Chapter 15

610 27 7
                                    

[Claire POV]


Tiningnan ko ang bintana sa labas ng bahay namin only to see a raging rain outside. Grabe sobrang lakas ng ulan at ng hangin. Idagdag pa ang mga kulog. Wala man lang bang consideration ang school na yun at kailangan pa naming pumasok kahit halos matanggal tanggal na ang bubong namin sa sobrang lakas ng ulan at hangin?

"Claire! I-text mo nga yung mga kaibigan mo kung suspendido ba ang klase niyo ngayon." Ayan na, inuutusan na ako ni kuya pengs.

"Okay! Saglit!" Kinuha ko ang cellphone ko from my bag then hinanap ang number ng L.S.

At nakalimutan kong hindi ko pa nga pala nakukuha ang mga number nila. Hay nako!

Mawawalan na sana ako ng pagasa pero bigla kong naalala na tinawagan nga pala ako ni Karl dati at nakasave sa logs ko yun!

And hindi nga ako nagkakamali. Naka-save siya dito. Siya kasi ang huling tumawag sakin kaya naman madali kong makikita ang number niya.

Add to cantacts..... Mr. Sungit.... SAVE!

*Dialling mr. Sungit*

[Ano problema mo?] Ayan na po siya. Binabalik na niya ang kasungitan ko nung siya ang tumawag sakin. I cleared my throat before answering.

"Itatanong ko lang sana kung may pasok ngayon?"

[Bakit sakin mo tatanungin? Si Ms. Kim ba ako?] Eh bakit po ang sungit niyo? Pero hindi ko sinabi yan dahil mabaut ako.

"Hindi ko pa kasi nakukuha yung number ng mga L.S. Kaya ikaw na lang ang tinawagan ko. Okay na ba yun?" Nakaka BV! Narinig ko ang pagpatay ng sasakyan niya. So he's on the road?

[Sabihin mo na kasi. Na-miss mo lang ako!] HELL WHUT?! I could almost picture him and his mocking smile while saying that. And that's enough to piss me off.

"MISS MO MUKHA MO! Tingin mo ba gusto kitang tawagan huh?! Kung naka-save lang sana sakin ang number nila, hindi na kita aabalahin pa! ANO NA! Sagutin mo na nga lang ang tanong ko!"

[HAHAHAHAHA! That's what you call DEFENSIVE! Wag kang pahalata sa susunod huh? Oo, meron!] Marunong palang tumawa si mr. Sungit!

"Sige. I'll hang up" Ibababa ko na sana ang tawag nang narinig ko siyang sumigaw sa kabilang linya.

[WAIT!]

"OA mo! Maka sigaw! Walang bukas?!"

[Nandito na ako sa harap ng bahay niyo. Labas ka na. Sabay tayong pumasok.]

"ANO?!" I could almost hear Kuya Kevin spilling his coffee all over the place sa sigaw ko.

[Bored ako. Dalian mo.]

"H-hoy---!" Magsasalita pa sana ako pero pinag bababaan na niya ako. Teka, pano niya nalaman ang address ko? Tapos noon, alam din niya ang number ko. Luh! Mr. Sungit turned Midnight caller turned to be my STALKER! At isa pa, bakit ba lagi nalang ako ang napagttripan niya kapag BORED siya? Wow ah! So past time nalang ako ngayon ganun?

Abala pa akong pinapaslang si Karl sa isipan ko nang may narinig akong door bell. Hindi nagtagal, sinundan na rin ito ng katok sa kwarto ko.

"Bukas yan!" Pumasok si Kuya Kevin sa loob.

"Claire, hindi mo naman sinabing may maghahatid na pala sayo ngayon." Napafacepalm nalang ako. So seryoso pala talaga siya dun?

"A-ah.... Oo.... Sorry... Nakalimutan kong sabihin." Tungunu!

"Sige. Bilisan mo na diyan at nasa labas na siya kanina pa busina nang busina!"

Tumango ako sa sinabi ni Kuya. Bago siya lumabas, may sinabi muna siya.

Love Chain [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon