Chapter 6
Destiny
Darren's POV
I'm glad she accepted my apology. Nagsisi talaga ako sa mga salitang ginawad ko. I hate seeing girls cry and I don't like having misunderstandings with girls. Kaya kapag nagkaroon kami ni Mom ng mga hindi pagkakaunawaan, nauuna na ako sa paghingi ng sorry.
I thought... Maybe I should text her?
Nakuha ko ang kanyang number noong tinignan ko ang kanyang contact list.
I figured... Why not?
I texted Kyline.
To: Kyline Alcantara
Hi, thanks for accepting my apology! Again, I am sorry for what I did. Hope to see you again soon!
-Darren
Mag-re-reply naman kaya siya? Napaisip ako. Sana naman mag-reply siya.
I waited for her reply. Lumipas ang oras at pabalik-balik ang pagtingin ko sa aking cellphone ngunit wala pa ring mensahe si Kyline.
Sumandal ako sa sofa at nag-isip na lamang ng pwedeng gawin.
Nanood na lamang ako ng mga pelikula. We have movies installed in our TV since we don't go to malls much because of my tight schedule. Swerte na lang kung minsan nakakalabas pa kami.
Humiga na ako sa sofa't lahat-lahat, hindi pa rin nag-re-reply si Kyline.
Natapos ko na ang dalawang movies at hindi pa rin siya nag-re-reply.
Pumunta muna ako ng kusina upang kumuha ng makakain.
While I was busy scanning the cupboards, my phone beeped. Napatalon ako sa gulat at agad ko namang tinignan ang aking cellphone.
Napasimangot naman ako nang malaman na si Cassy lang pala ang nag-text. Hindi si Kyline.
From: Cassy Legaspi
Goodnight, Darren. Sleep well.
I replied goodnight and turned off my phone. Akala ko pa naman si Kyline.
I sighed.
Kumuha na ako ng pagkain at kumain na.
Nang matapos akong kumain, napag-isipan kong matulog na. Paniguradong tulog na rin siya kaya hindi siya sumagot pabalik sa aking text.
Pumasok na ako sa kwarto at humiga.
I was about to close my eyes when my phone beeped again.
For sure it's Cassy. Hindi pa rin ba iyon matutulog?
I lazily opened my phone.
Nagliwanag naman ang aking mukha nang makita ko kung sino ang nag-text!
From: Kyline Alcantara