Chapter 34

57 6 3
                                    

Chapter 34






[Claire POV]







"Uhm... Okay?" Naguguluhan kong tanog kay Linon. Hanggang sa mga oras na 'to ay yakap parin niya ako. Nakakailang nga kasi nandito rin sa loob ng L.S room si Karl, nakatingin samin. He gave me a questioning look to which I just shrugged. Wala rin akong idea sa inaasal ni Linon.


Sa wakas humiwalay na rin siya sakin.


"Anong meron?" Tanong ni Karl sakanya,


"Hindi ko rin alam. All I know is that someone, some good for nothing fcker, posted a petition sa announcement board." Petition? I have a bad feeling sa petition na sinasabi ni Linon. May kinalaman kaya ito sa inaasal kanina ni Linon?


"Announcement board pero may petition?? Anong klaseng petition naman yun??" Tanong ni Karl. Napansin kong medyo nabalisa si Linon sa tanong. Napalunok siya bago huminga nang malalim.


"Petition... For Claire to leave L.S." Tipid na sagot ni Linon na nagpalaki ng mata naming dalawa ni Karl.


"What?!" Bulyaw ni Karl. Nagkatinginan kaming dalawa at parehas kaming naguguluhan.


"P..Petition para paalisin ako sa L.S.? Ako? Pero bakit? M-may ginawa ba akong mali?" Natataranta kong tanong.


"No, no, Claire, wala kang kasalanan dito. Wala kang ginawang mali. Wala kang dapat ipagalala. Sigurado naman akong aaksyunan agad nila ms. Kim ang issue na to kaya naman wala kang dapat ipagalala." Pero kahit sinabi niya yun, alam kong hindi yun ang totoo. Kung yun naman ang mangyayari, bakit siya tatakbo hanggang dito sa L.S room para lang ipaalala sakin na miyembro ako ng L.S??


"Sino ang naglagay dun?" Napalingon ako kay Karl na ngayon ay napaigting na ng bagang. Tahimik na umiling si Linon.


"Hindi ko alam---"


"That's bullsht!!" Nagulat ako nang biglang humiyaw si Karl before he stormed out of the LS room. Wala kaming ibang nagawa ni Linon kundi ang sundan siya ng tingin.


"Ano nang mangyayari sakin ngayon, Linon?" Nagaalala kong tanong sakanya. Tears started forming at the corner of my eyes. Hindi ko maiwasang magalala.


"Everything will be okay. I just know. Sa ngayon, wag ka munang umattend ng---"


"Hindi." I said cutting him off. Nagsalubong ang kilay niya.


"Hindi ko sila tatakasan. I will attend my classes. Kapag iniwasan ko sila iisipin nila na guilty ako, na kailangan ko talagang lisanin ang LS, na nagpapaapekto ako sa pinagsasasabi nila. I won't give them that satisfaction. I'm gonna prove them wrong." I grabbed my bag and gathered all my things.

Love Chain [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon