Chapter 14

632 24 1
                                    

[Natasha POV]




"Ang cute talaga nila tignan noh."


"SInabi mo pa girl! Imagine, kahit para silang aso't pusa, in the end sila din pala ang mag kakatuluyan!"


"Kayo nga diyan! Baka naman nami-misinterpret lang natin sila as couples. I know James' type of girl. And alam kong hindi niya papatulan si Natasha."

Aba! Kung makapagsalita yung babaeng yun ah! Nakakapang-init ng dugo! Kala mo kung sinong maganda eh mukha namang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha. At sino satingin niya ang papatusin ni James saming dalawa ha?!

So... Kaya naririnig/ nababasa niyo nanaman ang mga tsismosang istudyante na yan dito ay dahil nasa corridor kami ni James naglalakad papunta kay miss Kim. Hindi ko alam kung bakit, pero panigurado ko ngayon isa na sa mga rason ay ang rumors na IN A RELATIONSHIP kuno daw kami nitong si Jamonito Aquino.

Masyado siyang malapit sakin na akala mo'y linta sa sobrang dikit! And kanina pa siya daldal nang daldal hindi ko na nga lang pinapansin.

Habang nag lalakad kami sa corridor, naka-yuko lang ako at hiyang hiya sa mga dinadaanan namin. Ni hindi na nga ako nag sasalita ee. Paano ba naman, itong kasama ko aakalain mong nasa cloud nine sa sobrang saya! Ano to PARTY?! And ang lakas pa ng boses niya na daig pa ang nakalunok ng megaphone. Sarap busalan.

"Hoy. Ano ba? Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko ah?"

"Obvious ba? HINDI. Kaya manahimik ka nalang diyan."Pabulong at galit kong sagot sakanya.

"huh? Ee ikaw? Bakit ba ang hina ng boses mo?" Hininaan din niya yung boses niya na ginagaya ako. Napatikom nalang ako ng labi sa inis. Hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa makarating na kami sa office ni miss Kim. I quickly grabbed a hold of the doorknob and entered the room without hesitation.


"Goodafternoon miss Kim."Pormal kong bati sakanya.

"Hi ate!!!" Masaya namang bati ni James sa ate niya na para talagang isang bata.



"Oh! Hi James and Natasha! take a seat first." Sabi samin ni miss Kim then tinuro ang sofa. Umupo naman kami ni Jamonito. While she remained on her desks.

"So, balita ko, kayo na daw ng James ko ah." I FREAKIN KNEW IT. Huminga ako ang malalim bago ipaliwanag ang nanangyayari.



"Ah! H-hindi po-----------"



"Oo ate! Kanina lang! Ang bilis naman makarating sayo nun!"Singit ni James sabay akbay sakin. At siyempre tinulak ko ang pag kakaakbay niya sakin at tinignan siya ng masama. What the heck is he talking about?! Is he really gonna be serious about this ?!

"Woah! So, in denial pa si Natasha samantalang ikaw proud na proud na!" Miss Kim. Won't you mind listening to my explanation first?

"Ah! M-miss Kim you don't understand. We---- urgh" Napanghinaan na ako ng loob na mag explain dahil mukhang hindi naman ako pinapakinggan ni miss Kim and mukhang hindi na din niya paniniwalaan ang mga sinasabi ko.

Love Chain [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon