Chapter Fifteen
Endure
Darren's POV
"Sorry, hindi ako nagpakita nang ilang araw," malungkot niyang sabi.
"Ano ka ba, ayos lang 'yon."
Inakbayan ko siya.
Ngayon ko na lang nayaya si Kyline matapos ang ilang araw na walang pagpaparamdam. Hindi ko alam kung anong nangyari. Hindi ko rin naman siya matanong kung anong problema dahil mukhang masaya naman siya ngayon.
"Doon tayo, Dee!" tumalon-talon siya na para bang gustong-gusto niya ang boutique na iyon.
She looks too fine, actually.
Nakababahala na.
I looked at her... at napatagal ata ang pagtitig ko dahil pagtingin niya, nakangisi na siya na para bang inaakusahan ako.
"Masyado ka naman atang nagagandahan sa akin, Dee."
Natawa ako.
"Maganda ka naman kasi talaga."
She blushed at my remark. Maski ako ay hindi ko aakalain masasabi ko iyon.
Napaiwas siya ng tingin.
Tumawa na lang uli ako.
"Naniwala ka naman."
Napaharap siya sa akin. Hinampas niya ako kaya lalo naman akong natawa.
"Akala mo gwapo, hindi rin naman," bawi niya. Ako naman ang natigilan.
She laughed.
I don't know but I am so fascinated by her laugh. Pakiramdam ko nga ay may sakit na ako. My heartbeat races when she laughs. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa tuwing ganoon.
Hindi nga ako kinakabahan sa mga concerts, tapos sa kanya kakabahan ako? Weird.
Hindi ko rin alam kung kailan pa ito nagsimula.
But, damn, she's making me crazy!
Maybe I should schedule a check-up.
"Dee, may problema ba? May masakit ba sa'yo?" nag-aalala niyang tanong. "Anong nangyari sa'yo at bakit ka natigilan? May nakita ka ba? Sino?"
Napangiti ako.
She's always so concerned about me.
Ginulo ko ang kanyang buhok.
"Wala, may naisip lang ako."
Nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Ano naman ang iniisip mo?"
Napatingin ako sa kanya.
"Wala 'yon."
Napasimangot siya.