Look at the MM, galing yan kay @oohreal nagrequest siya na gamitin ko daw kahit 1day lang habang hindi pa daw nadating yung request ko kay otakuanime72 HAHAHAHAHAHA! Thankyou so much.
Chanyeol's POV
"Ano ba, Chanyeol?! Sasama ka pa ba o hindi na?!" Sigaw ni Kyungsoo mula sa labas ng banyo ko sa kwarto ko.
"Eto na nga oh." Sabi ko pagkabukas ko ng pinto ng banyo.
Natahimik naman si Kyungsoo at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Nagpagwapo ka talaga? Pinaghandaan mo talaga ulit ang pagkikita niyo noh?" Sabi niya habang nakataas ang kilay. Nakablack sweater siya, black jeans at black rubber shoes. Wala naman nang bago dun.
Nilagpasan ko siya at dumiretso sa study table ko. "Nag'ayos lang ako para ipakita sa kanila, sa kanya na okay ako."
"Kahit hindi naman." Pagkontra niya sa sinabi ko. Humarap ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin pero tinaasan lang niya ako ng kilay.
"Soo.. It's been three months. Hindi mo ba alam yung 'Three-month-rule'? In three months dapat nakamove on ka na. Eh halos mag'aapat na buwan na mula nun. Nakamove on na ako. I'm ready. I'm absolutely ready to face them."
"Whatever. Dalian mo na. Hintayin na lang kita sa labas." Sabi ni Kyungsoo at inirapan ako bago lumabas ng kwarto ko.
Napailing na lang ako at humarap ako sa salamin. I'm wearing sky blue long sleeves at tinupi ko ang sleeves nito hanggang siko ko, I even unbottoned the two upper buttons, paired with black jeans and sneakers.
It's been THREE MONTHS since then, mula nung huling pagkikita namin ni Sehun sa park. Three months na hindi ako lumabas ng bahay namin. Kahit tumanggap ng bisita ay hindi ko ginawa. Tanging si Kyungsoo lang nakakausap at nakakasama ko araw araw.
At ngayon nga ay papunta kami ni Kyungsoo sa RestauBar ni Chen. Gusto daw nilang mabuo kami kahit isang gabi lang at the same time ay birthday ngayon ni Kris-hyung.
Alam kong kaya ko na silang harapin. Kaya ko na. Sana nga.
-
"Are you ready?" Tanong ni Kyungsoo sakin. Nasa parking lot na kami ng RestauBar ni Chen at kanina pa ako tinatanong ni Kyungsoo. Pero laging 'konting oras pa sandali' ang sagot ko but this time, sure na ako, "I'm ready." Hinigpitan ko ang hawak ko sa paper bag na naglalaman ng regalo ko kay Kris-hyung.
"Oh edi tara na." Sabi ni Kyungsoo and he even clinged his arm around mine, but it didn't bothered me. I'm used to it.
Pagkapasok namin ay hinanap kaagad namin sila at hindi naman kami nabigo. Maraming tao ngayon dito kasi gabi na, meaning to say, Party-time. Bar ang set'up dito ngayon.
"Hey! Chanyeol! Long time no see!" Sigaw ni Chen sakin. Nagmanly hug lang lang kami. At ganun din ang iba. Nang nakay Baekhyun na ako ay nginitian ko siya at niyakap siya. At kay Sehun? Ayun, manly hug rin lang. I think, I'm right. I've finally moved on.
-
"Shot pa, guys!" Sigaw ni Kris-hyung at sila naman ay uminom nga ng kani-kanilang alak. Beer lang ang akin pero kahit papaano, nagkakatama na ako. Nakailang bote na rin kasi ako. At medyo nakakaramdam na rin ako ng hilo.Nasa dance floor na ang iba. Ako, sina Sehun at Baek, Suho, Xiumin at Chen na lang ang nandito sa table.
Napadako ang tingin ko kay Sehun at Baekhyun na ngayon ay nagbubulungan habang nagtatawanan.
May kung ano na naman akong naramdaman pero binalewala ko na lang. Napangiti ako, ewan ko pero natutuwa ako na makitang masaya sina Sehun at Baekhyun.
Bumalik na silang lahat matapos ang isang kanta at kanina ko pa ramdam ang titig sakin ni Jongin.
Biglang may pumulupot na braso sa may bandang leeg ko kaya napalingon ako sa kaliwa ko at sobrang lapit ng mukha ni Kyungsoo sakin. Mapungay na ang mga mata niya kasi hard-drink ang ininom niya. Hinayaan ko siyang uminom kahit na alam kong ako ang mapupurwisyo kasi minsan lang din naman atska dinaan niya ako sa aegyo niya kanina na sobrang bihira niya lang gawin.
"Yeol~~ Sayaw tayo~~" sabi niya at tumayo na. Hinawakan niya ako sa kaliwang kamay ko na parang hinihila niya ako patayo pero hindi ako nagpahila.
"Ayoko. Saka, katatapos mo lang magsayaw di ba?"
"Ihhhh~ Gushto kithang kashayaw ehhhh~~" sabi niya at hinila hila ang kamay ko. Pero dahil parang hindi ko pa kayang tumayo kaya hindi ako nagpahila.
"Mamaya na. Nahihilo pa ako. Baka masuka ako. Maupo ka na lang muna." Sabi ko sa pinakamalambing na tono ng boses ko kahit na ang lalim ng boses ko.
"Okay~~" sabi niya na parang bata pero nagulat ako sa ginawa niya. Umupo siya sa lap ko paharap sakin. Yung dalawang binti niya ay nasa magkabilang gilid ko at ang braso niya ay pinulupot niya sa leeg ko. Sinubsob din niya ang mukha niya sa leeg ko kaya ramdam na ramdam ko ang hininga niya.
"Nahihilo na ako, Yeol ko~~~" bulong niya sakin.
Kasabay ng malakas na tugtog dito sa bar ang bilis ng tibok ng puso ko. Yeol ko. Nakita ko rin na nakatingin silang lahat samin pero hindi gulat ang expression nila kundi puno yun ng pagtataka at para bang ang dami nilang gustong itanong.
Napatingin ako kay Sehun at agad naman siyang nagiwas ng tingin at nakita ko si Baekhyun na napatingin kay Sehun at nang makita niyang sa iba nakatingin si Sehun ay tumungo na siya.
Nakita ko rin si Kai na puno ng galit, sakit, hinagpis, lungkot at saya ang mga mata niya. I'm sorry, Kai.
"Ah. I think, we should go. Makakatulog na'tong si Kyungsoo eh. Saka, late na rin eh." Sabi ko habang inaayos ko ang pagkakapulupot ng kamay ni Kyungsoo sa leeg ko.
"Gusto mo bang ihatid ko na kayo?" Offer ni Suho-hyung pero tumanggi na ako. Kaya ko pa namang magdrive eh. Nagbabye na ako sa kanila at ganun din si Kyungsoo na lasing na.
Pagkarating namin sa parking lot ay agad ko siya isinakay sa backseat at hiniga siya dun.
Nagdrive na ako at ilang minuto rin lang ay nakarating na kami sa bahay.
Binuhat ko ulit siya pero bridal style na. Nagstruggle pa ako sa pagbubukas ng maindoor at pinto ng kwarto ko. Hiniga ko siya sa kama pero agad niya napulupot ang braso niya sa leeg ko kaya sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.
"Yeol ko~" bulong niya at bumukas ang mga mata niya. Nakatingin lang ako sa kanya ng bigla niya akong hilahin kaya naglapat ang mga labi namin.
Lumaki ang mata ko at naramdaman kong gumalaw na ang labi ni Kyungsoo. Ang tagal bago ko maabsorb ang mga pangyayari.
And the next thing I knew, we're kissing torridly.
---To be Continued---
Feedbacks, please? Thanks.
BINABASA MO ANG
✔️ |BOOK II| Park Chanyeol's THROE [EXO ChanHun/SeBaek/ChanSoo]
FanfictionOh Sehun's Pain BOOK II ∽♥찬훈♥∽ WARNING. BOYxBOY. BL. GAY. YAOI. BROMANCE. -CHANYEOL x SEHUN- [150607] Seeing him cry hurts me a lot. Seeing him smile hurts me a lot. Seeing him staring at me with those eyes hurts me a lot. Seeing pain in his eyes hu...