Chapter Twenty-Two
Bottle of Doom
Kyline's POV
"Oh my gosh!"
Agad akong napabitaw sa yakap ni Darren. Tumikhim ako at biglang umayos ng upo.
Kasing pula na ata ng kamatis ang aking mga pisngi!
Nakita kaya ni Darren ang hitsura ko kanina? Hindi naman siguro!
I was so intoxicated by his perfume.
Yes, I felt sorry for Corrine and I felt sad because I remembered all of the problems I have right now. Pero hindi pa nagtatagal habang ako'y nasa kanyang mga bisig ay naibaling ko ang aking pansin sa bango niya. What's his perfume? I am addicted!
Kaya naman sobrang nahiya ako nang biglang dumating ang mga kaibigan ko!
Hindi man ako nakita ni Dee dahil nakatalikod siya sa akin ay nakita naman ako ng mga kaibigan ko kaya ganoon na lang ang sigaw ni Andrea!
Mabuti na lang at hindi na nila sinabi pa ang naabutan nila na hitsura ng aking mukha. I look flushed but surprisingly, Darren is too.
Malamang, hindi naman 'yan sanay na makita ng ibang tao na intimate siya.
"Kyrren," biglaang nagsalita si Zari habang nakangiti at nakatingin sa amin.
"H-Huh?"
"Kyrren is officially now your ship name," she winked at me. What's with people and winking today?
Napalingon naman ako kay Dee sa hiya. I was shocked because he suddenly looked amused!
Bakit?
At talagang natutuwa pa siya, ha!
"Tss." kunwaring inis na sabi ko. Malandi talaga at asadong-asado naman ako!
"Kunwari pa 'to, gustong-gusto din naman." Shie said while smirking. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya sa tono niya o naiinis.
Siniko naman siya ni Zari.
The truth is I don't know what's her problem and I have an intention of asking her but there is just no time for that.
Nagpatuloy na lang sila sa panunukso sa amin.
I don't know how to react!
Si Darren naman ay kalmado lang habang sinasagot ang mga tanong na binabato sa kanya ng mga kaibigan ko. I admire his consistency, actually. He never stuttered even though my friends are practically pushing me to him through their questions.
"Bakit kayo magkayakap?" tanong na naman ni Shie. It must be directed at me for she's eyeing my silence. I am really confused at her. Inaasar niya ba talaga ako?
"I just missed her," mataman na sinabi ni Darren.
Nagtulakan naman ang aking mga kaibigan dahil sa sinagot ni Darren. Sanay na ako riyan, hindi na ako kikiligin!