[Chapter 30]

328 17 9
                                        

[Chapter 30]






[Claire POV]






Bumaba ako mula sa kotse ni Andre.


Ngayon, nandito na kami sa tapat ng bahay namin. Lumubog na ang araw at madilim na din dito sa labas. Hinatid niya ako pauwi. And all I can say.... Is that the atmosphere between us is so awkward. Kanina sa sasakyan, walang imikan. Walang kibuan. Nagpapakiramdaman lang kaming dalawa.


Nagsimula na akong maglakad papasok ng bahay nang hindi siya tinitingnan nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko.


"Claire." I stopped on my tracks, still not facing him.


"Can we... Still talk about this?" I can hear the desperation on his voice. Napapikit ako nang mariin. Hindi pa ako handa sa kung ano man ang sasabihin niya. But it's now or never. This night would either breaks us, or make us.


"Sino siya?" Nanginginig ang boses ko nang tinanong ko yan. Nang hindi siya sumagot nang matagal, humarap na ako sa kanya.

"Andre, sino siya?" Mas madiin na ngayon ang pagkakatanong ko sakanya. Nakayuko lang siya sa sahig ngayon at iniiwasan ang mata ko. Gulong gulo na ako. Sabi niya gusto niyang pagusapan namin to? E bakit ako lang ang nagsasalita?


"Andre!" I called to him.


"Sorry..." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.


"Sorry?" Paglilinaw ko pa sakaling namali lang ako ng rinig.


"Claire, just give me more time to---"


"More time?" I said cutting him off.


"Time nanaman, Andre? Hindi pa ba sapat yung mga oras na halos iuntog ko na yung sarili ko sa pader sa sobrang frustrate dahil hindi mo sinasagot ang kahit anong tawag ko at hindi mo nirereplyan ang mga texts ko?" Sunod sunod na sumbat ko sakanya.


"Andre, ano bang nangyayari satin?" dagdag ko pa. Tears started forming on my eyes. Sobrang inis o takot o ewan. Hindi siya nagsasalita. Bakit hindi siya nagsasalita? Ako nalang ba... Ako nalang ba ang kumakapit pa?


"You see... I made a mess."


"Mess?" I repeated.


"I made a mess. Oo! At hindi ko alam kung pano ko aayusin yung gulong yun." Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa pagitan naming dalawa. Gulong gulo na ako. Mess? Anong mess?

Love Chain [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon