[Chapter 31] Ang ipis

407 17 7
                                    



Chapter 30






[Linon POV]




Kamusta na kaya si Claire?


Ang tagal na kasi niyang absent. Isang araw? Dalawang araw? Isang linggo? Basta matagal na!


Nakakamiss nga eh. Wala akong matitigan nang matagal. Wala akong INSPIRATION. Nakakatamad tuloy mag practice. Tas etong mga members ng L.S, mga luma-love life na.


Ang JAMTASHA, halos walang pinagbago. Kahit sila na, bangayan parin sila. Tas kalaunan, magbabati din naman. Bagay talaga sila. Parehong BIPOLAR.


Tas ang RhaNin naman, ayun improving. Kung dati awkward, ngayon nilalanggam na sa kasweet-an. Rhanz really owe me a lot. Dahil kung hindi dahil sakin, wala sila sa stage na yan ngayon.


OP kaming dalawa ni Karl dito sa L.S room kasi kami lang ang single. Si Faye IN A RELATIONSHIP WITH FOOD. Always and forever matakaw. Buti hindi nananaba.


Busy kami sa sari-sarili naming business nang biglang may nagbukas ng pinto. Napababa ako ng gitara ko nang tumambad dito si Claire.


"Goodmorning."


"WAAH! CLAIRE!" Janin and Faye shouted in unison. Napangiti ako nang abot tenga nang makita ko siya ulit. Pero bakit ganun? Maga ang mga mata niya? Umiyak ba siya?


"Oh. Bakit naman kayo ganyan maka-react? Para namang ilang years tayong di nagkita ah? " She smiled in a lousy way with matching tawa na halata namang hindi totoo. I have a feeling that something's not right.


Umupo siya sa may tabi ko dahil wala nang iba pang bakanteng upuan. Sinamantala ko na ang pagkakataon na ito para matanong siya.


"Are you okay?" I asked her and she nodded with a forced smile on her face.


"Are you sure?" Paninigurado ko at tumango nalang ulit siya.


"What happened to you? Its way too obvious that you cried. Is there something wrong?" Singit ni Natasha sa usapan namin ni Claire.


"Huh? H..hindi... Wala. N... nakagat lang ng ipis ang mata ko. Kaya naman namaga yan."


"EEW..." Faye and Janin said in unison again. Kahit kailan talaga ang dalawa na ito.


"Yun lang ba talaga?" Nagsalita na si Karl.


"H..huh? Anong ibig mong sabihin?"


Love Chain [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon