Forty Four

608 44 12
                                    

Totoo na talaga 'to! UD na itey! Hahaha. But before anything else, I've decided to follow what my heart says, to stay and continue writing and ignore the people who doesn't deserve my attention. Charot lang. Pero dahil dyosa ako sige, half meant. Lol. #GalawangMsWanaBae. Hindi masamang magfeeling. Hahaha.

THANKYOU sa lahat ng 'sumusuporta' sakin, sa stories ko. Alam kong hindi bongga yung story ko, but still nagcocontinue pa rin kayo sa pagbabasa. THANKYOUSOMUCH. :*

ENJOY READING!

Chanyeol's POV

"Bakit ang aga mong pumasok?" Bungad sakin ni Gyu pagbukas ko ng pinto ng opisina ko.

"Ikaw, bakit nandito ka pa?" Taas kilay kong tanong sa kanya. Napatingin naman ako sa lalaking nasa may likod niya.

"Goodmorning po, Sir." Sabi ni Sehun at nagbow. Tumango lang ako katulad ng ginagawa ko sa iba.

"Iga'guide ko pa si Sehun atska next week pa ang lipat ko kay Yura-noona. Atat ka namang paalisin ako ngayon, samantalang kahapon, halos kulang na lang lumuhod ka para huwag akong umalis. Yung totoo, Yeol, tapatin mo nga ako, may g---" pinutol ko na ang pagsasalita niya, ang daldal eh.

"Ang dami mong sinasabi, ang aga aga eh. Trabaho na!" Sabi ko na lang at dumiretso sa table ko.

Narinig kong binibigyan ng instruction ni Gyu si Sehun katulad ng,

"Huwag kang sasagot ng pabalang kay Mr. Park baka mawalan ka ng trabaho ng wala sa oras. Laging may PMS yan eh."

Hindi ko na lang sila pinansin at pinagtuunan ko na lang ang mga files na nasa lamesa ko. Ang dami.

Paminsan minsan ay tinitingnan ko si Sehun. Hindi ko alam pero, oo, tinanggap ko siya kahapon at ngayon ko na siya pinagsimula. Nababaliw na ata ako. Dapat hindi ko yun ginawa pero kasi sa mga nag'apply kahapon, siya lang ang deserving.

"Gyu!" Pagtawag ko kay Sunggyu at sumigaw naman siya ng 'Bakit'. "May iuutos ako sayo kaya lumapit ka dito!"

Naramdaman ko namang may lumapit sakin. "Dalhin mo 'to kay Yura-noona, tell her that she needs to sign this and I need this before lunch." Sabi ko ng hindi inaangat ang tingin ko at inabot ko ang isang folder.

"That's all, Sir?" Napatingin ako sa kanya ng wala sa oras ng iba ang mabosesan ko. Nakita ko si Sehun sa harapan ko. "Dapat ngayon pa lang masanay ka nang SEHUN ang tawagin mo hindi GYU." Medyo pasigaw na sabi ni Gyu habang nakaupo sa may table niya.

Tiningnan ko si Sehun na nakatingin sakin, "And also tell her that I have you." Nakita kong bahagyang lumaki ang mata ni Sehun at ng marealize ko ang sinabi ko ay alam kong namula ang tenga ko. Umubo ako ng peke, "That... I have you as my secretary and Gyu's still guiding you here." Nakita ko naman ang pagtango niya at lumabas na siya ng office ko. Nakahinga na ako ng maluwag. Ang tanga mo, Chanyeol.

"Hoy! Yeol! Ano yun?" Mala-chismosong sabi ni Gyu.

I'd never say my friend's name to Gyu when I'm telling him stories about my past. He doesn't have any idea that Sehun is my past.

"Wala! Trabaho na!"

-
"How's your new secretary?" Yura-noona says with a grin on her face. She's fcking teasing me!

"Not bad. He's new afterall."

"What if, he's with them? I mean, what if all of them are here? Or maybe Sehun already told them that he's working with you? What's your plan?" May halong pag'aalala sa boses ni Yura-noona.

"Face them? I know that it'll come." Sabi ko na parang normal lang ang lahat.

"You sure? You're ready to face them?"

Hindi kaagad ako nakasagot. Am I ready? Am I ready to see him again? Am I ready to face them?

"You still love him, don't you?" Napatingin ako kay Yura-noona dahil sa sinabi niya. Bahagyang tumaas ang kilay ko.

"Sehun is my past. Nakamove on na ako. Napatawad ko na siya sa lahat ng nangyari. Pero hindi na kami babalik sa dati, I guess." Sagot ko at ininom ang kape ko. Nandito nga pala kami sa isang coffee shop. Lunch break naman eh.

"I'm not reffering to Sehun. If you know what I mean. Pero dahil si Sehun ang iniisip mo ngayon, okay. Let's talk about him. Honestly, I'm still a ChanHun Shipper." Then she giggled. Naramdaman ko ang pag init ng mukha ko. The fck that shipper thingy.

Tumayo na ako't lumabas ng coffee shop. Narinig ko pang tinawag ako ni Noona but I ignored her.

Sumakay ako ng kotse ko at bumalik sa company ng marealize kong walang nga palang dalang sasakyan si Noona kasi sabay kaming pumunta dun. And she hates commute. Serves her right. Hahahahaha!

Binati nila ako ng 'goodafternoon' and as usual, I just nodded.

Pagkarating ko sa opisina ko tumingin kaagad ako sa table ni Gyu slash Sehun. Pero sa halip na yung dalawa ang makita ko ay may nakita akong... stroller?

Lumapit ako dun at nakita ko ang isang baby na sa tingin ko ay mga ilang buwan palang. Tulog siya pero ang cute cute niya.

Bigla siyang gumalaw at umiyak kaya nataranta ako. Anong gagawin ko?! Umikot ang tingin ko sa buong office na para bang may hinahanap ako. Kingina! Nasaan ba sina Gyu!

Lalong lumakas ang iyak nung baby kaya lalo akong nataranta. Isa na lang ang pumasok sa isip ko, binuhat ko yung baby. Iba sa pakiramdam parang.... nevermind.

Nagsway sway ako habang naghuhum ako.

"Hmmm. Mabait si Baby, tatahan na yan. Hmmm. Hmmm."

Pero tuloy pa rin siya sa pagiyak. Pagtingin ko sa stroller ay may nakita akong dede. Kinuha ko yun at pinadede na si baby. Tumahan naman siya. Tinitigan ko lang siya. Ang cute niya.

Bigla ko na lang naramdaman na may nakahawak sa daliri ko. Nakita kong nakahawak ang maliit na kamay ni baby sa hintuturo ko na nasa may puwitan niya dahil hawak ng isa kong kamay ang dede.

Napatitig ako sa baby. May kung ano sa puso habang nakatingin ako sa kanya. Para bang ang gaan gaan sa pakiramdam.

Bigla namang bumukas ang pinto. Nakita ko sina Yura-noona, si Gyu at Sehun. Nakita kong nagkatinginan sina Gyu at Sehun.

Ganun lang kami hanggang sa magsalita si Yura-noona,

"Who's that baby?"

---To be Continued---

Sorry kung lame. Hahaha. May hangover pa kasi ako ng Grad Pictorial namin. Yes, I am a #grad(waiting) student.*wink

✔️ |BOOK II| Park Chanyeol's THROE [EXO ChanHun/SeBaek/ChanSoo]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon