Chanyeol's POV
"Saan mo ba kasi ako dadalhin?!" Medyo inis kong tanong kay Sehun. Kanina pa kasi kami bumabyahe at kanina pa rin ako tanong ng tanong pero lagi niyang iniiba ang usapan.
Siya yung natawagan ko kanina. Hindi ko alam pero naiinis ako sa sarili ko. Of all people. Of all number sa contacts ko. Bakit sa kanya pa di ba? Tss. Eto na naman ako, lagi na lang kung ano ano ang nararamdaman ko kapag nasa paligid ko si Sehun.
Teka, bakit may number ako ni Sehun?!
Napatingin ako sa kanya na nanlalaki ang mata.
"Marerelax ka dun. Huwag kang mag alala." Sabi niya. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Kailangan kong malaman kung bakit may number siya sakin. Hindi ko naman kinuha yun.
"BAKIT MAY NUMBER KITA?!" Sigaw ko sa kanya at muntikan na akong mauntog kasi bigla siyang nagpreno!
"BAKIT KA BA SUMISIGAW?! Muntikan na tayo dun!! Saka bakit ba ang init init ng dugo mo sakin?! Kanina ka pa ha?! Hindi ka naman ganyan nitong mga nakaraang araw sakin ah!" Sigaw niya sakin at tiningnan niya ako na parang hindi siya makapaniwala. "Baka sina Junmyeon hyung ang nagsave ng number ko!" Huminga siya ng malalim habang nakapikit at nakahawak ng mahigpit sa manibela.
Hindi pa nga pala niya alam na nakakaalala na ako. "Sorry.." walang buhay kong sabi.
"Kung labas sa ilong rin lang yang pagsosorry mo, huwag mo na lang sabihin sa susunod." He said coldly. Tapos pinaandar na niya ulit ang sasakyan.
Tumingin na lang ako sa labas. Maya maya ay biglang nag U-turn si Sehun. Hindi ko na lang pinansin.
Ilang minuto pa ang lumipas, tahimik lang kami. Napansin kong ito yung daan papuntang dorm namin. Akala ko ba dadalhin niya ako sa lugar kung saan makakapagrelax ako?
"Bakit pauwi na tayo?" Hindi ko na napigilang magtanong. Saktong papasok na kami sa gate ng bahay namin.
Pinatay na niya muna ang makina ng sasakyan bago ako sagutin.
"Kung ang pagkakaroon ko ng number sa cellphone mo ay sobrang big deal na sayo, ano pa kaya yung makasama mo ko di ba? Atska mukha hindi naman ako ang kailangan mo." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto ng driver's seat at natauhan ako.
Bakit nga ba ang big deal sakin nun? Nabagok lang ako naging OA na ata ako. Eto na ba yung epekto? Masyado atang naalog ang utak ko.
Bumukas ang pinto sa gilid ko at bumungad sakin ang mukha niyang nakapoker face.
"May balak ka pa bang bumaba? Kung wala na, sabihin mo lang." Kinilabutan talaga ako sa lamig ng boses niya.
Dali dali akong lumabas ng sasakyan, nilock naman na niya agad yun. At pumasok na siya sa loob ng bahay.
Bakit ba ang sungit niya?! Daig pa niya ang babaeng may dalaw. Tss. Akala ba niya kinagwapo niya yun? Tch.
Pagkapasok ko sa loob ng bahay. Nadatnan ko sila na nasa sala. Napatingin silang lahat sakin. Lumapit naman sakin si Junmyeon hyung.
"To my room." simpleng sabi niya at umakyat na siya. Sumunod naman ako sa kanya.
Pagkapasok ko ay nakita kong nakaupo sa kama niya si hyung at may isang upuan malapit sa kanya. Umupo ako dun sa upuan.
"What happened?" Puno ng pagaalala yung boses niya.
"She said that she did it for my sake. I hate them. They're controlling my life." Malungkot kong sabi. "Alam na ba nila na nakakaalala na ko?" Tanong ko kay Suho hyung.
"Kami lang ni Kris ang may alam. Si Sehun, alam na ba niya?" Umiling ako.
"I don't have plans to tell him yet. Kaya sana wala munang ibang makaalam." Tumango naman si Suho at tinapik ako sa balikat.
-
Nandito ako sa garden sa dorm namin. Wala lang trip ko lang tumambay dito.
Tumayo ako at lumabas ng gate. Sakto namang may pumaradang unfamiliar na sasakyan sa tapat ko.
Bumaba ang isang babae galing sa driver's seat. Pamilyar yung mukha niya. Sino nga ba 'to?
"C-Chanyeol?" Pagtawag niya sakin at unti unti siyang lumapit.
A-Anong.. Anong ginagawa niya dito?
"Daeun?" Tawag ng isang tao sa likodan ko. Nilingon ko yun at nakita ko si Kris hyung na bored na nakatingin kay Daeun.
"What the hell are you doing here?" Malamig na tanong ni Kris hyung.
"I'm here for Sehun and... Chanyeol." Sabi niya at tiningnan ako.
"A-Ako?" Sabi ko at tinuro ko pa ang sarili ko. Tumango naman si Daeun. "Ahh. Ganun ba, pasok ka." Pag aanyaya ko sa kanya at naglakad na ako papasok. Kasabay ko naman si Kris hyung.
"What are you doing?" Bulong sakin ni Kris hyung.
"I need to act that I can't still remember anything yet." Bulong ko pabalik.
Naabutan namin ang iba na nasa living room.
"May bisita tayo. Umayos kayo." sabi ko na nakaagaw ng atensyon nila. Pinapasok ko naman si Daeun at ganun na lang ang bigla sa mga mukha nila.
"OH SEHUNNN!" Sigaw ni Chen.
Nakarinig kami ng yabag ng bumababa sa hagdan.
"Ano ba yan? Bakit ka ba sumisigaw Chen hyung?" Sabi ni Sehun at ng makababa na siya ay napatingin siya kay Daeun.
"Sehunnie..."
---To be Continued---
VOTE. COMMENT. Thanks. <3
Nagbalik na si Daeun. Jusko.
BINABASA MO ANG
✔️ |BOOK II| Park Chanyeol's THROE [EXO ChanHun/SeBaek/ChanSoo]
FanficOh Sehun's Pain BOOK II ∽♥찬훈♥∽ WARNING. BOYxBOY. BL. GAY. YAOI. BROMANCE. -CHANYEOL x SEHUN- [150607] Seeing him cry hurts me a lot. Seeing him smile hurts me a lot. Seeing him staring at me with those eyes hurts me a lot. Seeing pain in his eyes hu...