Chapter 10

513 30 2
                                    

Chapter Ten

Childish

Darren's POV

Stupid of me. Kahit na marami ang pwedeng kumalat uli, niyaya ko siya. I asked her to go out with me.

Pero walang malisya...

I only want her to be my friend.

Mabuti na lang at mukhang hindi kami nakikilala ng mga tao rito. We are in disguise. Pati siya ay pinag-hoodie at shades ko na rin dahil baka makilala ako ng mga tao kapag nakita nilang lalaki ang kasama ni Kyline.

E, paano naman kasi?

I declared myself as her best friend.

Hindi na rin tuloy siya gaanong makalabas dahil kada lalabas daw siya ay tinatanong siya ng mga tao kung nasaan ako. Sa school niya rin ay gano'n. I felt guilty, but I can't do anything about it. As long as she's not harmed, I feel like I can still fight the urge to be overprotective.

Ganoon naman kapag magkaibigan kayo, 'di ba?

Friends tend to be overprotective sometimes.

So ayon, I asked her if she wanted to hang out. I was bored and surprisingly, she was bored too. It turns out, the reason she was bored is she can't go anywhere without people recognizing her as my best friend.

Pumunta kami sa mall na wala masyadong tao at tinago pa rin namin ang aming identities dahil mahirap na kapag nakilala kami at nadumog.

Nagkataon namang mayroong malapit na park sa mall na iyon kaya bumili muna kami ng makakain.

"Uy, Sun Chips! 'Di ba dito ka pinaglihi ni Tita Nel?" nakangiti niyang tanong sa akin.

"Naaalala mo pa 'yon?" ginulo ko ang kanyang buhok.

"Ano ka ba, halos lahat kaya alam ko. Lahat ng interviews mo napanood ko na."

"Talaga ba? Sige nga, what was my latest? 'Yung bago pa tayo nagkabanggaan?"

Napakamot naman siya sa kanyang ulo. Gotcha! Alam ko kasing hindi siya masyadong updated noon dahil abala siya sa kanyang pag-aaral. Sinabi niya iyon sa akin n'ong minsan na tinawagan ko siya.

"Oo na! Hindi ko na alam!"

Haha, so cute. I pinched her cheeks.

Nagpatuloy na kami sa pamimili.

Nang matapos ay pumunta na kami sa picnic area at kumain na.

Marami nga siyang alam tungkol sa akin. It's unfair that I don't know anything about her.

"Ako naman ang magtatanong tungkol sa'yo," nakangisi kong sabi sa kanya.

I don't know why but with Kyline, the atmosphere is just so light. Magaan talaga ang loob ko sa kanya. Her laugh makes me laugh and everything about her is just mesmerizing.

Kaya nga gusto ko siyang maging kaibigan, e.

"Bring it on!"

ChangesWhere stories live. Discover now