Twenty Six

675 34 12
                                    

Look at the MM again. Hahaha. Bagong cover ulit ng PCT. Chanyeol and Sehun with Baekhyun and Kyungsoo. Thanks to otakuanime72 !! HART HART. :*

Chanyeol's POV

Kanina ko pa tinititigan si Kyungsoo habang natutulog. Tiningnan ko ang LED clock ko na nasa dingding. 7:02AM na. Binalik ko ang tingin ko kay Kyungsoo at nakita kong gising na siya.

"G-Goodmorning. Hehe." Nag'aalinlangan kong bati sa kanya.

Bigla akong kinabahan. Paano kung magalit siya sakin kasi ako ang kumuha ng virginity niya? Paano kung kamuhian niya ako? Paano kung iwan niya? Paano kung--

"A-Aray"

"Okay ka lang, Soo? Masakit ba masyado? Ano? Sabihin mo sakin?" Nagpapanic na tanong ko.

Umupo siya at umaray ulit siya kaya umupo rin ako habang may pag'aalala sa mukha ko.

Napatulala siya kaya mas lalo akong kinabahan.

"M-May nangyari s-satin?" Hindi makapaniwalang tanong niya at humarap siya sakin.

Napalunok ako ng sunod sunod. "Sorry." Tanging nasabi ko na lang.

-
Katatapos ko lang magluto ng almusal. Nilagay ko ang mga niluto ko sa isang tray at dinala yun sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa loob ay agad kong nilagay yung tray sa mini coffee table ko dito sa kwarto ko at bumukas ang pinto ng banyo ko.

Nakita ko si Kyungsoo na tapos nang maligo at nakabihis na.

"Nagluto ako ng breakfast. Kain ka na." Sabi ko. Walang kahit anong emosyon ang makikita sakin kasi nahihiya ako kay Kyungsoo.

Tumingin siya sakin pero agad din siyang nagiwas ng tingin. "Salamat. Pero kailangan ko ng umalis may aasikasuhin pa kasi ako eh. Sige. Bye." Sabi niya at lumabas na siya ng kwarto ko. Napaupo na lang ako sa kama ko.

"Ang tanga tanga mo talaga Park Chanyeol. Ilang beses ka pa bang magpapakatanga?" Napabuntong hininga na lang ako at binagsak ko ang katawan ko sa kama.

Alam kong galit sakin si Kyungsoo at ako mismo, galit din ako sa sarili ko.
-
Nagmukmok lang ako dito sa kwarto ko sa loob ng tatlong araw. TATLONG ARAW! Tatlong araw na mula ng huling pagkikita namin ni Kyungsoo. Tatlong araw na siyang hindi pumupunta dito. Gustuhin ko mang puntahan siya sa dorm ay hindi ko magawa. Tatlong araw na siyang di nagpaparamdam.

Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Dali dali akong tumayo at nagbabakasaling si Kyungsoo yun. Pero mukha ni Mama ang bumungad sakin.

"Ma!" Ngumiti ako ng malapad at niyakap siya. "Namiss kita." Natawa naman si Mama at niyakap ako pabalik. After that, kumalas na kami sa isa't isa. "Bakit hindi mo sinabing ngayon ang uwi mo?"

"I want to surprise you. Hahaha. Kidding. Fix yourself. Let's go to the mall. Let's bond. Miss ko na ang bunso ko eh." Tumango ako at dali daling pumasok sa banyo. Naligo ako at nagayos ng sarili. Pagkatapos ko ay bumaba na ako nakita ko si Mama na nasa sala.

"Shall we?" Tanong niya sakin at tumango naman ako. Ako na ang nagdrive at nagpunta lang kaming mall.

Pagkarating namin ay kung saan saan kami napadpad. Ang dami na rin naming nabili.

Kahit papaano, nawala sa isip ko ang mga inaalala ko. Namiss ko yung ganitong bonding namin ni Mama.

"CY, Let's eat somewhere." Biglang sabi sakin ni Mama. Pumunta kami sa isang restaurant at nagorder na kami.

[Ikaw Pala - Kris Lawrence. At the MM. O kung meron kayo sa playlist niyo patugtugin niyo.]

"I'll just go to the comfort room, Ma." Tumango naman siya at pumunta na ako ng cr.

