Chapter 35

103 3 9
                                    

Chapter 35







[Linon POV]







Nandito kami ngayon kami sa loob ng opisina ni Miss Kim. Pinatawag niya kami pagkatapos ng lesson namin para daw makausap kaming LS kasama si Claire.


Tahimik ang lahat, walang nagsasalita, lahat kami nagpapakiramdaman. Hindi masyadong maganda ang naging response ng mga studyante ng MRA. Karamihan sakanila sangayon na alisin si Claire sa LS. Walangya naman kasi sino ba ang nagsimula ng kalokohan na yun?


"Ano na kayang mangyayari satin?" Tanong ni Janin na katabi ngayon ang boyfriend niyang si Rhanz.


"Ano pa... Edi lagot tayo." Tipid na sagot sakanya ni Faye na wala sa mood. Lately hindi na siya ang nagiging mood maker ng LS. Lagi na siyang gloomy. Sinabayan pa niya ang kaguluhan na to.


"Wag ka namang magsalita nang ganyan, Faye." Saway sa kanya ni Janin.


"Nagtatanong ka eh! Sinagot ko lang." Sagot sakanya pabalang ni Faye.


"Magaaway pa ba kayo? Hindi na nga magkaintindihan." Natasha.


"Sino kayang naglagay nun sa announcement board? Wala naman akong maisip na dahilan kung bakit niya gagawin yun. Isa pa malapit na ang audition. Talagang timing? 3-4 months nalang ang natitira nating oras para magpractice tas ganito pa..." Singit ni Rhanz sa usapan. Tahimik lang si Karl at Claire sa isang gilid dun. Si James naman, sigurado akong iba ang pinoproblema niyan. Hindi ang kalagayan ng LS, although isa yun, mas dinidibdib niya ang sinabi sakanya ng ate niya kanina. Di ko rin naman siya masisisi. It must've been a big shock for him.


"Hindi ko alam basta ang alam ko lang babasagin ko ang mukha ng kung sino mang nasa likod ng lahat ng to. Wag lang siyang magkakamaling magpakita sa harapan ko." Panggagalaiti ni Karl.


Sabay sabay kaming nagsitayuan nang biglang bumukas ang pinto at nakita naming si Miss Kim ang pumasok mula rito. Makikita sa mukha niya ang fatigue at stress.


"Take your seats." Panimula niya, sinunod namin. Nagtungo siya sa upuan tapat ng desk niya. Sabay ng pagupo ni miss kim ang pagtayo ni Karl. Lahat kami napatingin sakanya.


"Miss, I'm sorry for my rudeness a while ago. Hindi ko po sinasadya." Nagbow siya nang kaunti pagkatapos.


"It's okay, naiintindihan ko naman na pati kayo nagulat sa nangyare. Take your seat again." Sagot sakanya ni Miss Kim.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Chain [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon