Chapter 3
Unexpected
Kyline's POV
Natapos ang klase at umuwi na kami. Wala namang masyadong nangyari sa buong araw. It was the usual. Lecture, then recess, then lecture uli.
So ayon na nga, umuwi na kami. Naghanda na rin ako para sa mall show ni Darren.
I took a shower. Then, I wore the green t-shirt that I bought with the name Darren in the middle of it and a denim skirt as my bottoms. I braided my hair and put on light makeup. I need to look decent even if it's just only for today.
Pagkatapos kong mag ayos, bumaba na ako.
"Ma, pupunta ako sa mall show ni Darren, ha? D'yan lang naman 'yon," pagpapaalam ko kay Mama. Papayag naman 'yan. Besides, she can't say no when I'm already dressed up.
"O, sige, anak. Sinong kasama mo?" aniya habang nakakunot ang noo. Wala kasi si Reina. Si Reina lang naman ang palagi kong nakakasama pagdating sa mga ganoon.
"Si Shie po," Mom nodded.
"O, sige," at humalik siya sa aking pisngi.
From there, I heard the doorbell rang.
Si Shie na siguro iyon. I said goodbye to Mom and I walked towards the door.
"Mag ingat kayo, ha?" Tumango na lamang ako. Tumalikod na ako para buksan ang pinto.
Binuksan ko ang pinto at lumabas na ako. Nakita ko si Shie na nakasandal sa gate ng bahay namin.
"Ang tagal mo naman, Kai! Excited na kaya ako!" tumatalon-talon na sabi niya.
"Wag kang masyadong atat, Shie! Hindi lang naman ikaw ang excited dito," I, too, am so excited. Hindi ko nga lang maipakita dahil hindi ko alam ang gagawin ko ngayong sobrang bilis ng pintig ng puso ko dahil sa hindi malamang dahilan. Kabado? I don't know but maybe it's because of the excitement.
"I know. Tara na!" At hinila niya na ako. Tinawag ko naman ang aming driver at dali-dali nang sumakay sa aming kotse.
We chatted until we arrived at the mall. Kwinento namin sa isa't isa 'yung mga nangyari sa past na mall show ni Darren na dinaluhan namin.
Kaso tumahimik na lang ako dahil mukhang hindi naman interesado si Shie sa mga kwento ko. Pinakinggan ko na lamang siya.
Nang makarating kami sa event ay lalo naman akong kinabahan.
Sa totoo lang ay wala akong ideya kung anong sasabihin ko kapag kaharap ko na siya. Baka sa sobrang kaba ay masayang na naman ang pagkakataong 'to!
We went to a store to buy his latest album. Our key to meet him! Then, we went inside the function hall to find our seats. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Kabadong-kabado ako. Ewan ko. Ang weird sa feeling. Siguro kasi makikita ko na naman si Darren kaya ako nagkakaganito.
Wala pa si Darren. Sabagay, it's only 4:15. 5pm pa magsisimula ang mall show niya. Medyo matagal-tagal pa kaya naglaro muna ako sa cellphone ko habang naghihintay sa kanya. Lumipas ang oras, I got bored so I stopped. Huminga ako nang malalim para maibsan itong kaba na nararamdaman ko.
Kumalma ako nang kaunti. Nagkwento uli si Shie tungkol sa previous mall shows ni Darren na napuntahan niya. Tumahimik na lang ako. Hinayaan ko siya.
Tinignan ko ang relo ko... 4:51 na.
Oh no, I think I gotta go to the rest room.
"Shie, CR muna ako, ha? I-reserve mo na lang 'tong upuan ko," tumango na lamang siya at tumayo na ako. Tumakbo na ako nang mabilis. Syempre, baka mahuli ako pa ako sa mall show.
Tumakbo ako nang tumakbo dahil medyo malayo ang CR.
"Nasaan na ba 'yung C—"
Mahilo-hilo akong tumayo. May nabangga ako! So stupid, Kyline!
Gusto ko sanang mag-sorry, pero nakayuko siya. What now?
"Uh, Kuya?"
Nang tumayo siya, nagulat ako nang bigla niya akong sigawan.
Nanlaki ang mga mata ko.
"What is your problem? Nagmamadali na ako! Marami nang naghihintay sa'kin! Hindi mo ba alam 'yon?! Papansin! Akala naman nila magugustuhan ko sila," galit niyang utas.
Parang hindi pa pumapasok sa isip ko ang nangyari. Nang marinig ko ang paghakbang niya palayo sa akin ay doon na lamang ako natauhan.
"Sorry, Darren..." iyon na lamang ang tanging naisagot ko sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala. Tinawag niya akong papansin! Hindi ko naman sinasadya na mabangga siya!
Bumagsak ang aking mga luha. Dahil siguro sa gulat at sa mga sinabi niya.
Masakit pala. Lalo na't binuhos ko ang oras ko sa kanya. I really liked him. Kaya bakit ganito? Hindi naman ako humihiling na magustuhan niya ako. Bakit niya kailangang sabihin iyon?
Hindi ko aakalaing magagawa 'yon ni Darren.
Dumiretso na akong CR at doon ko inilabas ang lahat ng luha ko.
Kaya pala sobrang bilis ng pintig ng puso ko kanina. Kabado nga. Siguro kasi may mangyayaring hindi maganda.
Ako na nga itong nagmamadali para sa mall show niya. Hindi ko naman sinasadya na mabangga siya at kailanman ay hindi ako naging papansin sa kanya. Kaya nga ayaw kong makakuha ng atensyon kasi ayaw kong ganoon ang maging tingin niya sa akin.
Bumalik na lamang ako sa function hall at pagdating ko, naroon na nga siya.
Nagsimula na ang mall show.
Kumanta siya ng In love ako sa'yo, Stuck, at Makin Moves. Habang kumakanta siya, bigla siyang napatingin sa pwesto namin. Nanlaki ang mga mata niya. Ewan ko, pero nagulat ata siya nang makita niya ako. Nasa harap lang din naman kasi kami. Tinignan ko rin siya. Lalo lang kumirot ang puso ko. I hate this feeling.
"Kai, nakatingin si Darren sa pwesto natin," kinikilig na sabi ni Shie. Instead of smiling, I feel devastated. I am so disappointed. Kung alam lang ni Shie ang ugali n'yang Darren na 'yan.
"Ah, oo nga," walang gana kong sagot. Ngumisi ako kay Shie, ayoko namang ipakita sa kanya na hindi ako okay rito.
Nakatingin pa rin si Darren sa pwesto namin.
I want to get out of here. I want to cry. Pinipigilan ko ang luha ko. Napayuko ako nang nakawala ang isang luha.
Sana walang nakapansin.
Pinunasan ko agad iyon. Nagpaalam na ako kay Shie.
"Shie, masama ang pakiramdam ko," napakamot ako ng ulo. "Pasensya na, pero mukhang hindi ko na kaya kaya mauuna na akong umuwi. Magpasundo ka na lang sa driver niyo. Sorry talaga," umalis na ako at nakipagsiksikan sa mga tao para lang makaalis sa lugar na iyon.
Nang makalabas ako sa mall ay nakita ko na agad ang driver namin na naghihintay. Hindi pala siya umalis, buti na lang. Sumakay na ako sa kotse nang mapansin kong parang may kulang sa'kin. Nagkibit-balikat na lamang ako. Mukhang wala naman.
Tuluyan na akong nakauwi. Pagdating ko sa bahay, dumiretso na ako sa kwarto at umiyak. Pangalawang beses ko nang nalugmok dahil sa mga pesteng lalaking 'yan! Ano bang ginawa ko sa kanila, ha?
Hindi ko na namalayan ang oras.
Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko. Kinabahan ako nang mapagtantong wala iyon. Where's my phone?
Pumunta ako sa kotse at hinalughog ko ang bawat sulok noon. Wala pa rin!
Naiwan ko ata sa mall!
edited