Chapter 17

420 28 10
                                    

Chapter Seventeen

Weak

Kyline's POV

Galit siya.

Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba kasi ako umiwas?

Hindi na natapos 'tong pag-iyak ko.

Binalikan ko si Trevor.

"Trevor, I'm sorry..." inalalayan ko siyang tumayo. "Nadamay ka pa... I'm sorry for what Darren did."

Kaya lang naman kami nagkikita ni Trevor dahil tinatanong ko siya kung ano pang alam niya tungkol sa tatay kong taksil. I just wanted to know more information.

Pero hindi ko plano na pati iyon makasama sa galit sa akin ni Dee.

Hindi ko rin kasi inaasahang makikita niya kami.

Aaminin ko namang umiwas talaga ako kay Darren.

It's because I needed space.

Hindi ko na kaya ang emotional turmoil na dulot sa akin ng problema sa aming pamilya. Hindi ko na kailangan ng isa pa na makakapagpadagdag sa aking panlulumo.

Oo, kaibigan lang ako ni Darren at kasalanan kong umasa ako sa kanya.

But can you blame me?

I only wanted to break free from these situations.

Mahirap pagsabayin ang dalawang problema.

Kung ipapagpatuloy ko ang pagsama ko kay Dee noon, maaaring mahulog lamang ako lalo. I'll fall harder without him even knowing that he's unintentionally making me fall.

Kaya gusto kong kalimutan muna ang nararamdaman ko.

Para hindi ito makasagabal sa pagkakaibigan namin ni Darren.

Pumatak ang aking mga luha.

Too bad, he's not my friend anymore.

He won't talk to me again.

Sinayang ko ang oras niya.

Humingi ako ng paumanhin kay Trevor at ako na rin ang tumawag sa kanilang driver para makauwi na siya. He won't be able to drive because Darren's punch knocked him out. Mabuti na lamang at nagising siya dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kanina.

"I'm sorry, Trevor," malungkot kong sinabi. Pinunasan ko na ang aking mga luha. Dumating ang kanilang driver at inalalayan na siya nito papunta sa kanilang kotse.

Napatingin naman ako sa ibang direksyon.

Iyon 'yung kalsada na kung saan dumaan ang kotse ni Darren kanina... noong umalis siya.

I can't help but be emotional. I am too weak. Madali akong mapaiyak dahil madali lang din akong masaktan.

Darren, mapapatawad mo pa kaya ako?

Kasalanan ko talaga... Hindi ko naisip na maaapektuhan ang pagkakaibigan namin nang dahil sa ginawa ko.

Oo nga naman, mag-aalala siya sa akin. Who wouldn't worry for their friend?

ChangesWhere stories live. Discover now