Chapter One
Changes
Kyline's POV
Nagsimula ito rito."Ang gwapo, shet!" makapanindig balahibong sigaw ko. "I love y—"
"Hoy!"
Napairap ako nang may pumutol sa sasabihin ko. Ano ba kasi 'yon?
"Ang ingay mo! Para ka nang sinasapian d'yan!" sigaw ni Kuya.
Umayos naman agad ako nang pagkakaupo sa kama. Panira talaga 'tong si Kuya!
Napabuntong hininga na lamang ako. Ang pangunahing dahilan kung bakit ako kinikilig ay nakita ko lang naman kasi ang pinakabagong litrato ng pinaka-kinababaliwan kong artista.
I stared dreamily at the photo.
With his dimples, smile, chinky eyes and talent...
Who wouldn't fall for him?
Humagikgik ako.
Naalala ko tuloy kung paano ko siya nakilala.
-*^*-
Pauwi na ako noon sa bahay nang biglang lumapit sa akin ang pinsan ko.
"Ate, may sasabihin ako sa'yo!"
Nagulat ako sa kanya. Tumakbo siya papunta sa akin.
"O, ano 'yon?" Tumaas ang isang kilay ko. Tumalon-talon naman siya na para bang nagha-hyperventilate.
"Ate, kilala mo si Darren Espanto?" nakanguso niyang sabi. Umiling ako sa kanya. "Crush na crush ko 'yon!"
Pa-impit naman siyang tumili kaya tinakpan ko agad ang tenga ko.
"Sino naman 'yon?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Singer 'yun, Ate." She sighed. Then, her expression changed. Para naman siyang nagmamakaawa ngayon. "Puwede mo ba akong samahan sa mga mall shows niya? Hindi raw kasi ako papayagan ni Mom hangga't wala akong kasama. E, ikaw lang naman pinsan ko," she pleaded.
"Ha? O, sige..." naguguluhan ko pa ring sagot. This is weird.
"Hala! thank you, Ate!"
Niyakap niya ako nang mahigpit.
Napatakip muli ako ng tenga nang sumigaw-sigaw siya.
Sino si Darren Espanto?
Sa totoo lang, wala pa akong naririnig na ganoong pangalan. Nakagugulat lang ang mga kilos ni Reina.
Reina, my cousin, is choosy when it comes to boys. Minsan lang talaga kung may matipuhan siyang lalaki.
We even thought that she's a lesbian because of her preferences. Ngunit tignan mo nga naman ngayon, halos magpakabaliw dahil sa Darren na 'yon.Kinurot niya ako sa sobrang saya.
"Search mo kaya siya? Malay mo magustuhan mo rin?" Humalukipkip naman ako. Wala naman akong interes sa mga lalaki sa ngayon.
"Ha-ha," I laughed sarcastically. "As if. Sige, Reina, uuwi na 'ko."
"Grabe—" Mukhang may sasabihin pa ata siya, kaya pinutol ko na. Humihirit pa, e. Alam niya na ngang hindi ako interesado.