[Claire POV]
Biglang nagring ang salot sa umaga kong alarm clock ibig sabihin kailangan ko nang bumangon para gumayak. Pero dahil napaka-sipag ko, hindi ko ito pinansin at instead ay binaling ko ang unan ko para makatulog ulit.
Nagring nanaman ito.
"Hmmm....." Napaungol nalang ako sa inis.
"Claire.... Patayin mo nga yung alarm mo! Ang aga-aga pa aah..." Tumagilid ako para abutin ang alarm clock ko---- WAIT.
"WAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Napatili ako nang malakas na malakas na siguro ay abot hanggang sa kapit bahay ang lakas.
"Ano yun?! May sunog? Nasan ang sunog?" Napa-upo nang di-oras ang lalaking nasa tabi ko and nilinga linga yung ulo niya na para bang hinahanap kung nasan ang sunog. Waah! Bakit may naka-pasok na stranger sa bahay? At worse, katabi ko pa sa kama ko!
"WAAAAAAAAAAAAAAAAH! PERVERT! PERVERT! MOMMY!!!!!!" Binato ko na sa lalaking ito lahat ng mga bagay na mahahawakan ko.
"Anong kaguluhan ang nangyayari dito?" Bumukas ang pinto ng kwarto ko at buti naman at dumating na si mama.
"MAMA!! May pervert na nakapasok sa bahay natin!" This time yung malaking alarm clock ko na yung binato ko sa lalaki and BULLS EYE! Sa ulo niya tumama kaya ayun, nahulog mula sa kama ko.
"Huh? Anong pervert ang pinag sasasabi mo diyan Claire?" Tanong ni mama.
"Ayan ma oh! Kita niyo naman! May stranger na nakapasok sa bahay natin and katabi ko pa sa kama! For all I know magisa akong natulog sa kama ko pero pagkagising ko may rapist na akong katabi!" Sunud sunod kong sabi kay mama. Sa sobrang bilis ng pagkakasabi ko ay pakiramdam ko mauubusan ako ng hininga. Napahagikgik naman si mama. Oh ano nakakatawa?
"Hay nako Claire! Hindi mo ba namukhaan ang lalaking katabi mo?" Iniling ko nalang yung ulo as a no.
"Si kuya Kevin mo yan!"Eh? Medyo nagtagal bago nagbuffer sa utak ko ang sinabi ni mama pero nang narealize ko na si KUYA KEVIN nga pala ay ang kapatid kong gwapo, biglang nagliwanag ang mukha ko.
"Aray! Sakit ng ulo ko! Mom, babalik na lang po ako sa Korea! Mukhang ayaw naman ni Claire na nandito ako ee" Napatingin ako sa nag salita. And..... TOTOO NGA TALAGA!
"Kuya Penguin!!!" Tumalon ako mula sa kama ko then niyakap ko siya.
"Aray! Aray! Wait Claire! Hindi ako makahinga!" Ay.... Sorry naman! Tinanggal ko yung pag kakayakap ko sa kanya. "Hinaan mo nga yung boses mo! Magigising yung mga kapitbahay natin niyan ee! And one more thing, hindi Penguin ang pangalan ko at mas lalong HINDI AKO PERVERT!!" Sus ang daming nalalaman!
"ee! Kasi naman Kuya Penguin! Bakit bigla ka na lang uuwi nang walang sabi sabi? Nagpa-party sana ako!" Paglalambing ko sakanya with matching pout effect pa.
"Aigoo! Ang kapatid ko talaga!" Ginulo niya nang konti yung buhok ko.
"Neomu Neomu Kiyeopta!" At hindi pa nakuntento! Pinisil pa yung pisngi ko. Pag katapos nun nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. "Geuriwoso!" sinipa ko nga sa may tuhod!
"Tigilan mo nga ako sa pag ko-korean mo kuya penguin! Wala ka na sa korea dahil nasa Pilipinas ka na at nasa pamamahay ka namin!" By the way, 'Aigoo' means 'Hay nako', 'Neomu Neomu Kiyeopta' means 'Ang cute cute mo talaga' and 'Geuriwoso' means 'I miss you'. Galing korea si kuya Kevin and sikat siya dun dahil siya lang naman ang leader, lead vocals and face ng isang oh-so-popular band sa korea, ang 'Diss'. From DSS or abreviation ng Daytime Shooting Star na dinagdagan lang nila ng I for visual purposes. Daming arte no? Pero wag kayo! Gwapo ang mga yan!

BINABASA MO ANG
Love Chain [EDITED]
Teen FictionLove chain -where LEAVING is the same as BEING LEFT. Music and Rhythm academy (MRA) is a school where superstars are made. In this school, you'll witness how 7 popular students and 1 transferee, achieve their dreams and how they overcome the game ca...