[Chapter 21] Promises

434 20 3
                                    


[Faye POV]

"Boom shakalakaa~" Ang. BORING!

I'm not used to it.

Kakatapos lang namin kumain at napag isipan naming tumambay sa kanya kanya naming Private Rooms. Buong L.S nabigyan ng M.R academy ng private rooms. Siyempre isa kami sa mga outstanding dito.

Mag-isa, nakikinig sa iPad at nag e-emote! Luh! Ma-istorbo nga si Linon sa P.R (Private Room) niya! Haha! I got up from my sofa at nagmartsa palabas ng PR ko.

Off to Linon!

Ako at si Karl lang naman ang may pahintulot na makapasok nang walang paalam sa P.R niya eh. Dahil kami ang pinaka-close niya sa L.S. Si Karl dahil sila ang pinakamatagal nang magkakilala sa grupo. At magkaclose naman kami dahil halos parang magkapatid narin ang turing namin sa isa't isa.

Hm...... Naalala ko lang ang nakita ko kanina. May permission kaya si Claire kay Karl para makapasok siya sa P.R nito?

Kanina kasi habang papunta ako dito sa P.R ko, nakita ko si Claire na pumasok sa P.R ni Karl. Tas pagkapasok niya, bigla nalang nasara yung pinto nang padabog. At first siyempre na-curious ako kung anong nangyari kaya naman nilapitan ko agad ito. Pero nang binubukas ko na ang doorknob, naka-lock siya.

Something fishy, right?

Anyways nandito na ako sa tapat ng PR ni Linon kaya naman walang pahintulot kong binuksan ang pinto papasok dito.

"Yow, ma friend!" Tapos dire-diretso akong humiga with matching taas paa sa sariling sala niya dito sa P.R. Kaya gustong gusto kong natambay dito eh. Feel at home at may background music pa ako, yung boses ni Linon habang kumakanta siya! oha! Sarap ng feeling!

"Mang di-distorbo ka nanaman?" Tanong sakin ni Linon without even bothering to look at me. Masyado siyang busy dun sa gitara niya habang may pencil at music book na nakaharap sa kanya. Nagcocompose nanaman siguro siya or nag aarange. Nasa dulo siya ng sofang hinihigaan ko ngayon.

"BAD! Makiki tambay lang naman! Di ka na nasanay." I grabbed his little teddy bear at niyakap ito. "Ano ginagawa mo?"

"Kumakain. Kinakain ko yung gitara ko. Kita mo naman diba? O gusto mo tikman?" Sarkastiko niyang sabi habang inaabot sakin ang gitara niya.

" Nahahawa ka na sa kasungitan ni Karlabaw?" Oh yeah! Si KARLabaw!! Pangasar ko yun kay Karl haha!

"Hay nako. Alam mo namang ayaw na ayaw nun na tinawag na Karlabaw diba? Kulit mo din eh!" Sabay pisil niya sa pisngi ko. "Ako? mahahawa sa kasungitan nun? Try mo ikwento sa pagong baka maniwala." He switched his attention to his guitar again.

"Yun na nga eh. Pati ang pagong sawa na sa mga kwento ko" Sabi ko sabay nguso. Pacute nang kaunti!

Love Chain [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon