[Chapter 24]

486 24 12
                                    


[Chapter 21]



[Linon's POV]




"Tara sayaw!"Aya ni Faye samin nang magsimulang tumunog ang kantang 'Live while we're young' ng One direction. Naayang sumayaw sina Claire at Natasha. Sabi ko pass muna ako dahil gusto kong magpahinga para sa kanta ko mamaya.


Kaming dalawa ni Karl ay magkasama sa iisang banda.


Ang Chain.


4 member band kami. Ako as vocalist and guitarist, si Karl sa electric guitar, si Dustin na kaibigan namin sa drums, at si Carter naman sa bass.


Nagpeperform kaming apat dito sa bar nina Janin kapag may time. Isa kami sa nakakahatak ng customers dito.


At tutal nandito na din naman na kami, edi go na. Hanggang sa napatingin ako sa side ni Karl na kasalukuyang katabi ko.


Tulala.


"Pre, ano kaya pa?"Tanong ko sakanya. Tinignan na lang niya ako nang masama at alam ko na ang gusto niyang sabihin. Wag ko na daw siyang kausapin. Takot ko nalang na masungitan niyan. Kung gaano siya kasungit araw araw, doblehin mo kapag bad trip o lasing yan. At sa itsura niya ngayon pagkatapos tumira ng tatlong bote ay mga dalawa pa siguro lasing na yan.


"Ah... Okay." Tumango nalang ako para naman di ako mapahaiya.


"Hi."Napatingin ako sa lumapit samin. Si Claire pala.


"Oh. Akala ko sumasayaw kayo. Ang bilis mo namang bumalik?" Salubong ko sakanya.


"Ah. Napagod na din kasi ako. Isa pa wala na rin ako sa mood para sumayaw." At umupo siya sa tabi ni Karl. Bale pinapagitnaan na namin ngayon si Karl.


"Now, eto na ang pinakahihintay nang lahat! Ang Chain!"May balak pa sana akong kausapin si Claire pero tinawag na kami ng MC sa stage. I looked at Karl ulit at nagbabaka-sakaling nasa matinong pagiisip pa siya para kumanta. Pero iniling nalang niya ang ulo niya as a 'no'.


Napasinghap ako sakanya bago tumayo at inayos ang sarili para sa stage. Wala rin namang kaso kahit wag siyang magperform ngayon eh. Acoustic song naman ang kakantahin namin. Kahit ako nalang ang mag gitara habang kumakanta makakaraos din kami.


"Oh..... May banda kayo?"Ay hindi nga pala alam ni Claire. Ngumiti ako saka ko siya tinanguan! Dagdag pogi points ang miyembro ng banda, man!


"Yup. Sige. Tawag na kami. Panuorin mo ako ah!"Pinisil ko nang kaunti ang pisngi niya bago ako tuluyang magpunta sa grupo namin para mapag usapan ang kakantahin.

Love Chain [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon