Dinala niya kami sa table na hindi ko malilimutan kahit ilang taon na ang lumipas.

Ang table kung saan, una ako natakot at nawirduhan sa mga ngiti niya.

Sa table kung saan, una kong naramdaman ang sobrang panliliit dahil sa lalim ng boses niya at sa tangkad niya.

Sa table kung saan, nagsimula ang lahat.

Umupo ako at pinigil ko ang pag'iyak ko. Umalis naman si Jia at sinabi niyang babalik siya.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik si Jia kasama ang isang waiter. Inilapag nung waiter ang dalawang Americano at may binigay na envelope sakin si Jia at kahon naman kay Jongin.

Umalis na sila at tiningnan ko ang envelope na hawak ko. Napatingin din ako kay Jongin at nakita kong may binabasa siya, natawa siya pero may mga luhang namumuo sa mga mata niya.

Iniwas ko ang tingin ko at tinuon ko na lang ang atensyon ko sa envelope na hawak.

PARK's Residence
Yaya Lucy is there

Sorry kung pinapunta pa kita dyan sa coffee shop. I just want you to remember our first meeting. Keepsafe.

Bakit kaya sa bahay pa nila?

Iniinom ko ang Americano ko nang magsalita si Jongin.

"What's with letter?"

"I got my second, and I guess, my real destination." Sagot ko naman.

"Special." Bulong niya pero rinig ko naman pero pinili ko na rin lang na magkunwaring hindi ko siya narinig.

"Hatid kita?" Napabalik ulit ang tingin ko sa kanya. "If you don't mind."

-

"Oh eto ang susi ng kwarto ni Chanyeol. Ibigay ko daw yan sayo."

"Salamat po."

"Osige. Dun muna ako sa likod para makapag'isa ka." Tumango naman ako at umalis na si Yaya Lucy.

"Hintayin na lang kita sa sasakyan." Napatingin naman ako kay Jongin ng magsalita siya.

"Hindi. Okay na ako. Baka hinahanap ka na ni Clarisse." Pagtataboy ko sa kanya.

"Nagtext na ako sa kanya at nagreply naman siya na okay lang daw, samahan muna kita." Sabi niya at medyo winagayway ang phone niya.

"Samahan mo na lang ako sa taas para hindi ka mainip." Sabi ko pero umiling lang siya na pinagtaka ko.

"Privacy. You need that." Ngumiti muna siya bago lumabas ng bahay.

Huminga na lang ako ng malalim bago umakyat at pumasok sa kwarto ni Chanyeol.

Pero bago ako pumasok ay may nakita akong sticky note na nakatiklop at the same time ay nakadikit sa pinto.

1. You came to this room when I'm broken.

Oo tama, yun yung panahon na heartbroken siya kay Sehun.

Pumasok ako at nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto. Puro sticky notes.

Naalala ko lahat ng masasayang nangyari samin. Lahat ng ginawa namin, naaalala ko pa at higit sa lahat sinulat niya sa mga sticky notes na 'to.

Binasa ko lang ng binasa at inaalala lahat ng nakasulat sa sticky note. Hanggang sa makarating ako sa may kama. Isang sticky note lang ang nandun, mukhang special.

69. Byuntae number kaya byuntae din ang isusulat ko. Naalala mo pa yung gabi na unang may nangyari sa tin? That is one of my happiest moment in my life. I'm your first and that time I'm hoping that your last also but it didn't happened and never'll happen. I'm sorry for stealing the thing I shouldn't get.

Kanina pa ako humihikbi at nahihirapan na rin akong huminga dahil sa sipon ko.

"Hindi ako nagsisisi na binigay ko ang sarili ko sayo ng gabing yun. You don't have to say sorry, you idiot. I should be the one." Sabi ko na parang si Chanyeol ang sticky note na hawak ko. Nababaliw na ako kasi hindi rin naman niya maririnig lahat ng mga sinasabi ko.

May mga sticky notes pang natitira at nandito din sa kwarto niya na alam kong mga bagay na nagpapaalala sakin para sa kanya.

Does it mean, he wants me to forget everything what happen in past? That he's moving on. That he will live without us.

"I hope someday, we meet again. Goodbye."

---To be Continued---

Next update/chapter is the one you've waiting for. Charot. Sehun's. Wait for it.

Dapat sa saturday pa 'to eh, pero kasi alam kong gusto niyo nang malaman yung kay Sehun. Hahaha. Feeler lang ampeg ko. Hahaha.

NARARAMDAMAN NIYO NA BA NA MALAPIT NA ANG PAGTATAPOS? ANSWER ME!

✔️ |BOOK II| Park Chanyeol's THROE [EXO ChanHun/SeBaek/ChanSoo]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon