Chapter 25

469 26 4
                                    

Chapter 25

Girl

Darren's POV

No one can explain how happy I was that day. Kahit pa naisip niya na isuko ako, hindi ko pa rin maipagkakaila na s'werte nga ako. Dahil kung ganoon niya kamahal ang kaibigan niya, paano pa kaya kung magiging kami?

I will never get tired of proving myself. Ipaparamdam ko sa kanya na isa siyang prinsesa na hindi dapat sinasaktan. I will never do anything to hurt her.

She won't let me go... I'll make sure of that.

Calling Nicky...

"Hey."

"Hello..." she softly said. It's like I can imagine her blushing while we're on this phone call. "Bakit ka nga pala napatawag?"

"I wanted to invite you," I cleared my throat. "Sa... Ilocos. Somewhere in Ilocos."

Alam ko malayo iyon. Pero kung gusto niya...

"What? Where in Ilocos? Ang layo naman," she nervously chuckled. "Baka hindi ako payagan—"

"Ako magpapaalam para sa'yo."

"E, ikaw bahala..."

Napatingin ako sa orasan. Alas otso pa lang. Buti na lang ay maaga akong tumawag para makapaghanda siya.

"Okay, get ready. Bring extra clothes. I'll be there before 12."

Actually, I am confident that her Mom will allow her to go to Ilocos with me. She once told me that her Mom somehow changed. Parang naging maluwag daw ito sa kanya kumpara sa noon na overprotective. Siguro ay naninibago lang siya sa pakikitungo ng ina kaya siya paminsan-minsan na nalulungkot.

Well, I told her that she shouldn't overthink things. Maybe her Mom trusts her enough to let her go on these trips.

We said our goodbyes. Bumangon na ako para maghanda na rin ng aking susuotin para sa araw na ito. Sa totoo lang ay may nakahanda na akong mga damit para sa stay namin doon.
Matagal ko na kaya itong pinaghandaan.

The truth is... after we confessed our feelings for each other, we lost contact. She tried to avoid me again, but I guess I can manage given the fact that it's very sudden. Nabigla rin siguro siya.

So few days after, almost a week, here I am contacting her just so she would go out with me.

I missed her... Damn.

Napailing na lang ako sa kawalan. Am I going crazy? These are all because of her.

I opened my phone. Bumungad sa akin ang picture namin. I can't help but smile.

Sana maging masaya ang araw na ito at ang mga susunod pa.

After I got ready, I hurriedly went to their house.

Pinindot ko na ang doorbell at bumukas naman kaagad ang pinto.

"Oh, hijo, anong ginagawa mo rito?" bungad sa akin ni Tita Rowena. "Pasok ka."

"Uhm... Hello po. Ipapagpaalam ko lang po sana si Kyline."

Ngumiti naman siya at pumasok na kami sa loob ng kanilang bahay. Iminuwestra niya ang upuan sa kanilang sala at umupo ako roon.

"Saan naman?"

"Ah, sa Ilocos po sana."

I expected her mother to be somehow startled.

But she is not startled at all...

She just smiled again and said, "Oh, okay. Nandoon si Ky sa taas, naghahanda ata. Mag-ingat kayo, ha?" Tumunog ang kanyang cellphone. "Now, if you'll excuse me, I have to take this call."

Tumango na lamang ako at naghintay na kay Nicky.

Habang naghihintay ay napaisip ako. Totoo ngang may nagbago sa pakikitungo ng Mama niya. Hindi na ito strikto tulad ng dati.

Naputol ang aking mga iniisip nang marinig ko ang mga yapak sa hagdanan. I'm sure it's Nicky. Lumingon ako agad sa bandang iyon.

Napangisi naman ako nang makita ang kanyang ayos. She really dressed up for this day. Inilahad ko ang aking kamay.

Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa gayong bababa lang naman siya ng hagdan. Corny shits.

Namula ang kanyang mga pisngi.

"Bakit may pa-ganyan pa? Bababa lang naman ako," natatawa niyang sabi kahit na namumula pa. She took my hand. "Parang baliw..."

"Parang baliw daw pero tinanggap din naman," natawa na rin ako sa hindi malamang dahilan. I don't know, I'm just so happy whenever I'm around her.

Tuluyan na kaming nakababa at binuhat ko na ang kanyang bag. Nagpaalam na siya sa kay Tita at lumabas na kami ng bahay.

I opened the car door for her. Pumasok na siya sa loob ng kotse at ganoon din ako.

I started the car engine.

Lumingon ako sa kanya bago ko tuluyang pinaandar ang kotse.

"Matulog ka muna."

Kinuha ko ang maliit na throw pillow sa likod.

"Gamitin mo muna ito."

Kinuha niya ang throw pillow.

"Sige..." at ngumiti siya ng pagkatamis-tamis sa akin.

Damn, girl.

This is going to be a long drive...

-

Note: So, hiii.... sobra po talaga akong busy, pagpasensyahan. Bawi po talaga ako, huhu.

Another note: Vote if you liked the chapter and comment your thoughts! Hehe, thanks. :*

ChangesWhere stories live. Discover now