[Chapter 23]
[Janin POV]
My eyes literally went like O_O upon hearing Ms. Kim's instructions.
"A-ano po?!"I asked miss Kim in disbelief. Hindi naman sa ayaw kong mayakap ni Rhanz (Heck kinikilig pa nga ang lola niyo!!) Pero ang sakin lang, parang hindi naman necessary na kami lang ang may ganyang kalandian scene!
"Violent Reactions?" Pinanlakihan ako ni miss Kim ng mata.
I glanced at Rhanz's side. Napansin kong tulad ko, hindi rin siya kumportable sa pinapagawa samin ni miss Kim.
Ahhh! Acting. It's just an acting. Nothing more, nothing----"
"Janin"AY ANAK KA NG TATAY MO! Hindi pwedeng patapusin? Sige... LESS! Kidding aside, napalunok ako nang banggitin niya ang aking napakagandang kasing ganda kong pangalan. Nagsisimula na siya sa dialogue niya.
Unti unting niliitan ni Rhanz ang distansya naming dalawa mula sa isa't isa. At nang makalapit siya sakin ay hinawakan niya ang kamay ko saka niya ako hinatak para yakapin.
Grabe!!
Gusto ko nang magpakain sa lupa sa sobrang hindi ko malaman! Kung sobrang kilig, overwhelmed, hiya, o sadyang natatae lang ako.
"Sorry..."
"R-rha-----" Magsasalita sana ako kaso nakalimutan ko, bawal nga pala ako magsalita.
Mas lalo niyang hinigpitan yung yakap niya.
Tinaas ko ang kanang kamay ko at pinatong ito sa likod niya. Tutal nandito nalang rin naman, sasamantalahin ko na ang pagkakataon.
"T-tama na---" Parang tinakasan ako ng hininga ko nang marinig ko ang pagpiyok sa boses niya. Hindi nagtagal, naramdaman ko ang basa sa balikat ko.
Tahimik lang ang buong klaseng nanunuod. Lahat sila immersed sa pagarte ni Rhanz. Kung hindi ko lang talaga alam na acting to, iisipin ko seryoso siya.
"Okay stop." Humiwalay mula sa pagkakayakap sakin si Rhanz at tumalikod para punasan ang luha niya. Yun na eh! moment na namin yun tas may sisira!
"You did great Mr. Villanueva. Actually, great is an understatement. You were amazing." Pagpuri ni miss Kim kay Rhanz. Nagcheer naman ang buong klase kay Rhanz at isa na ako dun.
Hanggang sa ako ang nakita ni miss Kim.
BINABASA MO ANG
Love Chain [EDITED]
Roman pour AdolescentsLove chain -where LEAVING is the same as BEING LEFT. Music and Rhythm academy (MRA) is a school where superstars are made. In this school, you'll witness how 7 popular students and 1 transferee, achieve their dreams and how they overcome the game ca...