[Chapter 27]

427 20 1
                                    

[Chapter 27]






[Janin]





"May I take your order, sir?" I asked our customer. Saturday na and walang pasok kaya naman nautusan ako ng parents ko na dito nalang muna sa bar namin tutal wala naman daw akong ginagawa. Kaya eto, nag volunteer na din ako na maging WAITRESS 'kuno'.


"Ah yes! Uhm...Let me have..." Inisa-isa ng customer ang order niya at sinulat ko naman ito.


"So, yun lang po?" He agreed kaya naman nag punta na ako sa may cashier namin at sinabi sakanya ang mga order ng customer.


Wala nang nag o-order kaya naman I decided na umupo muna dito at pinanuod sila Linon na nakanta sa stage. San nanaman kaya nagpunta si Sungit? Haist.... Nakabili nanaman siguro ng sariling mundo. Wala eh! mayaman eh!


Habang busy akong nakikinig at nag swa-sway sa kinakanta nina Linon, naalala ko bigla nang huli kaming nag usap ni Rhanz dito sa bar.


Nang sinabi niyang may iba na siyang gusto--- mali---- mahal.


Bestfriend niya? Mahal niya? Psh. Cliche story. Pero aaminin ko... nang gabing iyon, inisip ko na, may posibilidad din naman na ako yun diba?


Pero naisip ko lang din.


Hindi nga niya pala ako bestfriend. Nakakatawa... Grabe. Lakas ko kung umasa!


With a loud sigh, I jumped out of my chair at nagstretch. Napagisipan kong lumabas muna para magpahangin.


Pagkalabas ko ng bar namin, ang daming lovers dito sa labas. Hindi naman siksikan, pero san ka man lumingon, may makikita kang by pairs. Haist. Ayus lang sanay naman na ako! Sanay na akong magisa!


Habang busy ako nagpapakabitter dito, may nahagip ang mata kong isang pamilyar na figure. Inaninag ko pa ito nang medyo matagal para masigurado kong tama nga ang hinala ko. As I squinted my eyes, napagalaman kong walang duda!!


Si mystery guy ito na nagbigay sakin ng payong niya noon!


"Manong! K...kuya! Uhm... pano ba toh? Pogi! Psst! Pogi!" Medyo may nakaharang na tao sa dinadaanan ko kaya naman hiniyawan ko siya para malaman niya na tinatawag ko siya. pero sa kinasamaang palad, hindi ko alam ang pangalan niya! Kaya kung anu-anong weird names nalang ang itinawag ko sakanya.


"Psst! Kuyang pogi!" At sawakas naka-lapit na din ako sakanya. I grabbed a hold sa jacket niya at napatingin siya sakin. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya dahil as usual, naka-disguise nanaman siya.

Love Chain [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon