[Chapter 22] Drama

471 26 15
                                        



[Claire POV]







"A-ah! S-sorry! Mukhang nadistorbo yata namin kayo." Iniwas ni Faye ang tingin niya sa amin. What the? Nadistorbo? Nanlaki ang mata ko bago ko tinulak papalayo si Karl dahilan para muntik na siyang maout of balance. Inayus ko ang sarili ko bago kumbinsihin si Faye.


"Ano sinasabi mo diyan! W-wala yun! Nag uusap lang kami ni Karl nang may nasabi akong hindi niya nagustuhan kaya AYUN! Yun! Tama! Yun lang yun! Wala nang iba!" I defended. Totoo naman eh! Bakit? Anong iniisip nila? Na may ginagawa kaming milagro dito sa P.R ni Sungit?! Over my dead sexy body! Pagtagpuin mo na ang langit at lupa, wag lang kami!


Dahan dahang tumango si Faye. I see that she's not convinced. Napakagat ako ng labi ko. Binaling ko naman ang tingin ko kay Linon na napapailing lang bago lumabas ng PR room ni Karl nang walang sabi sabi. Ni hindi nga yata niya ako binalingan ng tingin eh. Sa di malamang dahilan ay nakonsensya ako.


Sumunod naman si Faye sa kanya. Hanggang sa kaming dalawa nalang ni Sungit ang naiwan dito.


"AISH!!" Napasigaw ako nang di oras. Sinamaan ko ng tingin itong si Karl bago ako nagmartsa papalabas ng PR room.


Chineck ko ang schedule namin. Kahit na wala ako sa mood para umattend ng kahit anong klase ay siyempre hindi naman maiiwasan. Ganun nalang ang pagkadismaya ko nang mapagalaman kong BOOM! Theater arts!


NGA NGA AKO DIYAN!




[Linon POV]





Nagmartsa ako papalabas ng PR room ni Karl. Ang sama ng pakiramdam ko ngayon. Not in a case na may sakit ako, pero ewan. Ito kaya yung selos na sinasabi nila? Kasi kung oo, pwes nakakabakla.


"Linun! Hoy LiNUN!" LinUn? May bago nanaman siyang pantawag sakin ah.


"Hm?" Huminto ako sa paglalakad atsaka ko siya hinarap.


"San ka ba pupunta?" San nga ba? Napaisip ako saglit hanggang sa maalala ko yung sched namin.


"Ah! Oo! Sa Theater room! Diba dun na tayo ngayon?"


"Theater room? Sigurado ka? Eh nakalampas ka na kaya. Papunta ka na ng cafeteria bui." Ha? Nilibot ko ang tingin ko sa kapaligiran at napagtanto kong oo nga. Lagpas na ako.

Love Chain [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon