Chapter 2
[Claire POV]
"Ah.... sige po! salamat po!" Pagkaparada ni manong driver, bumaba na din agad ako. Pag kababa ko, napansin kong ang ganda ng parking lot nila! Malinis, sariwa ang hangin and tahimik. Ang daming matataas na puno kaya naman hindi bilad. Wala kang makikitang tambay dito. Kung meron man, iilan lang.
Nag simula na akong mag lakad papasok ng campus nila. Mabagal lang ang lakad ko dahil pinag mamasdan ko pa yung paligid ng school.
Hanggang sa nakadali ako ng isang matigas na bakal---este tao. NAKADALI AKO NG TAO. Hindi MATIGAS NA TAO. Anong iniisip niyo?!
"ARAY!" Jusko! Ang lakas naman ng lalaking 'to! Simpleng bunggo lang, mapapabagsak ka na niya!
"Ah! Sorry miss! Hindi ko kasi napansin yung dinadaanan ko eh." Urgh! Ano ba naman yan! Nadumihan tuloy ang tshirt ko! Buti nakasimpleng white tshirt lang ako sa loob at black na cardigan at maong. Kung nagdress ako talaga naman!
"Miss, tulungan na kita!" Inalayan niya ako ng kamay at tinulungan akong tumayo. Siya narin ang pumulot ng bag ko.
"Sige! Thank----" Nang makatayo na ako, napatingin ako sa kanya then....
Gosh! Sinong adonis ang nasa harapan ko ngayon!? Para siyang human version ni Florante mula sa FLorante at Laura maliban nalang sa hindi kulay ginto ang buhok niya. Nakangiti siya sakin ngayon and OMG! Florante na may dimples!
wait. ERASE ERASE! Ano ka ba naman claire, nakakita ka lang ng mas gwapo at mas cute sa boyfriend mo, pumapantasya ka nanaman! Kung ang lalaking nasa harapan mo ay si Florante, pwes si Andre ay si.... Si.... Basta mas gwapo siya.
"Uhm miss? ok ka lang?"
Hindi ko napansin. Nakatulala na pala ako sa mukha niya.
"huh? ah! oo! o-okay lang ako! Dont worry!" Nauutal kong sagot sa kanya.
"By the way, I'm Linon" Inabot niya sakin ang kamay nia. and, gosh! Nakangiti nanaman siya!
"Ah! My name is Claire" Inabot ko ang kamay ko sakanya at nag shake hands lang kami then binitawan na niya yung kamay ko. Ang lambot ng kamay niya! Nakaka-bitin tuloy! hahaha! Joke lang!
"Uhm... sige claire, una na ako ah! May hinahabol pa kasi ako. See you! ingat ka!"
"Sige! Hehe." I let out an awkward laugh habang kumakaway sakanya.
Nag wave din siya sakin then pag katapos nun, nawala na siya sa paningin ko. Nang tuluyan na siyang nawala, bigla na lang nag bulungan yung mga studyante dito na pinapanuod pala kami.
Nakalimutan ko nasa labas nga pala kami. And expose na expose yung mga pinag gagawa namin. Teka, ano naman? Wala namang masama dun diba? Nabunggo niya ako then tinulungan! Walang mali dun! Pwe. Bahala sila sa buhay nila!
"Ang swerte nya noh!" Rinig kong sabi ng isang babae mula sa crowd.
"I know right?!" Sagot ng kasamahan nito.
"aish! Nakaka inggit naman siya! Buti pa siya nakalapit kay Linon nang ganun!"
huh? wait. Are they jealous? ahahaha! Ang swerte ko daw! Napalapit ako sa isang gwapong lalaki! Ano ba yan! Mapa-saang school man ako mag aral magnet talaga ako ng mga gwapo. Well, sorry, girls. Hindi ko kasalanang mas maganda ako sa inyo.
Nang bumalik na ako sa katinuan, nag simula na ulit akong mag lakad. And finally! After what feels like forever kahit wala talagang forever, nandito na rin ako sa mismong entrance ng school. Ang laki niya talaga and ang ganda! Bago ka maka pasok, kailangan mong ipakita ang I.D mo. Ipapa-inspect mo din yung bag mo! Mukhang napaka-strict naman sa school na 'to.
Pumasok ako sa loob and as I expected, puro studio. Lahat ng room na dadaanan mo ay soundproof! SAN KA PA?! Sosyal masyado.
Ngayon, isa na lang ang problema ko.
Ang hanapin ang room ko!
Pero parang--- NO--- TALAGANG mahihirapan ako para hanapin ang isang room sa ganito kalaking school. Mukhang imposible naman ata yun! Para kang nag hahanap ng isang karayom sa isang desyerto (Okay, masyado nang O.A)
LINON! HELP!!!!!!
=========================

BINABASA MO ANG
Love Chain [EDITED]
Teen FictionLove chain -where LEAVING is the same as BEING LEFT. Music and Rhythm academy (MRA) is a school where superstars are made. In this school, you'll witness how 7 popular students and 1 transferee, achieve their dreams and how they overcome the game ca...