[Chapter 25]

460 24 11
                                    

[A/N Probably the longest update ever na isusulat ko haha]






[Chapter 25]






"Hoy sungit! ARAY! Pwede ba?! NANANADYA KA NA EH! ANG BIGAT MO KAYA! Subukan mong buhatin sarili mo para malaman mo!" Mukhang t*nga kong pagkakasabi kay Karl. Lasing na lasing na kasi ang mokong at magsasara na daw ang bar nila Janin kaya umalis na rin kami. Grabe lang talaga dahil iniwan kami ng LS. When I say L.S, isa na dun si Linon.


Yes, iniwan kami ni Linon dito. Urgh. Bakit niya ako iniwan sa masungit na 'to?!


Gaano ako kaswerte ngayong araw na to?! Pagkatapos akong sukahan ng Karl na to, AKO PA ANG NAGBIBITBIT SAKANYA. Buti nalang pinagshower ako saglit ni Janin at pinahiram ako ng damit niya na baon. Kung hindi nakuuuu!


"Hmm..."" Pang isang daang beses ungol na niya yata ito. Nakakapikon na ah!


"Teka teka teka. Nasan ba ang sasakyan mo?" Sinubukan kong magsimula ng desenteng conversation sakanya! As if namang makakasagot siya nang maayos diba? Pwe.


I grabbed the key at his pocket at may pinindot dun at umilaw naman yung sasakyan niya. Wow! Pano nakarating dito yun? Diba naka-van kami kanina?


And sosyal! Naka-BMW ang lolo niyo!


Dali-dali ko siyang dinala slash kinarga papunta sa kotse niya. Urgh... Napakarami na nitong atraso sakin ah! Una, sinukahan ako. Pangalawa, pinagbuhat niya ako ng sarili niya! At pangatlo, pag dri-drive-in niya ako?!


May pang-apat pa pala.


SAAMIN KO SIYA PAPATULUGIN! Dahil hindi ko alam kung saan naka-locate ang kanilang mansyon!


Humanda sakin ang lalaking to pag gising niya!!


Nagaalburuto akong nagdrive papunta sa amin. Habang nagd-drive, nagiisip na ako ng magandang paliwanag kay mama at kay kuya kung bakit ako naguwi ng isang lalaking lasing!


At kada liko ko, I make sure na hindi ko magagas gas ang BMW niya! Baka pag bayarin pa ako eh wag na!


Nang sa wakas ay narating na namin ang harapan ng bahay namin ay sinubukan ko siyang gisingin.


"Hoy. Karl... Gising gising...." Pilit kong pag gising sakanya. At as usual, ang sagot niya.


"Hmm...." Bwiset talaga.


Love Chain [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon