Chapter Eleven
Fear
Kyline's POV
Nagising ako dahil sa isang boses. I was sure it was my alarm. I lazily reached for my phone at laking gulat ko na lamang may nag-abot nito.
And my phone wasn't even ringing!
Namutla ako nang mapagtanto ko kung kaninong boses ang narinig ko kanina.
Napadilat ako nang wala sa oras at nakita ko si Darren sa gilid ng kama ko.
At nagpipigil pa ito ng tawa.
Gusto kong magsisisigaw ngunit baka kung ano namang isipin nila Mama. Kaya naman ay agad akong napatayo at pumunta sa banyo ng kwarto ko.
Nakakahiya!
Tinakpan ko ang aking bibig at pa-impit akong sumigaw.
What theeeeee!
Tumingin ako sa salamin at nakita ko na wala namang panis na laway.
Okay, face is clear.
Wala rin namang kahiya-hiya sa katawan ko.
Okay...
Naghilamos na ako at nagsepilyo.
Lumabas na ako sa banyo at nakita kong nasa kama ko na si Darren, nakaupo. Nagpipigil pa rin ng tawa. Grrr
"Bakit ka nandito?"
Wala pa rin siyang imik dahil pinipigilan niya pa rin ang kanyang pagtawa.
"Alam mo, masamang magpigil. Itawa mo na 'yan." I rolled my eyes.
Sinunod niya nga ang sinabi ko dahil humagalpak siya ng tawa.
The heck?
"Ano ba kasing ginagawa mo rito?!"
Hindi ko na napigilan at napasigaw na ako. E, nakakainis naman kasi 'tong lalaking 'to. Bigla-biglang sumusulpot!
"Wala lang. Day-off ko ngayon, wala akong magawa sa bahay kaya pumunta ako rito."
"Gano'n ba 'yon? Wala kang magawa kaya nanggugulat ka? Halos atakihin ako sa'yo! Mabuti na lang at wala akong panis na laway kundi mayayari ka talaga sa akin."
Oo, ganito na kami mag-usap matapos ang isang buwan ng pagkakaibigan.
At, oo, kaibigan lang.
Asa pa ako rito sa lalaking 'to.
"Okay lang 'yan. Kunwari ka pa ngang 'No offense, but I don't like you romantically', e, binabanggit mo nga ako hanggang sa pagtulog mo."
Again,
WHAT THE F!
Umakyat lahat ng dugo ko sa aking pisngi.
"H-Hoy! Anong pinagsasasabi mo riyan? H-Hindi kita binabanggit 'no!"
Lagot na!