Pero out of order ang cr nila. Lumapit ako sa isang crew at tinanong kung anong pwedeng cr ang gamitin pero sabi niya ay yung sa labas na lang daw. Yung cr talaga ng mall. Napabuntong hininga ako pero lumabas pa rin ako ng restaurant. Tinext ko si Mama na nagccr lang ako sa labas.

Habang naglalakad ako ay may nakabangga ako.

"Sorry." Sabi ko dahil aminado akong may kasalanan ako dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko.

Pero nang magtama ang mga mata namin ay para akong napako sa kinatatayuan ko. Si Sehun.

Bakit ganito pa rin yung epekto niya sakin? Mabilis pa rin yung tibok ng puso ko. May kung ano pa rin sa tiyan ko.

Yung pakiramdam na ayaw ko siyang mawala sa paningin ko.

Yung pakiramdam na gusto ko siyang yakapin at halikan.

Yung pakiramdam na ayaw ko siyang pakawalan, na akin lang siya.

"Sehun..." Medyo awkward na pagbanggit ko sa pangalan niya.

"Hyung... Anong ginagawa mo dito?" Dahil sa sinabi niya ay nawala yung pagiging uneasy ko.

"Hindi ka pa rin nagbabago. Gwapo ka lang talaga. Hahaha! Syempre namamasyal, mall 'to eh." Natatawa kong sabi sa kanya.

Inirapan naman niya ako pero natawa rin siya ng marealize niya yung sinabi niya. Hahaha. "Dalaw ka minsan sa dorm. Gustong gusto nilang mabuo tayo eh. Kung... Kung okay lang sayo..." Parang may iba sa kanya pero hindi ko malaman kung ano.

"Okay lang naman. Maybe, tomorrow?" Sabi ko.

"Sige. Sasabihin ko yan kay na hyung." Sabi niya habang nakangiti sakin.

"Osige. Una na ko. Hinihintay na ko ni Mama eh."

"Ingat ka. Aasahan ko ang pagdating mo bukas... namin.."

Tumango ako at ngumiti, "I'll be there. Ikaw din magiingat ka." With that ay umalis na ako at ganun din siya. Gusto ko siyang lingunin pero mas pinili kong huwag na lang.

Oh Sehun, why are you still doing this to me?

Pagpasok ko sa cr ng mall ay hindi ko inaasahang makikita ko si Kyungsoo dito. Pero parang gumuho ang mundo ko. Ang mundo ko na unti unti na ulit nabubuo pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Pakiramdam ko niloko ako. Ginago ako.

It's just that... Kyungsoo and Kai are just fucking kissing here at the restroom sink.

Gusto kong bugbugin si Kai at ipamukha sa kanya na ako ang nakauna kay Kyungsoo. Pero ano bang karapatan ko di ba? Wala. Maybe Kyungsoo and I are engaged but it's JUST all because of our grandparents will.

Unti unti akong umurong. Pakiramdam ko anyminute ay babagsak ako lalo na't naririnig ko ang mumunting ungol ni Kyungsoo.

Gusto kong magwala pero hindi ko magawa.

Gusto kong hilahin si Kyungsoo mula sa pagkakayakap ni Kai at iuwi siya pero hindi ko magawa.

Gusto kong tanggalin ang bahid ng halik at paghaplos ni Kai sa kanya pero hindi ko magawa.

Gusto kong angkinin siya.... pero hindi ko magawa.

Alam mo yung masakit? Yung taong gustong gusto mong makita, yung taong mahal mo ay eto nasa harapan mo't may kasamang iba at may kahalikan pa.

Napatigil ako ng marealize ko ang mga pinagiisip ko. Siguro nga.. Mahal ko na si Kyungsoo.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko kaya kinuha ko yun sa bulsa ko. Hindi pa nga pala ako nakakapag'ayos ng contacts ko.

Baby ko calling...

---To be Continued---

Feedbacks? Want some Sehun's POV or Kyungsoo's POV or Jongin's POV or Baekhyun's POV? Choose. For the next chptr. Thanks.

✔️ |BOOK II| Park Chanyeol's THROE [EXO ChanHun/SeBaek/ChanSoo]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon