Twenty Three

590 37 3
                                    

Chanyeol's POV

Hinawakan ko si Sehun sa magkabilang braso niya at nilayo siya sakin. Tumayo ako at inayos ko ang sarili ko.

"Yung pakiramdam na gusto kitang halikan.." Paulit ulit na nageecho yan sa utak ko. "Posible kaya yun, Hyung. Yung dalawa ko kayong mahal?"

"Hindi yun ganun, Sehun. Nililibog ka lang talaga." Gusto kong sabihin yan pero iba ang lumabas sa bibig ko.

"Kung mahal mo ko, hindi mo 'to gagawin sakin. Hindi mo ko iiwan basta basta, na kakalimutan mo na lang ako ng ganun ganun na lang. Alam kong mahal mo si Baek, ikakasal na nga kayo di ba? Mas ma--"

"Hind pa naman kami engaged eh!" Pagputol niya sakin. Hindi? E ano yung sinabi ni Kris-hyung? "Hindi ko alam kung bakit ganun yung sinabi ni Kris-hyung nung nakaraan. Pero hindi pa naman ako nagpopropose kay Baekhyun eh." Sabi niya habang nakatungo.

Hindi pa.

Hindi pa.

Hindi pa.

Hindi pa.

Hindi PA. So, may balak pala talaga siya.

Chanyeol, bakit ang tanga tanga mo? Of all people na pwede mong mahalin.. bakit siya pa? Pero kahit ganun, wala akong pinagsisisihan.

Ito na naman yung kung ano sa puso ko. Huminga ako ng malalim. Pinigilan ko ang sarili kong maiyak. Hindi dapat ako umiyak, dapat maging matatag ako.

"Gusto ko lang bigyan ka ng proper closure. Mahirap pumasok sa bagong relasyon kung may guilt at pain pa dyan sa puso mo. Thankyou, Sehun. I am now... Letting you go." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at umalis na kaagad ako dun. Tumakbo ako ng marinig kong tinawag pa niya ang pangalan ko. Ginawa ko ang lahat mawala lang ako sa paningin niya at para hindi na niya ako masundan.

Nang makarating ako sa tapat ng gate ng bahay namin ay napaupo ako sa semento at hinabol ko ang hininga ko.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagod. Nakapikit ako habang kinakalma ko ang sarili ko ng biglang may magsalita.

"A-Ang... t-tanga tanga... m-mo..."

Nagmulat ako ng mata at nakita ko si Kyungsoo na hinihingal.

"Park Chanyeol! Bakit ang tanga tanga mo??!!" Sigaw sakin ni Kyungsoo.

"Ano bang sinasabi mo?!" Hindi ko mapigilang sigawan din siya.

"BINIGYAN MO NG CLOSURE SI SEHUN PERO HINDI MO SIYA HINAYAANG IBIGAY YUN SAYO!" Lalong tumaas ang boses niya. Pero agad ding lumungkot ang aura niya, "paano ka? Ikaw yung mahihirapan? Paano ka magmomove on?" May halong pag'aalala sa boses niya.

Nag'iwas ako ng tingin. "Kaya ko. Kakayanin ko. Andyan ka naman di ba, para tulungan ako?"

-
*tok tok tok

"Yeol? Kakain na!" Rinig kong sigaw ni Kyungsoo sa labas ng kwarto ko. Agad akong tumayo at binuksan ang pinto. Nakita ko si Kyungsoo na pababa na ng hagdanan.

Mula ng umuwi ako dito sa bahay namin lagi na akong binibisita ni Kyungsoo. Gusto rin daw niya kasing umiwas muna kay Jongin. Saka hindi pa rin namin nasasabi sa iba ang tungkol sa engagement namin.

Dali dali kong hinabol si Kyungsoo sa hagdanan. Nang maabutan ko siya ay inakbayan ko.

"May dinner date na naman tayo! Saya saya!" Sabi ko habang nakangiti.

Malimit kasi wala sina Mama dito sa bahay, tapos pinakiusapan ko muna si Mama na pagbakasyunin yung mga katulong namin.

Hating-gabi na umuuwi si Yura at sobrang aga niyang pumapasok sa trabaho, minsan pa nga hindi na siya nakakauwi. Katulad ngayon.

Sina Mama at Papa naman, nag'out of the country sila. At next week pa ata sila uuwi kaya loner ako dito sa bahay pero dahil kay Kyungsoo kahit papaano nalilibang ako.

Umupo na ako at ganun din si Kyungsoo. Magkatapat kami at halos maglaway ako dahil sa daming pagkain na nasa lamesa.

"Dalawa lang tayo, bakit ang dami nito?" Tanong ko kay Soo.

"Dahil..." Sabi niya habang pinaglalagay ako sa plato ko. "...kailangan mong kumain ng madami. Ilang araw nang sobrang unti ng kinakain mo. Kaya hangga't ako ang kasama mo, bawal ang kaing prinsipe na pakyeme kung kumain. Dapat kain bakulaw." Natawa ako sa sinabi niya at ganun din siya.

Nagsimula na kaming kumain ng basagin niya ang katahimikan sa pagitan namin.

"Galit ka ba sa kanya? I mean, kay Baekhyun?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Galit nga ba ako? Bumuntong hininga ako bago umiling, "Hindi ako galit kay Baekhyun o kay Sehun. Yes, maybe I'm hurt but that doesn't mean I'll throw all the good memories we had. Bestfriend ko pa rin si Baekhyun. Nagmahal din lang naman siya." Sagot ko habang nakatingin sa pagkain ko. Hindi na nagsalita si Kyungsoo kaya kumain na rin lang ako ng may maalala ako bigla.

"Soo..."

"Hmm?"

"Nakausap mo na ba si Jongin?" Tanong ko sa kanya. Napatigil siya sa pagkain pero sumagot din naman siya.

"I tried. Pero ayaw niya talaga akong kausapin. He's hurt.... because of me. Kaya minabuti ko na rin na iwasan muna siya ngayon." Sabi niya at napansin kong puno ng lungkot ang mukha niya at maging tono ng boses niya.

"I'm sorry." Napaangat siya ng tingin at parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Hindi mo kailangan magsorry. Wala ka namang kasalanan." Umiling ako dahil sa sinabi niya.

"Dahil sakin kaya hindi mo siya---"

"It's my destiny. Our destiny. Alam mo naman yung kasabihan na 'Hindi lahat ng gusto mo mapapasayo'. In some point of life, God is always fair." Sabi niya at nginitian ako. A genuine smile that can melt everyones heart, even my heart.

---To be Continued---

✔️ |BOOK II| Park Chanyeol's THROE [EXO ChanHun/SeBaek/ChanSoo]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon