Chapter Twenty
Nasugatan Na Naman
Kyline's POV
"Gusto kita, Nicky."
"I'm sorry for all of the things I've done. I never wanted you to get hurt."
"I was just jealous. I hope you can forgive me..."
"Gusto kita, Ky. Gustong-gusto..."
Hindi ko alam kung maniniwala ako sa aking narinig.
Parte ba iyon ng panaginip ko?
Siguro.
Kasi...
Si Darren daw... gusto ako?
Hindi, imposible.
Pero paano kung totoo nga iyon?
Suddenly, I want to cry.
Hindi ba't iyon ang gusto ko?
Bakit ako nasasaktan?
Kumirot ang aking puso. Am I hallucinating? Hulog na hulog na ba ako sa kanya kaya kung anu-ano ang naiisip ko?
Nahirapan akong huminga sa sobrang sakit.
Gusto rin kita, Dee.
Mahal na nga ata kita.
Kaya sana nga totoo na lang ang iniisip kong narinig ko.
Tumulo na ang aking luha.
Pati ba naman sa pagtulog, umiiyak ako.
Dumilat ako.
Mukha ngang panaginip lang iyon dahil wala na si Darren sa tabi ko.
Napabuntong hininga ako.
Malala ka na, Kyline Nicole.
Simulan mo na ang pag-mo-move on dahil hinding-hindi ka magugustuhan ni Darren.
Hanggang imahinasyon mo na lang 'yon. Patuloy ka lang na masasaktan kung ipapagpatuloy mo iyang kahibangan na 'yan.
Hinding-hindi niya iyon sasabihin sa'yo.
Sa iba siguro puwede pa.
Lalo akong nalungkot nang maisip ko na naman na sa iba niya iyon sasabihin.
Na iba ang gusto niya.
Napaka-swerte ng babaeng iyon.
Pinunasan ko na ang aking mga luha.
Huminga ako nang malalim.
Ngunit hindi pa rin nabawasan ang kirot na aking nararamdaman. Parang inatake ako ng mga kutsilyo sa dibdib sa sobrang sakit.