Chapter 17

523 24 7
                                    


[Chapter 16] Keychain

[Natasha POV]

Nakarinig ako ng isang ring ng telepono.

Nasan ako? Sofa ba namin to?

"Hello? Ah ate.... Sorry hindi ako makakapasok ngayon... Nandito ako kina Natasha... I'll explain everything to you later... Okay... okay bye." Teka... Si Jamonito? Nasa bahay namin?

"A...aray..." Sinubukan kong tumayo mula sa pagkakahiga pero halos pabagsak akong napahiga ulit dahil parang jelly ace ang aking mga kasu-kasuan. Nanlalambot ako, di ko alam kung bakit. Para akong may hang over kahit hindi ko pa alam kung anong pakiramdam yun.

Ano bang nangyari sakin?

"O-oh! Tsk... Wag ka muna tumayo! Higa ka lang diyan." Sabi niya habang nilalapitan ako. Ano ba naman ito. Sakit ng ulo ko. Nang makahiga na ako, I slowly opened my eyes at nakita ko sa tabi ko si Jamonito. At dahil wala ako sa timplang magsungit ngayon, I calmly asked him.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Hay nako. Nakatulog ka dun sa LS room pagbalik ko kahapon. Anong gusto mong gawin ko? Iwan ka dun?" Sabi niya sakin... At dun ko lang naalala ang lahat...

WALA NA ANG FIRST KISS KO!!!!!

"IKA------- AWW!" Hihiyawan ko sana siya kaso sumakit ulit ang ulo ko at napa bagsak nanaman ako sa sofa.

"May lagnat ka. Wag ka munang magsungit ngayon! Mamaya nalang kapag maganda na ulit ang pakiramdam mo. Patingin nga kung mataas pa ang lagnat mo." Hinawakan niya yung ulo ko pero hinawi ko nang mahina ang kamay niya at tumingin sa gilid ko. Narinig ko siyang huminga nang malalim.

"Lumabas ako kahapon para bumili ng gamot mo, pero pagbalik ko nakatulog ka na. Kaya naman naisipan ko nalang na iuwi ka sainyo. Buti pinapasok ako ng mga kasama mo dito." Hindi ko siya pinansin kaya naman naisipan nalang niyang umalis mula sa tabi ko.

Tinignan ko kung saan siya pupunya... Sa kitchen pala namin. Ano naman ang problema nun? Dahil ilang steps lang ang layo ng kitchen mula sa sofa namin, tanaw ko kung ano ang ginagawa ni Jamonito. May kinuha siyang isang maliit na plastic at kinuha niya ang isang box mula sa loob nito bago siya bumalik sa pwesto ko. Nang pabalik na siya, inalis ko ulit ang tingin ko sakanya.

"I bought porridge for you." What? Porridge? Tinaasan ko siya ng kilay.

"Are you kidding me? Pinapakain mo ako ng lugaw sa ganito kainit na panahon? Ayoko nga. Ikaw nalang ang kumain niyan kung gusto mo." Sagot ko naman sa kanya. Huminga nanaman siya nang malalim.

" Wag ka nang makulit! Ito lang ang alam kong kinakain ng mga may lagnat at ito din ang pinapakain sakin ni ate kapag may sakit ako. " Nilapag niya yung pagkain sa table na malapit sakin. "Kainin mo yan kung gusto mong gumaling. Kung ayaw mo, edi wag! Mamatay ka sa gutom. Bahala ka kapag hindi tayo nakapagpractice nang maayos para sa audition." At umalis na nga siya sa vision ko. Kahit na pakiramdam ko may buhat akong hollowblocks sa sobrang bigat ng katawan ko, I still did my best para maka-upo. Nang maka-settle na ako, I looked at James who's now sitting infront of our TV habang naka taas pa ang paa. Wow! At home na at home ang lolo niyo! May atraso pa yan sakin! Mamaya ko nalang sisingilin!

Nang makatapos na akong kumain at medyo mas maganda na din naman na ang pakiramdam ko kaysa kanina, I asked him :

"Anong oras na?" Nakakapag taka lang kasi. Hating gabi na ba? Bakit di pa siya umuuwi?

Love Chain [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon