Chapter 1

1.4K 55 11
                                    

Chapter 1



[Claire's POV]



Andito ako ngayon sa service namin. On the way na kami sa M.R academy. Grabe! hindi ko maintindihan kung ano ba talaga tong nararamdaman ko! Kung kinakabahan, naiinis, nagagalit, natatae o kung anuman... Napagdesisyunan kasi ni mama na ilipat ako ng school, and she did it without my freakin' permission.

Sa totoo lang, pinag awayan pa nga namin ni mom ang tungkol diyan eh.

"mom, kailangan ko pa ba talagang lumipat ng school? I mean, 4th year na ako this year. Isang taon na lang. And you know, mahirap nang mag adjust...." pilit kong kinukulit si mama na wag na akong ilipat ng school. Ang hirap kaya ng last year mo na nga tas lilipat ka pa ng eskwelahan. I don't wanna spend my senior year with strangers.

I'm Claire Denise Kim. Galing ako sa isang may kayang pamilya. 18 years old na but 4th year highschool parin. Bakit? kasi maagang nag boyfriend. Kaya ayun, napabayaan ang pag aaral. Ang uwi, repeater ako. Mahal ko naman ang boyfriend ko eh. I was judged for that, but I don't really care. Malandi ako? Paki niyo. Pabaya ako? Ano ngayun? Gagawin ko ang gusto ko sa buhay ko, gawin niyo ang inyo.

"Yes! Claire, diba sabi mo you want to be famous? And as a mother, I will help you fulfill your dreams." sagot sakin ni mom.

"Ok! naiintindihan ko naman po ung intention niyo bilang ina ko. Pero ang hindi ko po maintindihan is bakit ko pa kailangang lumipat ng school para lang makamit ang pangarap ko na yon? Pwede naman akong sumikat kahit sa st. JMV colleges ako mag aaral diba? May nakasulat na ba ngayon sa kontrata ng mga recording companies or entertainments na may school requirements na?"

"Anak, superstars are made in Music and Rhythm academy." tinignan ko lang siya na para bang sinasabi kong eh-ano-ngayon? Nagbuntong hininga si mama.

" Sa M.R academy (music and rhythm academy) mapapansin ka. Sa M.R academy, madedevelop ang talent mo. Sa M.R academy makaka pag simula ka ulit. Eh sa St. JMV colleges? anak, hindi ka pa ba nag sasawa sa mga haters mo dun?"

Napabuntong hininga ako. Tama siya! Sawa--- SAWANG SAWA na ako sa mga haters ko sa school na yun! Nakakasura na. Porke daw inagawan ko sila ng crush nila na nagkataong boyfriend ko, porke daw papansin ako, lagi nalang daw ako ang pinakamagaling etc. Bakit, kasalanan ko ba kung bakit pinanganak akong maganda? Kidding aside. bakit, kasalanan ko bang ako ang minahal ng oh-so-called crush nila?

"opo mom, sawa na ako sa kanila. Eh natural lang po naman na mag ka haters diba? Fame has its price, I'm just paying it. And besides, nandun naman si Andre eh. Yes! si Andre. hindi ko siya pwedeng basta basta na lang iwan mom and you know that"I desperately called out to mama.

"Claire, diba sabi mo mahal ka ni andre?" I nodded.

"kung mahal ka talaga niya, maiintindihan ka niya dahil para sayo din naman ito eh. And alam mo naman na ayoko sa ANDRE na yun!" sa tono ng boses niya, masasabi kong galit na siya.

"But---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nag salita nanaman si mom.

"Mamili ka! Ang future mo sa M.R academy na malinaw pa sa sinag ng araw 'yang si Andre na wala namang kasiguraduhan kung kayo ba talaga ang para sa isa't isa?" natahimik ako.

Tama siya, ala naman talagang kasiguraduhan kung kami ba talaga ni Andre eh....

"Okay! you win! Lilipat na ako sa M.R academy." Pag katapos kong sabihin yan, umakyat na ako sa kwarto ko. What's the point of arguing? eh ako din naman ang mali. Si Andre, makaka hintay naman siya diba? Kailangan ko na lang hintayin ng tamang oras para masabi sa kanya ito.

And the rest was history.

"Ma'am, andito na po tayo!"

Ay butiki! panira naman 'tong si manong driver! nag da-daydream pa ko eh.

Tumingin ako sa labas.

Woah..

Napapikit ako ng ilang beses sa nakita ko.

SCHOOL BA TALAGA 'TO?!

Wow! Ito na ba ang M.R academy? Ang ganda ng school! Malaki siya na simple. Kung ico-compare ko siya sa St. JMV colleges, walang sinabi ang St. JMV! Tas ang cute ng uniform nila! Naka above the knee skirt, long sleeve na blouse na color brown para sa girls. Para sa boys, okay lang din naman. Malakas ang dating. Ako kasi naka ordinary palang since transferee palang ako...

So ito na to! Pag kababa ko, wala nang atrasan!

Claire, get ready to meet new friends, new teachers and new HATERS!

FIGHTING!

=====================

Love Chain [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon