Chanyeol's POV
Nandito kami ngayon sa living room nina Sehun at Suho-hyung. Kanina ko pang napapansin na nakasimangot si Sehun. Alam ko naman kasi kung bakit. Hahaha. Ikaw ba naman ang mabitin.
"Ano bang meron, Suho-hyung?" Tanong ko kay Suho-hyung na ngayon ay malungkot ang mukha. Anong problema niya? Hindi naman yan pupunta ng dis'oras ng gabi para lang mangamusta habang ang mukha niya ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa.
Lalong lumungkot ang expression ng mukha niya. Ang panget.
"You know Hongbin, right?" Mahina niya sabi. Tumango naman ako. "He passed away." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at naramdaman kong nagflinch si Sehun sa tabi ko.
"A-Ano? Bakit? Kailan pa? Si Kyungsoo?" Sunod sunod kong tanong kay Suho-hyung.
"Kanina lang. Naaksidente ang motorbike na sinasakyan niya. And Kyungsoo... he's a mess right now. We're going there. Dinaanan ko lang kayo, kaya magbihis na kayo at aalis na tayo." Paliwanag ni Suho-hyung samin. Hindi pa rin kami tumatayo ni Sehun. Napabuntong hininga ako.
"Losing the person you love gives you too much pain. And losing a brother gives you too much throe..." Sabi ko habang nag'aalala kay Kyungsoo.
"What do you mean?" Tanong sakin ni Sehun.
"Alam mo ang tungkol kay Kyungsoo at Hongbin?" Gulat na tanong sakin ni Suho-hyung.
"Accidentally. Nakiusap din sakin si Kyungsoo na huwag sabihin sa inyo na magkapatid sila. So I did. I'm sorry. I'm not even in the place para sabihin yun sa inyo. "
--
Nandito na kami sa tapat ng chapel na pinagburulan daw kay Hongbin. Bumaba na kami ng sasakyan ni Suho-hyung. Hinawakan ko ang kamay ni Sehun kaya napatingin siya sakin na parang nagtatanong."This is the first time na lumabas ulit ako ng unit ni Suho-hyung. Gusto kong malaman ng lahat ng tao na makakakita sa'tin na akin ka na. Lalo na yung mga babae at binabae na nakatingin sayo ngayon."bulong ko sa kanya. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pamumula ng pisngi niya.
Inaya na kami ni Suho pumasok. Naglakad na kami ni Sehun na magkahawak ang kamay. Hindi alintana ang iisipin ng iba.
Nakita ko ang puting kabaong na may malaking picture ni Hongbin na nakangiti sa gilid. Napatingin ang mga taong nakaupo sa amin. Lumapit kami sa kabaong ni Hongbin. Humigpit ang hawak ni Sehun sa kamay ko.
Maaliwalas ang mukha ni Hongbin. Sobrang payapa. Nagdasal lang ako ng konti at humarap na kami sa iba. Nakita ko sina Baek, Luhan, Umin, Lay at Chen na magkakatabi sa isang pahabang upuan. Sina Tao, Kris at may konting space. Tumabi si Suho kay Kris-hyung. Magkatabi naman sina Kai at Kyungsoo.
Lumapit kami ni Sehun kay Kyungsoo. Tinapik lang ni Sehun si Kyungsoo sa balikat at tumango si Kyungsoo. Umupo na si Sehun sa tabi ni Kai. Lumapit pa ako kay Kyungsoo at sinalubong ng mga mata ko ang mata niyang sobrang pula at paga na dahil sa pagiyak.
Tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit. Naalala ko nung panahon na nalaman kong magkapatid sila. Kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Laging nagkukwento sakin noon si Kyungsoo. Yung mga pangarap nila dalawa. Yung mga bonding nila. Yung pagaaway nila na hindi dadating ang gabi na hindi dila nagkakabati. Kung hindi mo talaga alam na magkapatid sila iispin mong may relasyon sila.
Kumalas na siya ng yakap sakin at inalalayan ko siyang umupo. Tumabi ako sa kanya at nilagay ko ang braso ko sa balikat niya at nilapit siya sakin. Sinandal naman niya ang ulo niya sa balikat ko.
Ramdam ko ang titig samin ni Kai pero binalewala ko lang yun. Kyungsoo and I are just friends. Nothing more. Nothing less. Alam ko rin namang gusto ni Kyungsoo si Kai. But in some reasons hindi niya masagot yung isa.
Nakita kong tumayo si Sehun. Sinundan ko siya ng tingin at pumunta siya sa tabi ni Baek at nagkulitan sila. Eto na naman yung unexplainable feelings sa loob ko pero alam ko sa sarili kong nagseselos ako.
Hinayaan ko muna si Sehun na kasama si Baek.
"Oo nga pala. Kumain na ba kayo?" Biglang tanong sakin ni Kyungsoo. Umayos kami ng upo. Pinagdikit ko ang dalawa kong kamay sa hita ko.
"Oo, tapos na. Kanina pa bago pumunta si Suho-hyung samin." Sagot ko.
"May kwarto sa taas. Matulog muna kayo ni Sehun." Sabi niya. Ang ilan sa mga kaibigan namin ay umakyat na kanina para matulog. Sina Sehun, Baek, Tao, Kai, Kyungsoo at ako na lang ang nandito.
"Ikaw dapat ang nagpapahinga." Umiling lang siya. Hindi ko siya mapipilit. Bumuntong hininga na lang ako.
Tatayo na sana ako ng makita kong paakyat sina Sehun at Baek. Napataas ang kilay ko at bigla akong kinabahan.
Nahihibang ka na Chanyeol. Masyado ka nang paranoid.
-
Lumipas pa ang araw at nalibing na kahapon si Hongbin. Kyungsoo is better than yesterday. Bumalik na rin ako dito sa dorm, actually, kadadating ko lang. Hindi nila alam 'to. Maging si Sehun. Si Suho-hyung lang ang nakakaalam.Napapansin ko din lately na parang ang cold sakin ni Sehun. Although, sweet pa rin siya pero may iba eh.
Gabi na ngayon at nasa living room ang iba. Maybe tomorrow, I can talk to them.
Umupo ako sa isang couch habang ramdam ko ang mga titig nila. Narinig kong pinaliwanag ni Suho-hyung na bumalik na ako pero kailangan ko pa ng konting oras.
"Suho-hyung. Si Sehun nga pala?" Tanong ko sa kanya. Naulit kasi niya na dito na ulit nakatira si Sehun.
"Nasa kwarto niya siguro. Pero--" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng tumakbo na ako paakyat. Pinigilan pa nila ako. Para naman silang ewan.
Nang nasa tapat na ako ng kwarto ni Sehun ay agad kong binuksan ang pinto na sana pala hindi ko na lang ginawa.
Nabato ako sa kinatatayuan ko. Kaya ba medyo cold siya sakin? Kaya ba parang lagi siyang busy? Dahil sa kanya.
"C-Chanyeol..." Pagbanggit ni Suho-hyung sa pangalan ko na nasa likuran ko habang hinihingal.
Nakatingin lang ako kay Sehun at Baekhyun na nagsesex at ganun din sila sakin. Nakatingin sila na gulat na gulat.
Oo, nagsesex sila.
---To be Continued---
BINABASA MO ANG
✔️ |BOOK II| Park Chanyeol's THROE [EXO ChanHun/SeBaek/ChanSoo]
FanfictionOh Sehun's Pain BOOK II ∽♥찬훈♥∽ WARNING. BOYxBOY. BL. GAY. YAOI. BROMANCE. -CHANYEOL x SEHUN- [150607] Seeing him cry hurts me a lot. Seeing him smile hurts me a lot. Seeing him staring at me with those eyes hurts me a lot. Seeing pain in his eyes hu...