Chapter 11

583 28 1
                                        


RHANIN

[Janin POV]

A moment of silence for the beauty of nature.

Just kidding.

Define awkward? Ganun kami ngayon ni Rhanz. Sabi niya kasi imeet ko daw siya dito sa canteen ng building 2 before ako tumuloy sa LS room para mapag usapan namin ang tungkol sa couple dance.

So magkatabi kami ngayon ni Rhanz sa isang mahabang chair at mag be-bente minutos na pero wala paring nag lalakas loob na magsalita saming dalawa. Pwede ko na bang kantahin ang part na ito sa isang kanta ni Taylor Swift?

Cause I've never heard silence quite this loud.

Nang medyo nag karoon na ako ng lakas ng loob, nag simula ako ng conversation.

"Rhanz---"

"Janin---"

AWKWARD. Nagkasabay pa talaga kaming tawagin ang pangalan ng isa't isa.

"Mauna ka na." Again, we said in unison.

"H-hindi. Okay lang! Girls first diba?" Napakamot siya sa batok niya habang sinasabi yun.

"Bakit ako ang napili mong partner sa couple dance?"

[Rhanz POV]

"Bakit ako ang napili mong partner sa couple dance?"

BOOM! Ang topic na iniiwasan kong pag usapan is now officially open. I quickly searched for some words to say para naman may maidahilan ako sakanya. It's not like I can tell her that I picked because I like her and that I want to spend more time with her anyway. Natagalan bago ako nagsalita ulit kaya naman siya na ulit ang naunan nagsalita.

"Sige. H-hindi mo naman kailangang sagutin ang tanong ko sayo ee." No! Baka ma-disappoint siya kapag hindi ko siya sinagot.

"Ah! Hindi! Okay lang. Sasagutin ko naman ang tanung mo eh. Natulala lang ako." Pagpapalusot ko. Dammit I'm never good with alibis. I cleared my throat before speaking. Bahala na kung ano lumabas sa bibig ko.

"So, kaya kita napili maging partner is because pansin ko this past few days, parang nag kaka-ilangan tayo sa isa't isa. Well infact, nasa iisang grupo lang naman tayo diba? Parang sa buong grupo tayo lang ang bihirang magusap. So... I was just wondering kung pwede kitang maging kaclose. " DAMMIT RHANZ DE CHAVEZ. STOP THIS BULLSHIT RIGHT NOW. The heck are you saying?!

" K-kung pwede lang naman. hehehe" I tried saving myself. Napa-look down ako nang binitawan ko ang mga huling salita na yun. Feeling ko namumula ako. Damn nakakabakla. What am I doing with myself?! I'm not being me for heaven's sake! Tumahimik siya saglit. Ano ba yan! Bakit feeling ko nanliligaw na ako sa kanya? Ee inaalok ko palang naman siyang maka-close? I'm helpless.

"Sure!" She exclaimed. Napatingin ako sakanya and nakita kong nakatingin din siya sakin. Nang magtama ang mga mata namin, nakaramdam nanaman ako ng awkwardness.

"T-thanks. Sana naman, maging mag ka-close na tayo sa mga susunod na araw." Sabi ko sakanya then I lend my hand to her.

"F-friends?" She reached out for my hands shyly.

"Friends." Nang mahawakan ko ang kamay niya, parang nag bunyi ang puso ko. Ang bilis ng tibok at para bang anytime pwede na siya makalabas sa dibdib ko. Tatatakan ko ang araw na ito sa kalendaryo ko dahil sa araw na ito natupad ang isa sa mga pangarap ko. Ang mahawakan ang kamay niya.

"So...."

"AY SORRY." Masyado akong natulala sa kamay namin kaya naman hindi ko na namalayan na napapatagal na pala ang pagpapantasya ko. Pinakawalan ko naman agad ang kamay niya dala ng hiya. There was a few moment of silence hanggang sa may kinuha siyang papel mula sa bag niya at nilapag ito sa mahabang table.

Love Chain [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon