Chapter 16

523 25 0
                                        


[Claire POV]

"Tumigil ka nga diyan Faye! Ang ingay ingay mo ee! Makinig ka nalang wag ka nang kumanta! Isa pa hindi bagay sayo yung kanta na yan!" Saway sakanya ni Mr. Sungit. Paano kanina pa siya kanta nang kanta ng mga kanta nila Kuya na Kpop habang gamit ang cellphone niya bilang microphone. Parang may mini concert tuloy dito sa van na sinasakyan namin. Tapos kapag hindi na niya alam ang lyrics, sakin naman niya itatapat ang cellphone niya. At siyempre bilang isang kapatid, kabisado ko ang lyrics sa mga kanta ni kuya Pengs.

Sumimangot si Faye bago sagutin si Karl.

"Saksak mo nalang yang headphones mo sa tenga mo nang hindi mo ako marinig! Dakilang reklamador ng lalaking to!" Bulong naman ni Faye. Tumahimik siya saglit pero pagkatapos ng ilang sandali, nagsimula nanaman siyang mag concert! This time, ibang kanta naman ang trip niya.

Pinlay niya ang Even if it's not necessary ng Hyde.

"Oh.... Mayroon ka ng kanta na yan? Kanta yan ng rival group nila Kuya aa." Pag tataka ko sakanya. Sa pag kakaalam ko kasi, big fan siya ng Diss, banda ni kuya. Kaya natural lang na mabigla ako na may kanta siya ng rival group nila.

"Shhhh... Wag kang maingay. Favorite song namin ito ni Linon. Diba?" She switched her attention to Linon who's sitting beside her. Nasa tabi ko si Faye habang nasa kabilang side ko naman si Janin at ang iba, nasa likod na. So, ganun pala sila ka-close ni Linon? Na mag kapareho pa sila ng favorite song.

"Ah... Oo." Linon noded shyly.

"Oh sabi sayo ee!" Then as if on cue, sinabayan ni Faye ang pagkanta ng lead vocalist ng Hyde.

'You don't have to, but if by chance

Would you remember me?'

Unlike kanina, medyo mas seryoso ang pagkanta ni Faye sa kanta na ito.

'I wasn't talented but I made you laughed for a little while.

If you were hurt from our love,

And there were no good memories

Would you remember them atleast just once?''

Napaka lungkot ng kanta. Mas nabibigyang justice ito ni Faye sa paraan ng pagkanta niya. Napaka-effortless ng paghit niya ng low notes pero hindi siya naf-flate despite the fact na lalaki ang original na kumanta nito. For short, magaling talaga siya. Nang nasa chorus part na ng song, huminto si Faye sa pagkanta nang narinig niya si Linon.

'Would you remember me if you meet someone like me?'

Would you remember me if you hear the song that we used to listen to?

I can't help but to look at Linon's face while he's singing. Bakit ba ganun sila kumanta? Hindi naman siguro sa nakaka-relate sila sa song pero, ang galing nilang mag dala. At yun ang kailangan kong i-improve sa sarili ko.

'would you remember me if you meet someone with the same name as me?

You don't have to but please remember me at least just once'

"Iiyak na yan! Iiyak na yan! Iiyak na yan! Iiyak na------- AWWWW!" Napatingin kaming tatlo nina Faye sa likod kung saan nag kakagulo na pala ang mga L.S.

"Aray naman! Bakit ka ba namamatok ha Karl?!" Pasigaw na tanong ni Janin sa katabi niyang si Karl habang hinihimas himas niya ang part ng ulo niya kung saan siya binatukan ni Karl.

"Ang ingay niyo." Matipid na sagot sakanya ni Karl.

"Spill it, pare! Nagseselos ka kasi kay Linon nakatingin si Claire at hindi sayo." Napatingin ako sa side ni Karl habang gulat na gulat samantalang siya, he ramained emotionless. Kahit kailan talaga.

Love Chain [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon