Chanyeol's POV
Nagising ako na nasa isang puting kwarto na ako. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. I guess, nasa hospital ako.
Sinubukan kong maupo pero bigla na lang bumukas ang pinto ng sa palagay ko ay banyo.
Dali daling lumapit sakin si Yura Noona.
"Yeol... May kailangan ka ba?" Sabi niya habang hawak ang braso.
"Upo. Gusto kong umupo." Tinulungan naman niya akong maupo. Hindi ko alam pero hirap akong kumilos.
Pumikit ako at inalala lahat ng nangyari. Dumating si Sehun. Umiyak siya. Niyakap ko siya and then wala na akong maalalang kasunod.
Nagmulat ako ng mata. "Noona, anong nangyari sakin?"
Tiningnan niya ako sandali bago ituloy ang pagbabalat ng prutas. "Nahimatay ka daw sabi nina Junmyeon, kaya nagpanic agad sila at dinala ka dito sa hospital."
Inabot niya sakin ang mansanas na binalatan at hiniwa niya.
"Anong sabi ng doctor? May komplikasyon ba ako? May kinalaman ba ang amnesia ko?"
Napabuntong hininga si Yura noona bago hilahin yung isang upuan at umupo sa tabi ng kama.
"Yeol.. Sabihin mo sakin, bakit ka ba hinimatay?"
Tiningnan ko sa mata si noona at nakita kong nagaalala talaga siya. Napabuntong hinga ako bago sagutin ang tanong niya.
"Sinabi sakin ni Chen na may bisita daw kami kaya bumaba kami. Tapos nakita ko siya, sabi ni Suho hyung, yun daw si Sehun ang maknae namin tapos bigla na lang umiyak si Sehun kaya niyakap ko siya tapos wala na, wala na akong maalala."
"S-Si Sehun? Bumalik n-na siya?" Nanglalaking matang sabi ni Noona. Nagtataka man ay tumango ako.
"May problema ba?" Tanong ko sa kanya.
Umiling lang siya at inayos ang itsura niya. May pakiramdam ako na may tinatago sila sakin.
"Sabi ni Dr. Lee, bukas ka na lang daw ng umaga umuwi ichecheck up ka pa daw kasi niya." tumango ako sa sinabi niya.
"Sina Suho hyung?" Tanong ko. Si Noona lang kasi ang nandito eh.
"Umuwi sila para kumuha ng gamit mo at gusto daw ni Kyungsoo na siya ang magluto ng hapunan niyo kaya dadating na rin sila maya maya."
"Okay..."
After 365 years, tangina ang oa mo Chanyeol! Tss. After few hours ay dumating na sina Suho hyung, ang dami nilang dalang pagkain. Tamang tama kanina pa kasi ako nagugutom. Huehuehue.
"Nandito na kami!!" Parang tangang sigaw ni Chen.
"Alam namin, di kami bulag. tss." Sabi ko kay Chen.
"Sinasabi ko lang baka kasi hindi niyo kami napansin dahil sa nakakasilaw na kagwapuhan ko." natawa na lang si noonaa sa sinabi ni Chen at ako ay napailing na lang.
"Sehun.. You're back na pala." Napatingin ako kay Sehun ng sabihin yun ni Noona.
Tumango si Sehun na may konting ngiti lang.
"Can we... Can we talk outside, before I leave? I'll make it quick" Tanong ni Noona kay Sehun at sinang-ayunan naman niya.
Tumayo si Noona at kinuha ang bag niya bago lumapit sakin.
"Yeol, I need to go. You're friends will accompany you. I need something reports to do pa kasi." Tumango ako sa sinabi niya.
"Okay. Ingat ka." Nagsmile siya at kiniss ako sa forehead bago siya lumabas ng kwarto kasunod si Sehun.
"Ayusin niyo na yang pagkain.. Pero hintayin natin si Sehun, para sabay sabay na tayo." Naging busy naman sila sa pag aayos ng dala nila. At ako eto, iniisip si Sehun.
Huwag niyong lagyan ng malisya yun. Ngayon ko lang siya nakita at medyo awkward pa ako sa kanya. The fact na wala rin akong maalala.
Ilang minuto na ang lumilipas pero hindi pa rin bumabalik si Sehun. Anong nangyari dun?
-
Sehun's POV
"Sehun.. You're back na pala." Napatingin ako kay Yura Noona ng sabihin niya yun.
Tumango ako na may konting ngiti sa labi. Hindi ko alam pero parang nagiguilty ako?
"Can we... Can we talk outside, before I leave? I'll make it quick" Tanong ni Noona sakin at sinang-ayunan ko naman.
Tumayo si Noona at kinuha ang bag niya bago lumapit kay Chanyeol.
"Yeol, I need to go. You're friends will accompany you. I need something reports to do pa kasi." Tumango si Hyung.
"Okay. Ingat ka." Nagsmile si Noona at kiniss si Hyung sa noo bago lumabas ng kwarto at sumunod naman ako.
Nang nasa labas na kami ay naghanap ng mauupuan si Noona. Nilampasan namin ang tatlong kwarto mula sa kwarto ni Chanyeol. Umupo si Noona sa bench na malapit sa elevator.
Umupo ako sa tabi niya. Nakaramdam ako ng kaba na hindi ko maipaliwanag.
"Kailan ka pa bumalik?" Tanong niya.
"Kanina lang..." Tipid kong sagot. Hindi naman sa awkward ako sa kanya, hindi lang talaga ako sanay na kausapin siya kasi isang beses ko pa lang naman siya namimeet noon.
"Bakit ka pa bumalik?" I flinched dahil sa tanong niya. Anong gusto niyang sabihin? Bakit parang sinisisi niya ako sa isang bagay na hindi ko alam kung ano?
"What do you mean? It's my country, so I think I have the right to come back." Medyo inis kong sabi.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Layuan mo na ang kapatid ko. I blamed you, I'm blaming you for all of this. For all the pain, the struggles, for the throes that my brother is going through right now at maging sa loob ng limang taon..." Hindi ako nagsalita, hinintay ko lang na ituloy niya ang sasabihin niya.
"...You're the reason why Chanyeol is now suffering from amnesia." With that, she stand up and walked straight to the elavator.
I didn't bother to look at her and say a word. Masyado ng pre-occupied ang utak ko sa sinabi niya.
Paanong ako ang naging dahilan? Hindi ko naman siya kasama nung maaksidente siya. Masyadong magulo ang lahat para sakin kasi hindi ko alam ang nangyari five years ago...
And I'm dying to know what really happened.
---To Be Continued---
Same routine. VOTE. COMMENT.
Thankyou <3
BINABASA MO ANG
✔️ |BOOK II| Park Chanyeol's THROE [EXO ChanHun/SeBaek/ChanSoo]
FanficOh Sehun's Pain BOOK II ∽♥찬훈♥∽ WARNING. BOYxBOY. BL. GAY. YAOI. BROMANCE. -CHANYEOL x SEHUN- [150607] Seeing him cry hurts me a lot. Seeing him smile hurts me a lot. Seeing him staring at me with those eyes hurts me a lot. Seeing pain in his eyes hu...