[Chapter 19] Clainon

551 24 11
                                        

[CLAIRE POV]



"Andito lang ako para saluhin ka."

Nakailang toss and turn na ako dito sa kama ko habang patuloy na nagrereplay ang mga katagang yan sa utak ko.

Grabe.

I feel so sinful. May boyfriend ako, pero hindi ko maitatanggi, may kung ano akong naramdaman nung narinig ko yan mula kay Linon.

Andre's face flashed right before my eyes. Oo, Claire. May boyfriend ka. Wag mong kakalimutan, may boyfriend ka. FOR PETE'S SAKE, CLAIRE DENISE KIM, You're cheating on him emotionally.

Umikot ulit ako sa kama ko violently hoping na kapag nahilo ako, makakalimutan ko na ang mga nangyari kanina.

Yung kiss... Napahawak ako sa noo ko kung saan ako hinalikan ni Linon. And as if it just happened seconds ago, naramdaman ko kung paano lumapat ang mga labi niya sa noo ko. Hindi ako makatulog nang dahil sa ginawa mo, Linon! I covered my head with my two pillows.

ANG HIRAP HUMINGA! Potcha! I removed it again at dumapa nalang. Nagpaikot ikot sa kama at tinignan ang orasan. 11: 30 pm.

"Argh! Gusto ko na matulog!" Nagpaikot ikot ulit ako sa kama ko hanggang sa mahulog ako una ang balakang.

"ARAY!!" I let out a scream. Few moments later, nakarinig ako ng mga mabibigat na yapak na papalapit sa kwarto ko. Napatingin ako sa pintuan ko na kumaldabog at iniluwa nito ang aking Kuya Penguin na naka-pajamas, may dala-dalang unan at nag tatanggal ng muta.

"Ano ba problema mo, aegi? Pwede ba, kung hindi ka maka-tulog wag ka nang mang damay. Inaantok din naman kami." Sabi niya habang nahikab pa. Hindi ko nalang siya pinansin at sinubukan ko nalang tumayo mula sa pagkakabagsak ko.

"A-aray."

"Oh! Okay ka lang?!" Pag pa-panic ni kuya Pengs. Lumapit siya sakin at tinulungan akong tumayo. Tinanggal niya ang kumot ko na naka-palupot sa buong katawan ko at tinulungan akong makatayo para umupo sa kama ko.

"Ano ba problema mo, Claire? Ppali ppali. Malhaebwa." Ppali - Bilis. Malhaebwa - say it. Tanong niya sakin pagkatapos niya akong tulungang makaupo.

Tiningnan ko lang sa mga mata si kuya. Sasabihin ko kaya sakanya? Pero pano kung ijudge ako ni kuya? Atsaka isa pa, alam niya ang tungkol samin ni Andre. Pano kung husgahan din niya ako?

"YAH!" Tila ba bumalik ang kaluluwa ko sa sarili ko nang bigla akong sinigawan ni kuya Pengs. Ang tagal ko din palang naka tulala sakanya. Pinagekis niya ang braso niya habang umiiling sa harapan ko.

"Tsk tsk tsk... Kung ano man ang problema mo, panigurado mukhang malala yan." Napatungo nalang ako habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

Love Chain [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon