Chapter Nineteen
Asleep
Kyline's POV
Alam na niya...
Alam na niyang nandito ako sa ospital.
And what's worse is he's coming right now!
Tahimik akong nagpapahinga rito sa aking kwarto nang tawagan ako ni Elia na papunta na nga raw si Darren dito.
E, kasalanan niya naman kung bakit ako nandito. Nararapat lang siyang pumunta. I did my best, you know. Ginawa ko naman ang lahat para mapatawad niya ako.
This is why I'm here in the first place.
Hindi ko alam kung bakit ako palaging nahihimatay kapag napapagod ako. Ngayon ko lang nalaman. Anemic pala ako. Kaya pala ako laging nahihilo at namumutla. Kulang kasi sa tulog.
Sabayan pa ng napakataas na lagnat na dulot ng pagpapaulan. Ayon, nagkasabay-sabay na nga ang mga sakit.
Napabuntong hininga ako.
Napatawad naman na niya kaya ako?
Ewan ko. Pero sana...
Dahil sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin ko.
Gusto ko nang bumalik kami sa dati.
Sobrang nagsisi ako sa ginawa ko.
Kung hindi ako umiwas at pumunta kay Trevor, hindi sana kami magkakagan'to. Hindi rin sana ako mapupunta rito.
At higit sa lahat, hindi sana lalong mahihirapan si Mama.
When she found out that I was brought to the hospital, she was... well, silent. She became very silent. It's very unusual for a reaction.
Then, what's more shocking is when I woke up, she became very cheerful.
Nakakatakot.
Because I think that her happiness is just her defense mechanism.
Ginagawa niya na lang ang kabaliktaran ng totoong nararamdaman niya.
Alam ko...
Dahil iyon din ang ginagawa ko.
Dapat nga ay maging masaya ako na parang bumalik si Mama sa dati. Mas naging masiyahin siya, maalaga. Pero mas lalo lang akong nabahala.
Sana ay ipakita niya na lang ang totoo niyang nararamdaman.
Because it's hard. It's hard especially when the problems are too much.
Baka hindi niya kayanin.
Napatingin ako kay Mama habang natutulog siya sa tabi ng kama ko.
Mom, everything is going to be alright.
Masosolusyonan natin ito.