[Karl POV]
Nandito na ulit kami ngayon sa Dance studio 1 at nakabalik na sila Faye mula sa LS room. Now, I am staring at Claire na masayang masaya ngayon dahil sa keychain na binigay ko sakanya. Yes, as you expected, ako ang nagbigay sakanya nun. Alam mo yung pakiramdam na, hindi mo naman talaga gustong gawin ang isang bagay but for some reasons, your body keeps on telling you to do that certain thing.
Balak ko talagang pabayaran sakanya yan, kaso naisipan kong wag nalang. Nakakatuwa din naman si Claire eh. Ang sarap niyang past time tuwing bored ako.
"KARL REINER CHUA!" Bumalik ako sa sarili ko nang marinig kong may sumigaw ng pangalan ko. At napa-atras nalang ako mula sa kinauupuan ko nang makita ko ang mukha ni Claire sa harapan ko. Ni hindi ko manlang napansin na nasa tabi ko na pala siya.
"Lumayo ka nga sakin nang kaunti baka magkapalit tayo ng mukha." I pushed her away from me. Just awhile ago, her face was literally inches away from mine.
"ARAY!!!" She cried habang naka-hawak sa may likod niya na napuruhan nang dahil sa pag tulak ko sakanya.
"Ano ba problema mo?! Nanunulak nang walang dahilan! A-awwwww..." sabi niya habang sinusubukang maka-upo ulit. "Hoy sungit! Kung mag da-daydream ka wag dito sa dance studio! Dun ka sa kwarto mo! Agang aga wala sa sarili..." Pagsusungit niya.
" Bakit ba kasi ang lapit ng mukha mo sakin kanina?" Pabalik kong sagot tanong sakanya.
"Kung hindi pa nga kita hiniyawan nang malapitan siguro hanggang ngayon nakatingin ka pa sa kawalan! Kita mo sila?!" Pina-ikot niya ang index finger niya sa mga iba pang istudyante na ngayon ay busy sa kani-kanilang pagp-plano sa sayaw.
"Buti pa sila nakapag simula nang mag practice para sa couple dance! Eh tayo?! Ni kanta hindi pa natin napag uusapan!" Napatakip nalang ako ng tenga ko sa lakas ng boses niya. Tama ba namang hiyawan ako to the nth power well infact, 2 ft. lang ang layo namin sa isa't isa. Aakalain mong nasa kabilang bundok siya. Palengkera..... I just rested my back sa may mirror dito sa dance studio bago mag salita.
"Bored na ako, ikaw na ang mamili." Matipid kong sabi sakanya. Gumapang siya papunta sa side ko at sumandal din siya.
"Actually, may naisip na ako!" Napatingin ako nang kaunti sa direksyon nya.
"Ano?" Matipid kong tanong sakanya.
"Good kisser by Usher" Nilabas niya ang cellphone niya mula sa kanyang bulsa at pinlay niya yung kantang sinasabi niya. Good kisser, was it?
"Ayus lang." Yun lang ang nacomment ko, kasi ayus lang naman talaga ang kanta. We can help each other with the choreography after all. Hindi strong masyado pero sabi nga sa isang klase namin, hindi kailangan ng usong kanta, Nasa nagdadala nalang yan.
"Okay!" She exclaimed excitedly. "Tara simulan na natin ang choreography!" At hinatak hatak na nga niya ako patayo. At ako naman itong sumunod nalang.
=======
"Karl ayus naman!" Kanina pa ako nag pipigil ng tawa dito . Paano ba naman, lagi akong nag loloko sa practice namin.
Kanina, dapat papasok na ako pero dinelay ko. Pangalawa, dapat hahawakan ko siya dapat sa bewang niya pero nagpapabebe ako. Tas ngayon, iikot dapat ako sa left side pero pumunta ako sa right kaya ayun, nag ka-banggaan kami. Highblood na siya! Sarap niya asarin eh! Lalo na ngayo't bored ako.
BINABASA MO ANG
Love Chain [EDITED]
Fiksi RemajaLove chain -where LEAVING is the same as BEING LEFT. Music and Rhythm academy (MRA) is a school where superstars are made. In this school, you'll witness how 7 popular students and 1 transferee, achieve their dreams and how they overcome the game ca...
![Love Chain [EDITED]](https://img.wattpad.com/cover/4526485-64-k562625.jpg)