Chapter 33

74 12 0
                                    

[Dedicated to you^ :) Remember na nagsuggest ka ng dedication para sa chapter na to? Here it is! Sorry kung natagalan! Pero sana suportahan mo parin to! Salamat!!]






[Chapter 33]







[Andre POV]





"Andre, san ka nanaman nagpun---" Hindi ko pinansin si Yuri na humaharang sa daan ko. Wala akong pakealam sa mundo ngayon. Si Claire nalang ang natitirang matatawag kong sakin.


At sa pagkakaalala ko, sabi ko aagawin ko kay Karl lahat,


Pero puta bakit ako ang naagawan?!


"Andre, pansinin mo naman ako---"


"FUCK OFF!" Hiyaw ko kay Yuri na hanggang ngayon ay nakasunod sakin. Nagulat sya sa bigla kong pagsigaw pero shit ang kulit niya.


Nandito kami ngayon sa bahay ko. At nandito nanaman siya at nagpapakalinta sa akin. Pupuntahan ko si papa. Kung dati, hindi ko magalaw ang audition ni Karl dahil partner niya si Claire, ngayon wala na akong katatakutan. Wala nang pipigil sakin.


Guguluhin ko ang buhay niya. And I thought I'd inform my beloved dad first about wonderful plan.


"Lumayo ka sakin." Pagbabanta ko kay Yuri habang nakaturo sakanya ang hintuturo ko. Iniwan ko siyang maluha luha sa kinatatayuan niya.


I opened the door to dad's office as if I'm welcomed here kahit na alam kong kahit hibla ng buhok ko ayaw niyang makita.


"Look who we have here. Ang aga aga pa nambubulabog ka na agad. Hindi ka nanaman marunong kumatok." Panimula ni papa.


"Hindi ko na kailangang kumatok. Masyado kasi akong excited sa ipamamalita ko sainyo." Napakunot ng noo si papa. I let out an evil smirk.


"Just know, papa, na pinalaki niyo kong spoiled. Hanggang ngayon spoiled. At gagawin ko lahat makuha lang ang gusto ko; makuha lang ang mga bagay na pagmamayari ko." I bowed a bit before I stormed out of his room. Narinig ko pang tinawag niya ako sa pangalan ko nang ilang beses pero hindi ko na siya pinansin.


Padabog kong sinara ang pinto at nakita kong nasa labas si Yuri, pinapakinggan ang usapan namin. Tiningnan ko siya nang masama kaya naman napahakbang siya ng isa papalayo.

Love Chain [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon